"Birthday pala ni Ash sa isang linggo Blessie." Saad ni Giselle habang inabot sakin ang maliit na envelope. Parang may confetti namang sumabog ng marinig ko 'yon mula sakanya.
"T-Talaga?" Hindi ko makapaniwalang saad. Binuksan ko ang envelope at nakita dito ang mga impormasyon. Hindi na naman ako nagulat ng makitang sa isang mamahaling hotel ito gaganapin.
"Ilang taon na si Ash kung ganon?" Tanong ko habang tinago na ang invatation sa bag nadala.
"21. Ayaw niya nga ng ganyan pero nag pumilit lang sila tita." Nagkibit balikat siya. Napatango
naman ako.2nd year college na kami ni Giselle habang 3rd year college na si Ash. Naging mahirap sakin ang mga nag daan na taon sa kadahilanang kumalat na nga na may gusto ako kay Ash. Sa tuwing nagkakasalubong kami lagi kong pinagdadasal na sana'y maglaho na lang ako. Tungkol naman sakanyang girlfriend hindi rin sila nag tagal at naghiwalay rin. Matapos non wala na kong nabalitaan na nagka-girlfriend pa siya.
"Giselle, nahihiya pa rin ako." Sabi ko kaya napalingon siya sakin at humagalpak ng tawa.
Pinalo ko siya at tumingin sa pinto ng kanyang kwarto. Sabado ngayon at niyaya niya ko dito sakanila para mag-movie marathon at mag aral na rin.
"Nahihiya? Pero nakadaan ka kanina sa harap niya." Napairap ako.Kung alam niya lang kung anong nararamdaman ko ng mga oras na 'yon.
"Wait lang, papahatid lang ako ng pagkain." Sabi niya at tumayo na. Tumango ako at pabagsak na nahiga sa kanyang kama.
"Bilisan mo." Saad ko ng palabas na siya ng pinto.
"Oo!"
Napahinga ako ng malalim bago damputin ang notebook sa Calculus. May test kami sa Monday at kailangan talagang pag-aralang mabuti dahil napaka strikto ng prof. namin dito.
"Blessie." Napatingin ako sa pinto at napabangon ng makita kung sino ang naka tayo doon.
"Bakit?" Mataray kong tanong sakanya.
Gulo-gulo ang kanyang buhok at wala man lang ka ekspre-ekspresyon ang kanyang mukha habang nakatingin sakin. Napataas ang kilay ko ng mapansin ang hikaw sa kanyang kaliwang tainga.
"Papasok ako." Sabi niya kaya napaayos ako ng upo.
"Anong kailangan mo?"
"Paturo sa Math." Saad niya at naupo pa sa tabi ko kaya napausog ako.
"Are you kidding me? 2nd year college pa lang ako." Katulad ni Ash. 3rd year college na rin siya.
"Sabi ni Giselle nag aadvanced study ka raw?" Sagot niya at tinungkod ang kamay sa gilid ko habang umusog palapit sakin para punan ang maliit na distansya sa pagitan naming dalawa. Umiwas ako ng tingin at bumagsak 'to sa notebook niya.
Sa paglipas ng taon iniwasan ko siya ng iniwasan at ganon din naman siya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit nandito na naman siya sa harap ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Until She Noticed [Completed]
Ficción GeneralBlessie Yvett Legazpi can get everyone's attention without trying, friends? Family? She's the only daughter kaya wala ng duda doon pero minsan meron tayong mga taong hindi napapansin dahil sa sobra-sobrang atensyon na nakukuha natin. But we didn't k...