Chapter Three

228 7 1
                                    

Halos mahilo na ko sa kakaikot sa paghahanap kay Azor. Nasaan na ba ang babaerong 'yon? Nakuha ko na yata ang lahat ng nandito sa papel.

"Good mood?" Napaigtad ako sa gulat ng marinig ang pamilyar na boses. Tinignan ko siya ng hindi maintindihan.

"Don't deny it. You like my cousin." Halos manlaki ang mata ko dahil sa sinabi niyang iyon. Seriously? P-Panong... Napalunok na lang ako.

"So, ano naman ngayon?" Mataray kong saad upang takpan ang kaba. Tumaas ang kilay niya at humakbang palapit sakin kaya napaatras ako.

"Hmmm... Wala lang. Pano kaya kung malaman niya?" Seriously? Ano bang trip ng lalaking 'to?

"Okay lang." Sagot ko at pinilit na alisin ang takot sa tono.

"Ahhh. Okay." Lumayo na siya sakin at tumalikod na. Agad naman akong nataranta.

"T-Teka!" Pigil ko at hinila siya sa braso. Bigla naman siyang natigilan at tumingin sa kamay kong nakahawak sakanya.

"Sasabihin mo ba?" Hinila niya ang kanyang braso kaya napabitaw ako.

"Hindi." Sagot niya at pinagpatuloy na ulit ang paglalakad.

Nakahinga naman ako ng malalim. Mabuti naman. Magkakasundo tayo niyan.


"Nagawa mo ba yung assignment natin sa Math Blessie?" Tanong ni Giselle na ngayon ay kararating lang. Kinuha ko ang notebook ko sa Math at inabot 'to sakanya.

"Salamat!" Naupo na siya sa tabi ko at nag simulang kumompya. Napailing na lang ako. Siguro'y nag movie marathon na naman sila ng kanyang mga pinsan kaya hindi nakagawa.

"Sasama ka ba mamaya?" Huh? Tinignan ko siya ng nagtataka.

"Sasama saan?" Nilingon niya ko at tumigil sa pagsusulat.

"Hindi mo natanggap yung message ko?" Umiling ako. Ano ba 'yon?

"Championship na ng basketball. Pag nanalo sila dito. Back to back Champion tayo! Sama ka?" Bigla naman akong na excite. Paniguradong nandoon si Ash. Mapapanuod ko na rin siyang maglaro.

"Sige, sasama ako. Saan ba?"

"Sa West Adams University."

Bigla namang tumahimik ang lahat kaya napatingin ako sa unahan. Nanjan na pala si Ma'am. Pero bakit niya kasama si Terrence?

"Pumili ka na ng makakasama mo sa detention room Mr. Dela Mente." Saad ni Mr. Quevas. What? Detention room?

Ito ang ayaw ko sa school na 'to eh pag may kasalanan ang isa kailangan mo siyang samahan sa detention room kung ikaw man ang napili niya sa gusto oh gusto mo.

"Ako sana piliin niya."

"Waaah ako sana!"

Dinig kong bulungan ng mga babae sa aking likod. Hindi ako makapaniwalang mas gugustuhin pa nilang makasama ang lalaking yan kaysa ang matuto dito.

"I want Blessie Yvett Legazpi."

Nagtinginan sakin ang lahat ng mga classmate ko. Wait. Did he just say my name? What the? Ako?

"Ikaw daw Blessie sabi ni Terrence." Bulong sakin ni Giselle habang sinisiko pa ako.

Seriously?

"Okay. Ms. Legazpi and Mr. Dela Mente go to the detention room." Tinignan ko ng hindi makapaniwala si Mr. Quevas.

Neverv in my life na nakapasok ako sa detention room tapos... Tapos madadamay ako dito kahit wala naman akong ginagawa? Urgh!

"I can't believe this!" Nasabi ko na lang habang napapailing at binilisan pa ang lakad.

"Ako rin hindi makapaniwala." Habol niya sakin at ngumiti pa ng nakakaloko. Bakit sa dami namin sa loob ng room ako pa talaga ang napili niya? Pwede naman yung pinsan niya! Gahd!

"Don't talk to me! I hate you!"

"I'm telling you now. You will hate me more." What? Humarang siya sa harap ko kaya napatigil ako sa paglalakad.

"Ano bang ginagawa mo? Hindi ako nikikipag lokohan sayo ah."

"I will kiss you."

WHAT?!

Gusto niya ba talagang mabalian ng buto? Gahd!

"Subukan mo lang talaga Terrence Dela Mente at lalagapak ka jan sa sahig." Warning ko at sinamaan siya ng tingin.

"Hahaha! You're so serious babe. I'm just kidding. Tara na nga." Sagot niya at nauna ng maglakad pero hindi pa rin ako nakagalaw sa aking pwesto. Kitang kita ko mula dito si Ash kasama ang isang babae. Bumaba ang tingin ko sa magkahawak nilang kamay. Agad akong nakaramdam ng pananakit ng dibdib.

"I said let's go." Hinila ako ni Terrence palayo doon.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at napayuko na lang.

"Sino 'yon?"

Hindi siya sumagot hanggang sa makarating kami sa detention room. Bakit ko pa nga ba tinatanong? Eh halata naman na... Girlfriend niya 'yon.

"Anong pangalan niya?" Tanong ko muli habang naupo sa lamensa doon.

"Bakit mo pa ba tinatanong?" Saad niya at halata na ang inis dito. Umiwas ako ng tingin. Ano namang masama doon?

"Maghihiwalay din 'yon for sure." Wala sa sarili kong sabi at napaigtad sa gulat ng makarinig ng kalabog. Nilingon ko si Terrence at nanlaki ang mata ko ng makitang nag dudugo ang kanyang kamay. Agad akong lumapit sakanya.

"Anong ginawa mo? Baliw ka talaga." Nasabi ko na lang ng tuluyan ng makalapit. Kinuha ko ang aking panyo at inabot ang kamay niya.

"Baliw sayo."

Natigilan ako at tiningala siya. Pinagloloko na naman ako ng lalaking 'to. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagbalot ng panyo sa kanyang kamay na may sugat.

"Huwag mo nga akong sinasabihin ng mga ganyan. Hindi ako tulad ng mga babae mo." Saad ko nang matapos at bumalik na sa inuupuan ko kanina. Hindi mo ako madadala sa mga ganyan Dela Mente.

"Yun na nga eh." Dinig kong sagot niya.

Until She Noticed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon