MIKAELO KONRAD AUGUSTUS
" Hi Papa! " bati sa akin ni Makoy, naabutan ko siyang nasa labas ng unit nila at bihis na bihis. Lumapit naman ako't yumuko para kausapin siya.
" Saan ka pupunta, buddy? "
" May date kami ni Mommy! She will treat me daw. " napatango naman ako't ginulo yung buhok niya.
" Nice, i-enjoy mo yung date niyo! " humagikhik naman 'to saka tumango.
" I will, ayaw mo pong sumama? " I chuckled saka umiling, kahit naman gusto ko ay alam kung hindi ako hahayaan ni Kylie. Isa pa, bonding nila itong dalawa.
Maya-maya iniluwa ng pinto si Kylie, she looks gorgeous with her simple t-shirt na may partner na ripped jeans. Hindi mo aakalain na may anak na siya. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.
" Ang ganda po ni Mommy, diba Papa? " he giggled kasabay nang pamumula ng pisngi nito. Napatitig ako kay Kylie noong sagutin ko yung tanong ni Makoy.
"She is, She's the most beautiful woman I seen in my life." of course, pabulong na ang mga huling salita.
" Good Morning, Kylie. " bati ko sa kanya, tumango lang 'to saka tinawag na si Makoy.
" Bye, Papa Miko! " Makoy bid a goodbye, kumaway naman ako pabalik and sinabihan na mag-ingat sila.
Napabuntong hininga na lang ako habang pinagmamasdan silang mawala sa paningin ko. How I wish, they were mine.
*********
" bakit tayo nandito? " I asked Aly kung anung ginagawa namin sa Hospital nila. He was just grinning from ear to ear. Sinundo niya ako kanina at pinilit na isama dito for no good reasons.
" oy gago! Anu nga? " asik ko sa kanya. Tinitignan niya ako saka ngumisi. Mukha siyang manyak sa itsura niyang iyan.
" tutuklasin natin ang katotohanan. " napakunot ako habang nakatingin sa kanya. Sinasaltik na naman 'to si Aly, malamang nasobrahan sa medical terms habang kausap ang asawa niya.
"You're playing Detective games like Sherlock holmes? " sarkastikong tanong ko, hindi naman niya ako sinagot bagkus ay pumasok kami sa isang laboratory. Iniwan niya ako saka may kinausap, pagbalik nitoa ay may hawak na siyang envelope.
" Anu 'to? " takang tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang inaakto niya. Malamang ay naalog nga ang ulo nito.
" buksan mo para malaman natin. " hindi pa rin nawawala ang mga ngisi sa labi niya na parang nang-aasar sa akin. Ginawa ko naman ang sinabi niya. It's a DNA result. Hindi ko binasa lahat dahil tinatamad ako, dumiretso agad ako sa resulta.
" Positive, oh anu naman. " asik ko sa kanya. Binatukan niya ako saka sinigawan na basahin ko lahat. Halos mabitawan ko naman ang kapirasong papel na iyon nung nagsink-in na sa akin ang nilalaman.
" Positive, anak mo si Makoy. " napalunok ako dahil parang kinakapos ako nang paghinga sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Muli kong binasa iyong nakasulat dahil pakiramdam ko ay namamalikmata ako.
" Verzosa, Mikael Alexander Koeus. Positive 99.9% . " tinitigan ko 'to tapos nagpabalik-balik ng tingin kay Aly na nakangiti na ngayon. Hindi ko napigilang manginig kung pwedeng mabuwal sa pagkakatayo ko ay nangyari sa akin. I don't know how to react although parang sinasagot ng maykapal ang panalangin ko.
" Bakit mo ginawa 'to? " I manage to ask him kasabay nang panginginig ng aking boses.
He shrugged then tapped me na parang sinasabi niyang bumalik ako sa realidad. Pakiramdam ko kasi isa itong panaginip--- magandang panaginip.
BINABASA MO ANG
LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓
FanfictionGWAPA SERIES #4 Mikaelo Konrad Augustus Marcaliñas Reyes ( MiKo Augustus Reyes ) Miko Augustus Reyes a notorious playboy in town Goodlooking, Rich, a Professional Architecture and Psychologist. An ideal man for every woman he had but not for his fam...