Chapter Thirteen

172 10 0
                                    



TERRENCE POV



"Bye." Paalam ng aking kapatid na si Giselle doon sa babaeng bagong kaklase niya raw. Nakahalukipkip ako sa gilid ng pinto at hinihintay ang pag-pasok ng kapatid.

"What's her name?" Tanong ko ng dumaan siya sa harapan ko. Napatigil naman siya at nilingon ako.

"Blessie. Why?" Taka niyang tanong. Umiling lang ako at ginulo ang kanyang buhok.

"Kuya! Kakaayos ko lang niyan eh!" Reklamo niya ngunit tuluyan ko na siyang iniwan doon.

Blessie huh.

Nang mag-simula ang pasukan, madalas siya sa bahay at kahit Sabado. Tuwing linggo lang ito hindi nag-pupunta. Pansin ko lang na medyo iwas siya saming magpipinsan na lalaki. Simula ng dalihin siya ni Giselle dito sa bahay lagi ko na siyang napapansin kahit sa eskwelahan.

"Nandito na naman yung chicks ni Giselle." Sabi ni Matteo. My old brother. Sinundan ko ng tingin si Blessie na dumaan sa harap namin.

"Blessie Legazpi." Saad ni Matthew habang nag-apir pa sila ng kakambal. Tsk. I know that look.

"I like her." Sabi ko habang nag-strum sa hawak na gitara. Natigilan sila at napatingin sakin.

"Seriously? Sa iba na lang Terrence."

"Na stalk na namin yan."

Umiling ako sakanila.

"Don't you dare kuya. She's mine." Sagot ko habang napapikit ng madiin. My problem is, i can't approach her.

"Find another girl Matteo."

"Tsk. Sayang."

"Maghanap ka na lang. Kay Terrence na raw yun. Maging mapagbigay ka naman na kuya."

"Fuck you bro. Ilang buwan na kong walang babae."

"Same. And did you just say fuck you?"

Napailing na lang ako sa pag-uusap nila at umalis na doon. Umakyat ako sa kwarto ko ngunit natigilan ako ng makasalubong si Blessie sa hagdanan. Tumaas ang kilay niya sakin. Aba't.

"Anong tinitingin tingin mo?" Mataray nitong tanong. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako oh maiinis. Ang taray nito ah.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Mapang-asar kong tanong nakita ko naman ang pag-irap niya. Mas lalo akong napangisi.

"None of your business." Sagot niya at nilagpasan na ko. Seriously? Napailing na lang ako sa babaeng 'yon. Damn. Doon pa lang kuhang kuha niya na ko.

"Mom, i want to marry Blessie Yvett Legazpi." Sabi ko dito ng mapadpad ako sa study room ni Dad kung saan nag-uusap sila doon.

Until She Noticed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon