MESS VIII

968 30 2
                                    

KYLIE

One week, iyon ang lumipas pero hindi pa rin ako kinakausap ng anak ko, sumasabay siyang kumain pero hindi nagsasalita. Ang tamlay-tamlay niya rin at bilang Ina, ang sakit-sakit makita na ganoon ang anak mo lalo na ang pakikitungo niya sa akin. I know, napakaover reacting ko sa part na iyon, napakasobrang protective ko sa kanya pero ginagawa ko lang iyon dahil mahal ko siya at ayaw ko lang siyang mapahamak. Kung idadahilan niya si Mikaelo sa akin pwes hindi gagana ang bagay na yun dahil wala na talaga akong tiwala sa taong iyon.

" Makoy, how long will you do this to me? Hindi mo ba nami-miss si Mommy? " tumungo lang 'to saka sumimangot, he crossed his arm.

" I miss you so much mom, pero nagtatampo ako sa inyo dahil sa ginawa niyo kay Papa Miko. " napabuntong hininga naman ako, I know it. Laging si Miko ang dahilan kung bakit nagkakaganito ang anak ko. Hindi talaga magandang ideya ang nakakasama niya 'to. Hindi magandang modelo si Mikaelo sa kanya, kapag nakasama niya 'to baka magaya lang sa kanya ang anak ko na walang pinatutunguhan ang buhay. Nilalason niya talaga ang utak nito.

" I need to say it dahil iyon ang totoo, he let you go, pinabayaan ka niya and muntik ka ng mawala. What if nawala ka? Alam mo ba kung gaano masasaktan si Mommy? " he look at me, naiiyak ito habang nakasimangot.

" How many times did I try to explain it Mom. I didn't lose my way. I know how I can come back on Papa and at the playground. Last day Papa tour me doon kaya I already know the pasikot-sikot. " napabuntong hininga naman ako. Oh sige, sabihin na natin na alam niya pero hindi ko pa rin maiiwasang mag-aalala. Mikaelo being Mikaelo is an irresponsible person, hindi na siya nagtatanda. He still act at the age na parang laro lang ang paligid lalo na kapag nakakita ng babae. He's still the Jerk, Augustus na nababaliw sa mga babae.

" I want to be with Papa Miko, I want to play with him. Gusto kong kasama siya habang nakikipaglaro on the other children outside. " napabuntong hininga ako, hindi maiintindihan ni Makoy ang pinupunto ko dahil bata pa siya, hindi niya maiintindihan ang pakiramdam ng isang ina na mahal na mahal at inaalagaan ang anak niya--- those things ang mga bagay na hindi rin maiintindihan ni Mikaelo dahil immature siya mag-isip, puro lang siya pagpapakasaya sa buhay niya!

" Nandito naman si Mommy tapos si Yaya Maria. We can play games too. "

" yes, we can but it's not the same with Papa Miko, whenever I'm with him, I felt I'm a grown up boy. He let me to do things that you didn't allow me to do. Papa Miko make me felt how the father bond with his son. I never felt it with Pops Perry, he just always make me gala around but didn't let me to know other children, even you, Mom. You always treat me like a little boy." napabuntong hininga naman ako, masama ba na isipin ko ang kapanakan niya, isipin na delikado ang mundo sa labas dahil sa lumalaganap na krimen ngayon. Masama ba na parehas lang kami ni Perry na nag-iingat sa kanya? I Know kahit ilang beses kong ipaliwanag sa kanya ay hindi niya 'to maiintindihan.

" Gusto mo iyan Makoy? Sige, tiisin mo lang si Mommy hanggang kaya mo. Magtiisan tayong dalawa. " sambit ko saka iniwanan na 'to sa kwarto niya. Gusto ko ng sugurin si Mikaelo at sampalin dahil sa kung anu-anung ipinasok niya sa utak ng anak ko. Gusto ko siyang awayin at sisihin sa away naming mag-ina.

" Hello. " bungad ko kay Perry sa kabilang linya.

" Kamusta kayo ni Makoy? " ikinuwento ko naman na ganun pa rin kami at hindi nagpapansinan.

" Hindi ko na alam kung anung gagawin ko sa kanya, maybe you can talk on Mikaelo para pagsabihan. " napabuntong hininga naman siya.

" Mikaelo will never listen on me, matigas ang ulo ng taong iyon. He set his own rules. " napailing na lang ako.

LOVELY MESS (MIKA REYES AND KYLIE VERZOSA) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon