Chapter Five

217 9 4
                                    


"Kaya naman pala?" Halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita siya. Jusme. Kala ko tulog! Nakapikit lang pala.

"W-Wala."

Nag-mulat na siya ng mata kaya agad akong umiwas. Umayos ako ng upo at binaling ang atensyon sa labas.

"Allaine." Kumunot ang noo ko at nilingon siya. Allaine?

"Who's that?" Nalilito kong tanong.

"Ash girlfriend." Sagot niya at muling pumikit.

So, that's her name. Parang ngayon ko lang siya nakita sa school. Hindi ako makapaniwala na ang bilis magka-girlfriend ng lalaking 'yon but what do i expect nga naman?

"Nandito na po tayo." Saad ng driver kaya napasilip ako sa labas.

Bumaba na ko at hindi na pinansin si Terrence. Agad kong hinanap si Giselle. Marami rin pala silang inimbitahan. Yung iba hindi ko na kilala.

"Hi." Biglang may humarang sa daanan ko. Napaatras ako ng makilala kung sino 'to. My gahd! Yung dati kong crush!

"Hi." Bati ko pabalik at pinilit na gumalaw ng normal. I can't believe this. Nasa harap ko talaga siya ngayon.

"May itatanong lang sana ako." Mukha na ba kong tanungan ngayon? Pasalamat siya dati ko siyang crush. Kaloka.

"Anyway, i'm Davyn." Saad niya at nilahad ang kamay.

"Blessie." Pakilala ko rin at tinanggap ang kanyang kamay. Ang lambot ha. Dream come true!

"Ano pa lang itatanong mo?"

"Yeah, about doon. Pwede ba kitang ma-kuhaan ng litrato?" Huh? Tinignan ko siya ng nalilito. Bumaba ang tingin ko sa camera na hawak niya.

"Kung okay lang sana. Kanina pa kasi kita napapansin. Yung na sa SDU pa lang. Naghahanap kasi ako ng model." Explain niya. So? Kanina niya pa ko i-noobserbahan? Seriously?

"O-Okay lang." My gahd Blessie! Bakit ka nauutal? Inayos ko ang buhok ko at medyo umatras.

"Talaga?"

"Yup."

"Thank you. Okay, give me a pose."

Ngumiti ako at nilagay ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga habang narinig ko ang pag click. Magsasalita pa sana ko na hindi pa 'yon 'yung pose ko pero natigilan ako ng may matanaw mula dito.

Nandito rin pala ang girlfriend niya pero bakit hindi ko yata napansin sa Gym kanina? Umiwas na lang ako ng tingin kila Ash at sakto namang lapit muli sakin ni Davyn.

"Thank you talaga Blessie. You know what? Pwede ka talagang model. Here." May inabot siya saking piraso ng papel na may numero.

"That's my number. Call me if you're interested."

"Sige, pag-iisipan ko."

"Thank you again. See you around." Tumango ako at ngumiti habang tuluyan na siyang umalis.

Sa pagkakaalam ko Davyn is already Grade 10. He's a photographer. First time ko siyang makita sa isang event ng school noon. Yung feeling na hindi ko matanggal ang tingin ko sakanya that day. He's so damn attractive.

"Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagsususuot?" Tanong ni Giselle ng tuluyan na kaming mag-kita.

"Guess what?"

Tinignan niya ko ng hindi maintindihan. Umupo ako sa isa sa mga couch nila at sumimsim sa juice na binigay niya kanina. Hinila ko siya pababa para maupo rin.

"Nakausap ko si Davyn." Bulong ko at nakita ko ang panlalaki ng kanyang mata.

"Are you serious?" Gulat niyang tanong.

"Im serious! And i got his number!" Saad ko at may diin sa bawat salita. Kita naman sa mukha niya na hindi siya makapaniwala.

Sinabi ko rin ang iba pang nangyari at pinilit niya akong tanggapin ang offer ni Davyn.

"I don't know. Wala naman kasi akong hilig jan." Sagot ko sakanya at muling sumimsim sa juice.

"Ayaw mo ba 'yun? Makakalapit ka na sakanya." Agad akong umiling.

"Hindi ko na crush 'yon. Attractive lang talaga siya."

"Eh sino na pala?"

Biglang dumaan sa harap namin si Ash kaya napaupo ako ng ayos.

"Giselle, patulungan naman si Manang sa kusina." Sabi nito ng tumigil sa harap namin. Nagkatinginan kami pero ako ang unang umiwas.

"Sasamahan na kita." Presinta ko at tumayo na rin.

"No, Blessie. Bisita ka dito. Just sit there." Kontra agad ni Ash na parang pinal na 'yon. Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumingin kay Giselle.

"Oo nga. Jan ka na lang." Inirapan ko siya. Dapat hindi siya pumayag! Ano namang gagawin ko dito? Tutunganga? Seriously?

"Okay." Labag sa loob kong saad at muling naupo. Hmp!

Umalis na si Giselle habang may tumawag kay Ash kaya sa huli naiwan akong mag-isa. Tss. Pinasama niya na lang dapat ako kay Giselle kung iiwan niya rin ako dito. Kainis. Ang loner ko tignan. Halos walang kausap. Pinagtitinginan tuloy ako nang iba.

"Haist kapagod!" Napatingin ako sa lalaking biglang naupo sa tabi ko. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil sa wakas may makakausap na oh maiinis lalo dahil si Terrence Dela Mente 'to.

"Nakakapagod makipaglandian?" Saad ko habang pinagtaasan siya ng kilay. Agad siyang umayos ng upo at pinakita na naman sakin ang nakakainis niyang ngiti na parang laging nang-aasar.

"Bakit? Selos ka?" What? Saan kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang lalaking 'to?

"Ako magseselos? I don't care to you kahit makipaghalikan ka pa sa harap ko."

"Oh really?"

Napailing na lang ako. Mali talaga ang ideyang makipag usap ako sa lalaking 'to. Tumayo na ko at napagdesisyonan na sumunod na lang kay Giselle sa kusina.

Inikot ko ang aking paningin at hinanap ng mata si Ash. Nasaan kaya siya? Napatigil ako sa paglalakad ng matagpuan 'to ng mata ko. Nasa pinakasulok sila ng kanyang girlfriend. Halos magkadikit na ang mukha nila at...

"I don't think na kaya mo siyang makita makipaghalikan sa iba." Bulong ng isang pamilyar na boses habang tinakpan ang aking mata. Napakagat ako sa ibabang labi ko at  tinanggal ang kamay niya.

Hinarap ko siya kasabay ng pagtulo ng luha na pinipigilan ko.

"Why do you care so much?" Tanong ko at tinignan siya ng nalilito because i don't understand him.

"Obviously, i like you Blessie." Saad niya at kita sa mata ang takot. Umiling ako.

"I will never like you. Kilala mo kung sino ang gusto ko. Forget your feelings about me. It's worthless."

Until She Noticed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon