RAVEN AUREA
Patuloy na umagos ang mga luha sa mata ko, hindi ko man alam ang dahilan ay kumikirot ang puso ko.
"Raven, don't listen to him." Makoy said noong makatayo siya. Naguguluhan naman akong tumingin sa kanila.
"Belie-" Hindi na naituloy ni Jason yung sinasabi nito dahil hinila na ako ni Makoy papasok ng bahay.
"Pinapagulo niya lang ang isipan mo." sambit niya. Even his words cannot calm my thoughts, alam kong maraming mali sa mga nangyayari na 'to. Katulad na lang din nung gabing iyon na kahit ilang beses kong pagtagpi-tagpiin ang mga alaala ko ay wala akong makuhang malinaw na kasagutan. I thought sapat na nang malaman kong si Mikaelo iyon and nung dumating na si Makoy and he made me believe na siya nga ang ama ng anak ko ay napanatag na ako but suddenly, Jason enter the picture ay naguguluhan na naman ako. Kung kaya ko lang sanang maalala ang lahat.
"Makoy." anas na bulong ko, mabilis naman siyang umiling. Hinalikan niya ako sa noo saka tinitigan sa mata, pakiramdam ko ay pilit niyang pinapanatag ang kalooban ko pero kahit ang mga mapupungay niyang mata ay hindi na maiibsan 'to.
"It's just you, Ravi and I. Don't be distracted by anyone." hawak-hawak niya ang mga kamay ko. Naramdaman ko rin ang kamay niya na humahaplos sa tiyan ko.
"Gusto kong malinawan, gusto kong mapanatag yung puso ko. I want to talk to Jason." Makoy's mood shifted immediately.
"No! He's a dangerous man." Nagmatigas naman ako.
"He's not. Please, hayaan mo akong makausap siya."
"I will not, you'll stay here hanggang sa umuwi yung lalaking yun!" asik niya sa akin. Natiim ko naman ang bagang ko.
"May itinatago ka ba sa akin? Kung panatag kang ikaw nga ang ama ni Baby Ravi, you'll let me to talk to him." akmang maglalakad na ako nang hilain niya ako pabalik.
"Sinabi kong hindi, hinding-hindi ka na makikipag-usap sa sin-" Napahawak 'to sa pisngi niya, namamanhid naman yung palad ko sa ginawa kong pagsampal sa kanya.
"You're just my bestfriend, Makoy. Wala kang karapatang diktahan ang mga gagawin ko." madiin kong sinabi na nagpatanga sa kanya. Iniwan ko siya saka pinuntahan si Jason na nakatayo pa rin doon sa labas.
"Mag-uusap tayo." mabilis naman siyang tumango saka iginiya ako papunta sa kotse niya. Tahimik lang naman kami hanggang sa huminto siya sa parke na malapit sa subdivision.
"Raven." anas na sambit nito habang nakayuko.
"Just talk, Jason. Gusto kong malaman ang lahat." napabuntong hininga naman siya saka nagsalita.
"I accidentally saw you that night sa private room, nag-iisa ka tapos mukhang may hinihintay. Noong lumapit ako ay nakangiti ka, hindi ko alam kung namumukhaan mo ako ang alam ko lang ay may dalawang bote ng tequila na nasa tabi mo. I was also drunk that night pero hindi pa naman ganun ka-wasted, you we're saying something pero hindi ko maintindihan. You keep on talking about Augustus, I realized he was Makoy's father, you're inlove with him. I guess ay napagkamalan mong ako siya. Niyaya na kitang umuwi para ihatid but you refuse, you kept on shouting na mahal mo siya. Nandoon pa nga yung nag-iiyak ka sa may parking lot parang bata, wala akong nagawa kundi isagot yung alam kong tama na pamilyado na siya pero mas lalo kang nagwala. Binitbit na kita sa sasakyan ko, akala ko maayos na ang lahat pero hinalikan mo ako. Lalaki ako, Raven at hindi ako santo para kontrolin ang sarili ko, dala na rin ng kalasingan at siguro ng kagustuhan ko rin. May nangyari sa atin kahit na ang sakit dahil pangalan niya yung isinisigaw mo, ibang pangalan yung binabanggit mo." Hindi ko naman maiwasang umiyak dahil tugma ang mga sinabi niyang iyon, pakiramdam ko nagkaroon ng liwanag yung malalabong parte ng panaginip ko na iyon.
BINABASA MO ANG
LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓
FanfictionGWAPA SERIES #4 Mikaelo Konrad Augustus Marcaliñas Reyes ( MiKo Augustus Reyes ) Miko Augustus Reyes a notorious playboy in town Goodlooking, Rich, a Professional Architecture and Psychologist. An ideal man for every woman he had but not for his fam...