Pareho kaming natahimik hanggang sa makarating na kami sa mansyon. Hindi pa ako nakakababa ng kanyang sasakyan ay agad ko ng nakita si Mommy sa labas at kinakatok ang bintana sa parte ni Terrence. I knew it. Hindi ito gagana.
Bumaba na ko at naabutan ko ang mga pinsan ko na nagsasakayan na sa kani-kanilang kotse. Marahil ay uuwi na.
"See you in Saturday?" Biglang sulpot ni Azor at inakbayan pa ko. Kunot noo ko siyang tinignan.
"Hindi kayo pinagalitan?" Ngumisi siya at umiling.
"Nope."
Huh?
"Blessie, aalis na si Terrence. Care to say thank you?" Dinig kong sabi ni Mommy kaya napatingin ako sa gawi nila.
"Bye bye." Bulong ni Azor at tuluyan na ring umalis.
Habang ako ay naiwan dito at puno pa rin ng pagtataka. Wala sa sariling lumapit ako sakanila.
"Thank you." Sabi ko kay Terrence ngunit sumulyap lang siya sakin at nanatili ang tingin kay Mommy.
"I need to go home na po Tita." Saad niya at binuksan na ang pinto sa driver seat.
"Sige, take care iho."
Ngumiti lang siya at tuluyan ng sumakay. Nagpaalam na naman ako sa mga pinsan ko. Kumindat lang sakin si Lander. Gusto ko pa sana siyang makausap pero mukhang hindi na mangyayari iyon.
"Sa susunod magpapaalam ka Blessie. Your dad is very worried but i already told him that you are with Terrence." Sabi ni Mommy ng makapasok na kami. Napatigil ako sa pag-akyat sa aking kwarto.
"A-Anong meron kay Terrence?" Naguguluhan kong tanong. What about him? Bakit hindi na nila kailangang mag-alala pag siya ang kasama ko?
Sumulyap lang sakin si Mom bago ibinalik ang tingin sa laptop.
"He's your fiancee." Sabi niya na parang normal lang iyon.
Para akong nabingi dahil sa sinabi niya. W-What? Fiancee? And i realized everything.
Kaya ba ganon na lang siya kakampante sa tuwing kasama ako? Tinutulungan niya ako kay Ash kasi alam niya sa huli sakanya pa rin ako babagsak? I mean... Ayaw niya pala akong tulungan. Naiinis nga siya pag tungkol kay Ash ang pinag-uusapan namin. But fuck? Ganon na ba siya ka-desperado? I can't believe him!
"Mommy, you can't do this to me. Ayoko siyang pakasalan." Muling umangat ang tingin niya sakin at napailing.
"Your Dad let you get the course you want. Ito ang kapalit Yvett." I bite my lower lip at tumakbo paakyat sa kwarto ko. Narinig ko pa ang pag tawag sakin ni Mommy pero padabog ko lang na sinara ang pinto at ni lock 'to.
Napaupo na lang ako dahil sa panghihina ng tuhod. Wala ba talaga akong karapatan na piliin ang gusto ko? Bakit... Bakit kailangang sila ang masunod? I don't get it. Kung alam ko lang na ganito pala ang kapalit sana'y ginusto ko na lang na sila ang masunod sa course ko.
"Walang practice ngayon Blessie." Sabi ni Giselle ng magkita kami sa harap ng gate. Pauwi na ko at hinihintay na lang ang driver. Wala din naman akong balak pumunta kung meron man. Isa pa, baka hindi na rin ako pumunta sa birthday ni Ash.
"Sige." Yun lang ang tanging sagot ko at hindi na siya pinansin.
"Sorry pala kagabi." Mahina niyang saad ngunit sapat lang para marinig ko. Nilingon ko siya and i know pareho kaming wala sa mood ngayon.
"It's okay."
"Alam mo naman na ayoko talagang pakasalan ang pinsan mo." Tumango ako. Naiintindihan ko. Sobra.
"Kahit ako. Ayokong pakasalan ang kapatid mo." Kumunot ang noo niya ngunit hindi kalaunan ay nanlaki ang mata at napatakip sa bibig. Umiwas ako ng tingin sakanya.
