Mas lalo akong naging busy ng mga sumunod na araw dahil tinutukan ko talagang mabuti itong project ko kay Davyn. Hindi naman naging masyadong mahirap dahil wala naman siyang masyadong opinyon or suggestions.
"So nag paplano na ba kayo para sa kasal?" Tanong ko kay Giselle ng minsang mag sabay kami ng lunch sa isang malapit na restaurant sa building ng company. Umiling naman siya dahilan para kumunot ang noo ko.
"Tatapusin ko muna tong project natin bago mag start. Malayo pa naman. 2 months pa." Napatango ako at nagpatuloy na muli sa pagkain pero hindi nakatakas sakin ang mga kakaiba niyang tingin. Siguro'y gusto niya na naman buksan ang topic patungkol sakanyang kapatid. Tumikhim ako at umayos ng upo.
"Napag-isipan ko pa lang mag model..." Mahina kong saad ngunit tama lang para marinig niya. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mata.
"S-Seryoso ka?" Pilit akong ngumiti at humiling sa lamensa. Naisip ko lang naman na i-try ang sinasabi ni Davyn. Wala namang mawawala kung susubukan ko diba?
"Yup! What do you think?" Walang pag aalinlangan kong sagot habang napaayos din siya sa kanyang upo.
"W-Well... Kaya mo bang pagsabayin ang pagiging interior designer at model?" Napangiti naman ako. That was my plan! Ang maging busy sa work.
"I guess?" Tumaas ang kilay niya at tumitig sa mata ko na parang naghahanap pa ng ibang sagot.
"What? Diba ikaw pa nag pupush sakin nito dati? Gagawin ko na." Sabi ko pa habang napahinga siya ng malalim.
"Iba kasi noon Blessie. I mean mas marami pang importanteng bagay ngayon kaysa dyan." Kumunot ang noo ko? Important things like what?
"...like being wife and focusing in your real profession." Sagot niya na parang nababasa ang na sa isip ko. Wife. Paano ako magiging wife if my husband leave me? I know that they want me to talk to Terrence but i understand him. Nakakapagod na ko. Sumuko na siya sakin.
"Ano ka ba Giselle. Susubukan ko lang naman it's not like i'm going to do this forever." Peke kong tawa habang napainom sa juice. Ngumiti naman siya. Iyong ngiti na lagi kong nakikita sakanya pag sinusuportahan niya ko.
"Don't worry i'm going to be your number one fan." Napairap naman ako.
"Hindi ako magiging artista Giselle. Model lang." Siya naman ang umirap at napasandal sa back rest ng upuan.
"Pag magaling kang model. Sisikat ka, hmp!" Napailing na lang ako dahil sa sagot niyang iyon. I don't think na mangyayari iyon.
"You don't know how happy i am Blessie." Saad ni Davyn ng sa wakas ay paunlakan ko na siya sa kanyang offer sakin. Nilibot ko naman ang aking paningin sa kabuuang lugar. Ang daming models at yung iba ay minsan ko na ring nakita sa TV.
Pumasok pa kami sa pinaka loob kung saan ginaganap ang pag pho-photoshot. Halos mamangha ako sa galing noong babae mag pose.
"That's Hana. Matagal na rin siya dito." Sabi ni Davyn ng makita sigurong titig na titig ako doon sa babae.
"Let's go. Papakilala kita sa manager." Saad niya at hinila ako sa dressing room. May nakita ako sa loob na babae na mukhang nasa mid forties. Naka red dress siya habang binaba ang sigarilyo ng makita kami.
"Good day Madame. This is Blessie our newest model." Pakilala sakin ni Davyn kaya ngumiti ako sakanya at naglahad ng kamay pero tumaas lang ang kanyang kilay at tinignan ang simula ulo hanggang paa. Dahan- dahan ko namang binaba ang kamay ko na mapagtanto na wala siyang balak tanggapin ito.
Bigla siyang tumayo at nagulat ako ng makipag beso siya sakin. Medyo napaatras pa ko.
"I'm Celen iha. It's nice to finally meet you." Sabi niya. Hindi ko alam pero parang may parte sakin na sobrang natuwa. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tumitig saking mukha. Napaiwas naman ako ng tingin dahil sa hiya.
"Davyn is right. You're really beautiful. Don't worry magiging magaling kang model." Saad niya at inobserbahan pang mabuti ang aking katawan. Nang matapos siya ay may tinawag siyang ilang tao na mukhang mga make up artist. Nagpaalam na rin si Davyn na sa labas muna siya. Napatitig din ako kay Madame Celen mula sa salamin. May hawig siya ngunit hindi ko matandaan kung sino.
Halos hindi ko naman na nasundan ang mga nangyari at nakita ko na lag ang sarili ko sa isang itim na couch habang kaharap ang camera ni Davyn. Nasa gilid din si Madame Celen at pinapanuod din ako.
"Huwag kang kabahan iha. Just be natural." Tumango ako at pilit na kinalma ang sarili. This is my first time! Gahd!
Sinubukan kong mag pose habang inaalis din ang kaba. Patuloy naman si Davyn sa pag click sa camera pero tumigil siya at tumayo ng tuwid upang makita ako.
"Halatang kinakabahan ka Blessie. Relax first." Sabi niya kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. May lumapit sakin na staff at pinainom ako ng tubig. Pumikit ako ng madiin habang nag inhale at exhale. Muli naman akong ni-retouch ng mga make up artist.
"Okay. Let's start again." Saad ni Madame Celen at pinalakpak ang kamay.
I need to relax and give them a good pose. This is not really my thing but i need to do my best. Tinungkod ko ang kaliwa kong kamay sa aking likod at pinatong ang kanan sa back rest habang inilagay sa ayos ang mga paa. Fierce akong tumingin sa camera.
"Nice. That's good." Kumento ni Davyn kaya mas ginalingan ko pa ang ibang mga pose. Tumatalon sa tuwa ang puso ko sa bawat puri niya kaya mas ginanahan pa ko.
"You're too good for a beginner." Dinig ko pang sabi ni Madame Celen kaya napasulyap ako sa kanyang direksyon. Nandoon na rin iyong sinasabi ni Davyn na Hana at nanunuod din sakin. She stared at me blankly. There's something to her na napaka mysterious. Napatingin din ako doon sa katabi niyang lalaki at halos tumigil sa pagtibok ang puso ko ng makilala kung sino 'to. Anong ginagawa ni Ash dito?! Seryoso siyang nakatingin sakin at inoobserbahan ang galaw ko. Napatikhim naman ako at unti-unti na ulit nabalik ang kaba. Gahd!
"Last pose Blessie." Sabi ni Davyn kaya binigay ko ito sakanya pero hindi ko alam kung maayos pa ba iyon dahil masyado ng nakuha ni Ash ang atensyon ko. Malawak ang ngiti ni Davyn ng tumuwid na siya sa pagkakatayo. Agad naman akong lumapit kay Ash.
"What are you doing here?" Unang bungad ko sakanya. Pinasadahan niya ako ng tingin bago ibinalik ang tingin saking mata.
"Sinusundo ka."
H-Huh?
BINABASA MO ANG
Until She Noticed [Completed]
General FictionBlessie Yvett Legazpi can get everyone's attention without trying, friends? Family? She's the only daughter kaya wala ng duda doon pero minsan meron tayong mga taong hindi napapansin dahil sa sobra-sobrang atensyon na nakukuha natin. But we didn't k...