"Samahan mo na ko Blessie! Ibibigay ko lang 'to sa pinsan ko." Saad ng katabi kong si Giselle. Tumingin ako sa suot kong wrist watch.
"Mahuhuli na tayo sa next class natin pag lumabas pa tayo. Ikaw na lang." Sabi ko sakanya at tamad na sumandal sa upuan ko. Haist! Bored!
"E-Eh hindi ko kaya..." Umangat ang tingin ko sakanya na ngayon ay namumula. Huh?
"E-Eh ka jan? Kung hindi mo kaya, yung pinsan mo papuntahin mo dito!" Napailing na lang ako bakit kasi sunod-sunuran pa siya sa mga pinsan niya? Pati tuloy ako nadadamay.
"Huli na 'to Giselle ah! Lagi tayong pinapahamak ng mga pinsan mo. Paniguradong pagagalitan tayo ni Mr.Quevas." Sabi ko sakanya habang hila-hila niya ko.
Grade 7 pa lang kami at heto na sa floor kami ng Grade 8. Halos maiingay lahat ng room at yung ibang mga estudyante ay nakakalat sa hallway.
"Dito 'yon." Sabi niya at binitawan na ako habang tumigil kami sa kwarto na walang pinagkaiba sa mga katabi nito na maingay din. Hindi pa kasi tapos ang break time.
"Tawagin mo na." Saad ko habang nag-oobserba sa paligid. Narinig ko naman na tinanong ni Giselle sa mga isa doon ang pangalan ng kanyang pinsan.
"Si Ash?" Tanong ulit nung lalaki habang tumango si Giselle. Lumapit naman ako sakanya.
"Sinong Ash?" Kunot noo kong tanong.Kilala ko ang mga pinsan niya pero hindi ko alam na may 'Ash' siyang pinsan?
"Pinsan ko. Kakauwi lang niya galing Singapore." Sumilip ako para makita kung sino 'yon.
Gwapo ang mga pinsan ni Giselle at halos lahat ay basketball player and yup playboy din. That's why i hate them.
May tumayong lalaki sa bandang gitna at agad kong napansin ang katangkadan niya. Of course! Magaling din 'to sa basketball panigurado!
Kunot ang noo niyang nakatingin sakin. Umayos ako ng tayo ng makalapit siya. Shvt! Pakiramdam ko nanginginig ang binti ko. What the heck? Ngayon lang ako nagkaganito sa isang Dela Mente.
"Ito na yung laptop Ash." Sabi ni Giselle sa gilid ko kaya napatingin siya dito. Hinawi ko ang buhok ko para takpan ang aking pagkanerbyos.
"Thanks Giselle." Malamig nitong saad at tinalikuran na kami matapos tanggapin 'yon. Hinila na ulit ako ni Giselle pero sumilip ulit ako sa huling pagkakataon.
Kumikinang ang mata ng classmate niyang mga babae habang nakatingin sakanya. Tss.
"Ang cold talaga ng isang 'yon." Biglang sabi ni Giselle habang palapit na kami sa room. Halatang hindi sila close.
"Mukhang playboy. Katulad ng iba mong pinsan." Halos hindi maitago ang inis sa boses ko. Hindi ko rin alam kung bakit.
BINABASA MO ANG
Until She Noticed [Completed]
General FictionBlessie Yvett Legazpi can get everyone's attention without trying, friends? Family? She's the only daughter kaya wala ng duda doon pero minsan meron tayong mga taong hindi napapansin dahil sa sobra-sobrang atensyon na nakukuha natin. But we didn't k...