"I-Ikaw yung tinutukoy ni Terrence?" Hindi niya makapaniwalang saad. Natanaw ko na naman ang kotse namin mula dito kaya nakahinga ako ng malalim. Ayokong pag-usapan iyon.
"Una na ko Giselle. Bye." Paalam ko at hindi pinansin ang kanyang sinabi.
"O-Okay... Ingat." Dinig kong sagot niya bago ako tuluyang makasakay sa kotse.
Dumaan pa ang ilang araw at pinilit kong iwasan ulit si Terrence, maging si Ash, kahit si Giselle. Ayoko ng magkaroon pa ng koneksyon sa mga Dela Mente. Alam kong hindi dapat ako magalit sakanila pero masyado lang talaga akong namumuhi. Hindi ko alam kung ano pang silbi nitong pag-aaral ko kung matatali lang din agad ako. Naiintindihan ko si Giselle yung pakiramdam na sa isang iglap gumuho lahat ng plano mo, lahat ng pangarap mo pero wala kang magagawa.
Friday ngayon at bukas na ang birthday ni Ash. Nakatulala ako sa kawalan habang nakaupo sa bench. Iniisip ko na kung paano magiging ka-boring ang buhay ko. Magluluto, maglalaba, maglilinis ng bahay, maghihintay sa pag-uwi ni Terrence tuwing gabi. Seriously? Nag mukha na kong katulong! Gahd!
"Someone didn't follow the deal." Nawala ako sa mga iniisip ko ng marinig ang boses na 'yon.
Huminga ako ng malalim at hinagilap na ang mga gamit ko para makaalis na.
"Blessie." Pigil niya sakin at hinawakan ako sa braso. Agad ko tong inagaw sakanya.
"Don't talk to me. Tapos na ang deal natin." Sagot ko at nagpatuloy na ulit sa paglalakad.
Narinig ko ang nakakaasar niyang tawa kaya napatigil ako.
"Suko ka na agad kay Ash? Nalaman mo lang na may first love."
Hinarap ko siya habang napailing. I like Ash--- no i guess i already love him. He know that. I will do everything for him.
"You know it's useless right?"
Umiwas siya ng tingin. So, totoo nga. Alam niya ang tungkol doon.
"I d-don't understand you---"
"Because i love you!" Napailing na lang ako. Sinubukan niyang lumapit sakin ngunit umatras ako.
"That's bullshit! You don't love me!" Tumitig sakin ang mapupungay niyang mata habang napakagat siya sa ibabang labi niya.
"Don't you dare say that again. Damn it."
"Why? Pagmamahal ba 'yan? Ang pilitin ang isang tao?" This is all wrong. He know that.
"I will never love you!" Dagdag ko pa at tuluyan na siyang iniwan doon.
Tumulo ang luha sakin kasabay ng paghiwalay ng mga labi namin. Nagpalakpakan ang mga tao dahil sa tuwa ngunit hindi ko mahanap sa sarili ko ang saya.
Sinubukan kong ngumiti sa bawat pag click ng camera ngunit ang totoo ay gusto ng bumagsak ng mga luha ko. Lumipas man ang taon hindi pa rin nag-bago ang nararamdaman ko para kay Ash. Ngunit ganon din yata si Terrence.
Ang isa sanang masayang araw sa buhay ng babae ay naging sobrang lungkot para sakin.
"I will just go there." Bulong niya at hinalikan ako sa ulo bago tuluyang umalis.
"You're so beautiful Blessie!" Puri ni Giselle at sinalubong ako ng yakap. I hug her back.
"I can't believe this! Sister-in-law na kita!" Pilit akong ngumiti sakanyan.
"Blessie Yvett Legazpi-Dela Mente." Dagdag niya pa. I always want to be a Dela Mente pero hindi ko akalain na sakanya.
BINABASA MO ANG
Until She Noticed [Completed]
قصص عامةBlessie Yvett Legazpi can get everyone's attention without trying, friends? Family? She's the only daughter kaya wala ng duda doon pero minsan meron tayong mga taong hindi napapansin dahil sa sobra-sobrang atensyon na nakukuha natin. But we didn't k...