"So, how's your school Blessie?" Umangat ang tingin ko kay Tita Yana.
"Okay naman po." Sagot ko habang tumango tango naman siya.
"What is your course again?"
"BS in Interior Design po."
"How about BSBA? Bakit hindi 'yun ang kinuha mo?" Singit ni Tito Mike.
Napunta na tuloy ang atensyon nilang lahat sakin. Hinihintay ang aking pag-sagot.
"Kasi ayaw niya sa business Dad." Saad ni Azor at ngumiti sakin. He's right. Wala talaga akong hilig doon.
"Pano ang company niyo? Sino ang maghahandle?" Saad ni Tito Van at tumingin sa direksyon ni Mommy.
"Napagplanuhan na namin yan Kuya. Don't worry hindi naman namin pababayaan ang company." Sagot ni Mommy. Plano nila? How about my plans?
Tinignan ko ang aking mga pinsan na tahimik na nakain. Tito Van choose their course. Siya ang panganay na kapatid nila Mommy kaya siya rin ang madalas na nasusunod sa pamilya. Pumayag si Daddy na kunin ko ang gusto kong course pero dumaan pa ko sa ilang pagmamakaawaa at iyak. Sayang lang at wala siya dito. Nasa isang business trip.
"Magandang course naman ang BS in Interior Des---"
"Shut up Meghan." Saway sakanya ng kanyang Mommy na si Tita Ellie habang sumimsim sa tubig niya.
Pilit na ngumiti sakin si Meghan at nagpatuloy na ulit sa pagkain.
"Anyway, where's Stella?" Paghahanap ni Mommy kaya nilibot ko ang paningin ko sa mga taong nasa table. She's not here.
"Nasa New York. Doon niya na ipagpapatuloy ang college." Sagot ni Tita Ellie habang hindi makatingin ng diretso sa amin. Huh?
"Pero bakit biglaan tita? Hindi man lang siya nag paalam samin." Saad ni Nabby.
Last week kausap ko pa si ate Stella pero hindi niya naman na banggit sakin na pupunta pala siyang New York.
"Marami pa kasi siyang hahabuling oras doon." Sagot ni Tito Mike. Habang nagkatinginan silang mag-asawa.
"How about Axe? I heard ikakasal na raw siya?" Sabi ni Tita Cena kaya kay kuya Axe naman na punta ang kanilang atensyon.
"Yes, pero after two years pa."
Napayuko naman ako ng maramdaman ang pag-vibrate ng aking phone.
Good night.
Unknown number, pero may pakiramdam ako na si Terrence 'to. Hindi naman pwedeng si Ash dahil wala naman 'daw' siyang time sa mga ganto. Kanino naman kaya nakuha ni Terrence ang aking number? Kay Giselle?
"Let's go Blessie." Umangat ang tingin ko kay Azor. Mukhang tapos na ang lahat kumain. Tinago ko na ang phone ko sa aking bulsa at sumunod sa mga pinsan.
BINABASA MO ANG
Until She Noticed [Completed]
Ficción GeneralBlessie Yvett Legazpi can get everyone's attention without trying, friends? Family? She's the only daughter kaya wala ng duda doon pero minsan meron tayong mga taong hindi napapansin dahil sa sobra-sobrang atensyon na nakukuha natin. But we didn't k...