Hinatid nga ako ni Ash sa mansyon ngunit hindi ko naman naabutan sila Mommy at Daddy dito. Nakatingin ako sa mga picture frame na nakadisplay sa aming living room. Marami akong picture doon noong bata pa lang ako at wala man lang ni isang litrato na kasama si Terrence. Hindi katulad doon sa Sabtang.
Kinuha ko mula sa aking bulsa ang picture na galing sa Sabtang. Kahawig ko talaga ang babaeng may buhat buhat sakin at kay Terrence. What's the truth? Nagtungo ako sa kusina para hanapin ang isa sa mga kasambahay na matagal ng naninilbihan samin.
"B-Bakit niyo naman po na itanong M-Ma'am? Syempre po..." Sagot niya matapos kong tanungin kung isa ba talaga akong Legazpi. Nanliit ang mata ko dahil sa hindi niya matapos tapos na salita. Bakit siya kinakabahan? May tinatago siya.
"Sagutin niyo po ako ng totoo Manang." Kahit may kaba sa dibdib mas gusto ko pa ring malaman ang totoo. Parte ba talaga ako ng pamilyang 'to?
"Siguro po ay h-hintayin na lang natin---"
"Manang?" Pareho kaming napalingon ng marinig ang boses ni Mommy. Gulat siya ng makita ako.
"You're really here. Bakit hindi kayo sabay na umuwi ng asawa mo? May nangyari ba Blessie?" Agad na sabi ni Mommy at lumapit sakin. Mukhang umuwi siya para tignan kung nandito ba talaga ako. Ibig sabihin nakauwi na si Terrence?
"I left him in Sabtang." Walang oag aalinlangan kong sagot. Terrence told them na sa Sabtang niya ako dadalihin at nakakapagtaka na ang sagot ni Mommy ay hindi niya alam ang lugar na ito. Nagsinungaling lang ba siya?
"Why? Nag away ba kayo?" Umiling ako at tumitig sakanyang mata. I know my mother. She love me very much kahit si Dad. Inalagaan niya kaming mabuti kaya kailanman hindi na ako naghangad pa ng sobra sa buhay ko at ang gusto ko lang ngayon ay ang totoo.
"Blessie?" Tawag niya at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Agad na may tumulo na butil ng luha mula sakin. Nakita ko agad ang pagkataranta ni Mommy.
"What happened? Tell me iha." Nanginginig kong pinatong sa table ang nakitang litrato sa Sabtang. Tumingin siya doon at nakita ko agad ang gulat sakanyang mukha.
"T-That's me and Terrence. Sino... Sino po yung b-babae jan Mommy?" Napaupo siya sa harapan kong bangko habang kinuha ang litrato. Gulat at takot ang kitang kita ko sa kanyang mukha.
"We should... We should wait your f-father Blessie---"
"No Mommy... Answer m-me... Am i r-really your d-daughter?" Umiwas siya ng tingin at hinawakan ang pareho kong kamay. Tumulo ang luha mula sakanyang mata dahilan para masaktan din ako. She's the bravest woman that i know. Ang makita siyang nanghihina sa aking harapan ngayon ay masakit pero mas masakit yata ang nararamdaman.
"Blessie... You're my daughter." Sagot niya na parang kinukumbinsi rin ang sarili. Pinilit kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa aking kamay dahilan para umangat ang tingin niya sakin.
"I'm not... That's the t-truth... Right?" Umiling siya at sinubukan ulit akong hawakan ngunit umiwas ako. She's not my mother. Parang ilang besess na nadurog ang puso ko sa katotohanan na iyon. Hindi ako parte ng pamilyang 'to. That's one thing for sure.
Wala akong maramdaman na galit kung hindi purong kalungkutan lang. What about Terrence? Kapatid ko ba talaga siya? What if i'm right too? Saan na ko lulugar? Hindi ko na yata alam pa kung saan magsisimula kung mapatunayan ko na ang lahat ng 'to.
"Years ago, i married Rain. Nagkaroon agad kami ng anak. My twins. Matthew and Matteo and another year had past. Terrence came kasabay ng pag dating ni Georgina. Yes, i cheated but Rain forgive me." Paliwanag ni Tito David. Pilit na ngumiti sakin si Tita Rain at hinawakan ang kamay ng asawa. Napaiwas ako at napunta ang atensyon doon sa kambal at kay Giselle. Gulat din ang kanilang mga mukha.
"I didn't know that Georgina is pregnant. She said i'm the father of her daughter. I accepted you even Rain. We decide to take her to Sabtang and live a life there with you. We always visited you." Sumimsim siya sa kanyang alak at parang hirap na balikan ang nakaraan. So, that's explain why kung bakit marami kaming picture ni Terrence. They always visit us. I though doon din sila nakatira sa mansyon. Naramdaman ko ang paghawak sakin ni Mommy. Tahimik ang lahat at pinapakinggan lang si Tito David na mag kwento.
"Then, i secretly undergo to DNA test. In the past years saka ko lang na isip iyon. Before i can get the result. Georgina died beacause of brain tumor. Matagal na pala niya tong iniinda at hindi na pinaalam pa samin." Mas lalong lumala ang naramdaman kong sakit at ang pag-asang makikita pa ang ina ay nag laho na.
"Our blood didn't match." Nanlaki ang mata ko. He's not my father. Tumingin ako sa mga taong nakapalibot sakin. Agad akong nakaramdam ng pag-iisa. I'm not belong here.
"My friend Warren and Yvon decide to adopt you. Since they can't have children anymore." Naiintindihan ko na ang lahat ngayon. Napatango na lang ako.
"Is this why Terrence go to Japan? Don't worry iha. Ipapaliwanag din namin sakanya ang lahat." Tinignan ko ng nalilito si Tita Rain. Pumunta sa Japan si Terrence? U-Umalis siya?
"Hindi ko pa alam ang pag-alis n-niya..."
Agad akong dinapuan ng kaba at sakit. He leave me. He's gone. Napahawak ako sa dibdib ko. How funny things can easily change.
Noon, i'm the daughter of Mr. And Mrs. Legazpi. Isa sa mga kilala sa larangan ng business. Wife of Terrence Dela Mente. One of the famous, smart and rich in his field pero ngayon isang babae na lang na hindi alam kung saan mag sisimula.
Kahit isipin ko na parte ako ng pamilyang Legazpi at Sevilla parang may kulang na. Huminga ako ng malalim at binuksan ang ilaw ng bahay. Even the man who always there for me choose to leave me. I understand. He's tired.
Sa sobrang daming nangyari sa mga lumipas na araw parang ngayon lang pumasok sakin ang lahat. Nag uunahang lumabas ang luha sakin habang napaupo sa kama and for the first time in my entire life i feel lonely.
BINABASA MO ANG
Until She Noticed [Completed]
Ficción GeneralBlessie Yvett Legazpi can get everyone's attention without trying, friends? Family? She's the only daughter kaya wala ng duda doon pero minsan meron tayong mga taong hindi napapansin dahil sa sobra-sobrang atensyon na nakukuha natin. But we didn't k...