Chapter Twenty-Eight

125 6 0
                                    


Minulat ko ang aking mata at si Terrence agad ang hinanap ko pero wala na siya sa tabi ko. Agad akong napaupo dahilan para maramdaman ko ang pagsakit ng aking pagkababae. Where he is? Binaba ko ang paa ko at naramdaman agad ang lamig ng lapag. Maayos na ang mga gamit pati ang maleta ni Terrence ay wala na. Napakagat ako sa ibabang labi ko at muling tumulo ang luha. Umalis talaga siya.

Pinilit kong mag ayos kahit masakit ang katawan at lumabas ng kwarto. Malinis na rin ang mga gamit sa baba maliban na lang sa mga photo album na nakakalat. Kumunot ang noo ko at nilapitan ang mga 'to. Litrato ko yun at ni Terrence. Katulad ng nasa tree house. Mabilis kong tinignan ang bawat isa. B-Bakit... Ang dami naming kuha mula sa lugar na 'to? May isang babae doon na hindi pamilyar sakin at hawak kaming dalawa ni Terrence. Palakas ng palakas ang pintig ng aking puso at nagkakaroon ng maraming 'baka' sa isipan. Sino ang babaeng 'to? Bakit... Bakit kahawig ko siya?

"Oh iha. Gising ka na pala." Napalingon ako kay aling Sena na mukhang galing sa kusina.

"S-Sino po itong kasama ni Terrence sa mga litrato?" Lumapit siya sakin at tinignan din ang mga ito.

"Tinitignan din ni Terrence kanina yan ah. Yung batang babae na kasama niya jan ay kapatid daw niya sabi ni David ng magpunta sila dito kasama ang babaeng yan." Paliwanag niya habang tinuro iyong babae na kahawig ko. W-What? Kapatid k-ko si Terrence? No. Panong...

"Saan ka pupunta? Pabalik na rin iyong asawa mo. May pinabili lang ako sakanya sa bayan." Saad niya ng lumabas ako ng mansyon. Hindi siya umalis? Nagmamadali kong sinuot ang sapatos ko.

Sobra ng nanghihina ang aking tuhod pero mas nangingibaw sakin ang kagustuhang umalis dito. Kailangan kong makausap sila Mommy. A-Anak ba talaga nila ako? Damn!

Nakarinig ako ng pag andar ng sasakyan kaya mabilis ko tong pinuntahan. Si Ash. Humarang ako sakanyang dadaanan kaya tinigil niya ang sasakyan. Mabilis akong pumunta ng front seat.

"What the heck Blessie? Magpapakamatay ka ba?" Umiling ako habang kinakabit ang seatbelt.

"S-Sasama ako sayo." Kumunot ang noo niya at lito akong tinignan.

"Pano si---"

"Please?" Ilang minuto niya akong tinitigan at napailing na lang.

"Fine!" Suko niya at nag simula ng mag drive. Pinunasan ko ang luha ko habang pinapanuod ang mansyon na maglaho saking paningin.

Sobrang daming tanong saking isipan. Alam ba 'to ni Terrence? Gahd! We just fvcking make love! I can't accept this! Napapikit ako ng madiin habang naaalala si Mommy.

"Always remember that you're a blessing to us, Blessie."

Hindi ko na alam paniniwalaan ko sa ngayon. Gahd. Pinilit kong matulog ngunit masyadong gising ang aking diwa. Tahimik lang din si Ash at ang biglang nag paingay samin ay ang kanyang cellphone.

"It's your husband. Damn." Saad niya kaya napatingin ako sakanya. Sinagot niya 'to at nilagay sa tainga.

"Yes, she's here... What? Siya ang sumama sakin... Seriously?"

Naiwan ko pala ang lahat ng gamit ko sa mansyon. Inabot sakin ni Ash ang phone pero agad akong tumanggi. I can't.

"Ayaw niya... Uuwi na kaming Manila. Saan ko pa ba siya dadalahin? Mukha bang tinatanan ko siya?" Napasandal na lang ako habang padabog na binaba ni Ash ang kanyang phone.

"I'm sorry." Sabi ko ngunit wala akong natanggap na sagot. Narinig ko lang ang paghinga niya ng malalim.

Napahilot ako sa aking ulo. Kung kapatid ko si Terrence hindi naman siguro baliw sila Dad para ikasal kami right? But are they know about this? Sa mga litrato na nasa mansyon wala man lang akong nakita na kahit litrato nila. How about Terrence's family? Of course may alam sila. Mansyon nila iyon. Hindi maaaring wala. But tito David said na magkapatid kami ni Terrence. Kung ganon nga bakit pumayag siya sa kasal? Oh gahd! Mababaliw na ko sa kakaisip.

"You should sleep. Malayo pa ang byahe." Dinig kong sabi ni Ash. Nilingon ko ulit siya at seryoso lang siyang nag mamaneho.

Pumikit ako at pinilit na matulog katulad ng kanyang sinabi dahil na rin siguro sa pagod at sa dami ng nangyari ngayon tuluyan na kong nilamon ng antok.

"I love you Mrs. Dela Mente." Saad ni Terrence at dinampian ako ng halik sa noo. He smile to me at hinaplos ang aking pisngi.

Bigla akong napamulat at napahawak saking dibdib dahil sa biglang naramdaman na kaba. Terrence...

"Are you okay?" Tumingin ako kay Ash ngunit nalipat din ang atensyon sa labas. Madilim na pala.

"I'm fine. Anong oras na?"

"It's already 8pm." Mahaba rin pala ang naging tulog ko. Tanghali na kami umalis ng Sabtang kaya paniguradong gabing gabi na kami makakauwi. Tumigil naman si Ash sa isang drive thru.

"Here." Inabot niya sakin ang isang paper bag. Tinanggap ko naman 'to at tinignan ang nasa loob. Isang rice meal, burger at fries ang nakita ko. Mas pinili kong kainin na lang ang burger.

"Ikaw? Hindi ka ba kakain?" Tanong ko at agad naman siyang umiling.

"Kumain na ko kanina. Noong tulog ka." Napatango naman ako.

Lumipas pa ang ilang oras at narating na namin ang Manila. Muli akong kinabahan. Gusto kong malaman ang totoo pero natatakot ako sa maaaring makuha na sagot.

"Saan ba kita ihahatid? Sa mansyon niyo?"

"Oo pero pwede naman akong magtaxi---"

"May pera ka?" Napatigil ako at napakagat sa aking ibabang labi habang umiling.

"Pwede namang doon na ko sa mansyon magbayad." Dahilan ko.

"Huwag na. Hahatid na kita baka mapatay talaga ako ni Terrence." Mahina niyang saad ngunit narinig ko pa rin.

Hinatid niya nga ako sa mansyon at halos patay na ang lahat ng ilaw dito. It's already 11pm.

"Baka hindi ka makapasok." Saad niya ng mapansin din ito. Kung sa bahay naman namin ni Terrence ako pupunta. Wala rin akong susi nito. Ayaw kasi ni Terrence na nag iiwan ng susi sa kung saan mang parte ng labas ng bahay. Gahd.

"If you don't mind. You can stay in my condo." Agad akong napalingon kay Ash. Do i have a choice?

Until She Noticed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon