Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng hangin ng madaling araw. It's already 5 am. Kailangan daw naming agahan ang byahe dahil malayo layo pa ang lugar na 'yon.
"Hindi ba talaga natin pwedeng isama si Ruiz?" Tanong ko kay Terrence na ngayon ay inaayos ang gamit namin sa likod ng sasakyan habang pinapanuod ko lang siya.
"I told you we can't. Don't worry aalagaan naman siya dito." Haist. Gaano ba kalayo ang lugar na yon?
Pumunta na ko sa front seat at tuluyan ng sumakay dito. Tulog pa si Giselle kaya hindi na ko nakapag paalam. Alam na naman niya na ngayon na ang alis namin.
Ilang minuto pa ang lumipas at sumakay na rin si Terrence. Bigla naman akong nakaramdam ng excitement and i don't know why.
"Wear your seatbelt Mrs. Dela Mente." Saad ni Terrence habang kinakabit na ang kanya. Napakagat na lang ako sa aking ibabang labi. Mrs. Dela Mente huh? Sinuot ko naman ito katulad ng kanyang sinabi.
Pinagbuksan na kami ng gate ng katulong habang tinuon ko ang atensyon ko sa mp3 para magpatugtog. Bumagsak ang kamay ni Terrence sa aking hita kaya napalingon ako sakanya. Tamad siyang nagdidrive habang nakasandal.
"I'm still sleepy." Sabi niya at sumulyap sakin ngunit binalik din ang tingin sa daan.
"Gusto mo pa yata ako ang mag-drive." Saad ko habang pinagtaasan siya ng kilay. Ngumisi naman siya.
"Don't worry i will tell the way."
Seriously? Tinigil niya ang sasakyan sa gilid at nilingon ako. Mapupungay ang kanyang mata na nakatingin sakin at parang inaantok pa talaga.
"Hindi ako nakatulog ng maayos." Kumunot ang noo ko sakanya. Kasalanan niya iyon sa sofa siya na tulog at hindi sa kama.
"I told you sa kama ka na matulog." Sagot ko habang tinatanggal na ang seatbelt.
"Pag tumabi ako sayo baka mabuntis na kita."
"What did you say?" Tanong ko ng hindi maintindihan ang kanyang binulong. Pag tumabi siya sakin?
"Nothing."
Huh? Napailing na lang ako at tuluyan ng bumaba.
"We can change again if you're already tired." Saad niya ng makapagpalit na kami ng pwesto.
Pinaandar ko na ang sasakyan at isang oras pa ang lumipas ay napasulyap ako kay Terrence. Tulog na tulog na. Tinigil ko muli ang sasakyan sa gilid para kunin ang phone ko. Nagpunta ako sa google map at hinanap ang daan papunta sa Sabtang. Malayo pa pala kaya huminto muna ako sa drive thru na nadaanan. Bago magpatuloy ulit.
Hindi ko naman mapigilang mapasabay sa kanta na tumutugtog. Pakiramdam ko ang ganda ng mood ko.
♪I dreamed i held you in my arms♪
♪When i awoke, dear, i was mistaken♪
(You are my sunshine by Moira Dela Torre)
Sumulyap ulit ako kay Terrence at tulog pa rin 'to. Hindi ko alam kung natulog ba talaga siya kagabi oh hindi? Napailing na lang ako.
♪I'll always love you and make you happy♪
Halos wala namang masyadong sasakyan kaya dire-diretso ang byahe namin. Dalawang oras pa ang lumipas pero malayo-layo pa rin kami ayon sa mapa.
9 hours yata ang byahe papunta doon. Huminto naman ako sa nakitang gas station.
"Good morning Ma'am." Ngiting ngiti na bati sakin noong laki at sumulyap pa sa aking likod. Pilit naman akong ngumiti sakanya pabalik.
"Prem---"
"Mukhang malayo pa po byahe niyo ah." Putol niya sakin. Sheez.
"Babe, you didn't wake me up." Napalingon naman ako sa likod ko ng marinig ang boses ni Terrence. Babe?
"Ako na ang mag-didrive." Bigla niyang seryosong sabi.
"Mag-papagas---"
"Ako na." Sagot niya at bumaba na. Wala na kong nagawa at lumipat na sa front seat. Siya na ang nakipag-usap doon sa lalaki na nawala na ang ngiti sa labi.
Kinuha ko na lang sa back seat ang inorder kong pagkain kanina sa nadaanan na drive thru.
"Tss." Dinig kong palatak ni Terrence ng makaalis na kami sa gas station. Problema nito? Napailing na lang ako at kumagat sa burger. Waaah! Kanina pa talaga ako nagugutom.
"You want?" Alok ko at tinapat sa bibig niya ang burger. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay niya.
"Ilang oras na kayong nag-uusap ng lalaking 'yon?" Saad niya bago kumagat sa burger. Huh? Umayos na ako ng upo ngunit hindi pa rin inaalis ang tingin sakanya. Nagseselos ba siya? Pfft.
"Saglit lang. Nagising ka na eh." Pinanuod ko ang reaksyon niya at mas lalo pa tong naging seryoso. Pinipigilan ko namang matawa.
"Damn it. Kung hindi pa ko nagising magtatagal pa ang usapan niyo?" Inis niyang sabi habang sumulyap sakin pinilit ko ring maging seryoso but i can't help it! Masyadong nakakatawa ang kanyang reaksyon.
"Baka? Ewan." Nagkibit balikat ako. Narinig ko naman ulit ang mahina niya pagmumura.
"Seriously Terrence?" Natatawa kong sabi habang napasandal na lang.
"Don't laugh. I'm mad." Mas lalo akong napatawa. I can't believe him! 'Yun lang pinagseselosan na?
"Sorry na babe." Asar ko habang muling humarap sakanya. I bite my lower lip para pigilan ang pagtawa.
"Tss." Napailing siya at mukha talaga siyang galit. Parang mas lalo pa kong natutuwa.
"Babe, galit ka?" Kulit ko at niyugyog ang kanyang braso. Hindi siya sumagot at seryoso lang na nakatingin sa daan. Yoko na hindi na siya na sagot.
"Bahala ka nga Terrence." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. Ang arte eh. Parang babae hmp!
Tanging music lang ang nagpapaingay sa sasakyan hanggang sa matapos ako sa pagkain. Sumulyap ako sakanya at wala yata talaga siyang balak na pansinin ako. Edi wag! Grrr.
Binaba ko ang sandalan at mas pinili na lang na matulog. Bahala siya jan. Pinikit ko ang mata ko at pinilit na magpalamon sa antok dahil na rin siguro sa pagod kanina tuluyan na kong nakatulog.
Humarap naman ako sa direksyon ni Terrence ng mangalay sa kabila. Naramdaman ko lang na may nagbaba sa dress ko at muling nakatulog.
BINABASA MO ANG
Until She Noticed [Completed]
General FictionBlessie Yvett Legazpi can get everyone's attention without trying, friends? Family? She's the only daughter kaya wala ng duda doon pero minsan meron tayong mga taong hindi napapansin dahil sa sobra-sobrang atensyon na nakukuha natin. But we didn't k...