Chapter Nineteen

129 7 0
                                    

"Di ka pa ba uuwi?" Umangat ang tingin ko kay Azor na ngayon ay nakasandal sa gilid ng pinto ng kwarto ng kanyang anak. Yumuko ulit ako at nilaro laro ang kamay ni Aser.

"Mamaya na." Sagot ko at namayani samin ang ilang minutong katahimikan. Napangiti ako ng inosenteng tumitig sakin si Aser. Cute.

"How's your work?" Tanong niya habang lumapit sakin at tinuon ang dalawang kamay sa crib.

"Okay lang. I'm enjoying it." Napatango naman siya.

"Good for you but you know tito Van. Hindi ka titigilan non." Tumaas ang kilay ko sakanya. I know that.

"Hindi tayo titigilan." Pagtatama ko. Isa rin siya sa sumuway kay tito Van dahil hindi niya pinakasalan ang babaeng napili nito.

"He can't stop me now. Kahit bawiin niya sakin ang lahat kaya ko pa ring buhayin ang pamilya ko." Wow. I never expect na mag seseryoso talaga ang lalaking 'to. Simula highschool pa lang ako ang pagkakakilala ko lang sakanya ay puro babae at kalokohan lang ang alam pero ngayon sobra siyang nagbago.

"Dapat ko na bang pasalamatan si ate Daisy?" Natatawa kong sabi habang kumunot lang ang noo niya sakin. Umiling ako.

"Wala lang. You changed a lot." Dagdag ko.

"Yeah, nagbago na lahat ng nasa paligid mo pero ikaw hindi pa rin." Asar niya. Sinapak ko nga sa braso. Buset na 'to. Sinasabi niya bang walang improvement sa buhay ko? Seriously?

"Azor?" Sabay kaming napatingin sa pinto at nakita si ate Daisy dito.

"Why?"

"May lalaki sa labas. Hinahanap si Blessie." Sagot niya at sumulyap sakin. Huh? Hinanap ng mata ko ang wall clock dito at napatayo ako ng makitang 9pm na.

"I think that's your husband." Sabi ni Azor kaya naglakad na ko palabas.

"Thanks sa oras. Next time ulit?" Biro ko kaya nag poker face si Azor habang inakbayan ang asawa.

"Wala ng next time." Sagot niya dahilan para sikuhin siya ni ate Daisy. Napatawa na lang ako.

"You're always welcome here." Pagkontra niya sa asawa kaya napatango ako.

"Thanks again. Bye." Paalam ko at tuluyan ng lumabas.

Wala pa ako sa gate pero tanaw ko na ang kotse sa labas. Si Terrence nga. Pano niya kaya nalaman na nandito ako?

Pinagbuksan ako ng gate ng katulong at agad kong nakita si Terrence na pagod na nakasandal sa kanyang kotse. Hindi pa rin siya nakakabihis. Hindi ba siya umuwi? Pero pano niya nalaman na wala ako sa bahay?

"Damn it Blessie." Bungad niya ng magtama ang tingin naming dalawa. Huh? Niluwagan niya ang kanyang neck tie at pinatunog na ang sasakyan.

"Why?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi mo sinabi kung nasaan ka. I'm so fvcking worried. Hindi mo rin sinasagot ang tawag ko." Sabi niya na parang pinipigilan ang galit. Kinapa ko ang phone ko at binuksan 'to. Uh-oh. Naka silent pala. 88 missed call?! Seriously.

"Uuwi naman ako eh." Dahilan ko habang pinagbuksan niya ako ng pinto. Sumakay na ko at kinabit na ang seat belt.

"But you should at least text me kung nasaan ka." Sabi niya at sinara na ang pinto. Napasandal na lang ako. Bakit pa?

"I don't care to your whereabouts dapat ganon ka rin sakin." Saad ko ng makasakay na siya sa driver seat. I don't understand him. Yes, we're married pero sa papel lang lahat.

Hindi siya sumagot at nakita ko lang ang paghigpit ng paghawak niya sa manibela. Wala ng nagsalita samin hanggang sa makarating ng bahay. Dire-diretso akong bumaba ng kanyang sasakyan at pumasok sa loob.

"Blessie, let's talk." Habol niya at hinila ako paharap sakanya. Nakita ko agad sa mata niya ang pagod.

"About?" Sagot ko at tinignan siya ng di maintindihan. He's tired? Di ko naman 'to ginusto.

"About us. Our relationship need to work out."

"You know that i hate this set up. I never want this." Umiling ako at tinanggal ang pagkakahawak niya sakin.

"Just give it a try. Please. Give me a chance."

"What are you talking about Terrence?" I really can't understand him.

"I still love you." What? Napakagat ako sa ibabang labi ko at napaatras. No.

"I told you! I told you long time ago that you should forget your feelings---"

"It's fvcking hard! Alright? I-I can't..." Napapikit siya ng madiin habang hinilot ang ulo at napatingala. Gahd. All this time...

"Terrence... Alam mo..." Tumango siya na parang naiintindihan agad ang gusto kong iparating.

"Yeah, you still love him."

Tinignan ko siya ng hindi makapaniwala. Bakit hindi ko napansin? Ganon na ba ako ka-manhid?

"Siguro... Maghiwalay muna tayo para---"

"No. No. Please." Inabot niya ang kamay ko at mahigpit tong hinawakan. Dinala niya to sa kanyang pisngi bago halikan. Agad kong naramdaman ang pagtulo ng aking luha. Bakit ako nasasaktan?

"Para sayo rin naman and you know that this is not right. Una pa lang." Umiling siya at nabigla ako ng unti-unti siyang lumuhod.

"Terrence." Pigil ko pero hindi siya nagpatalo. Oh God.

"Give me a chance please. I need you in my life..." Napakagat ako sa ibabang labi ko at pinunasan ang luha sa pisngi. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

"Terrence..." Huminga ako ng malalim. I can't believe this. Grade 7 he confess his feelings for me. Akala ko nawala na pero... Is that really possible? Bumaba ang tingin ko sakanya.

"Fine. Just stand up." Suko ko.

"R-Really?" Gulat niyang sabi. Dahan-dahan akong tumango.

"Damn. I love you." Sagot niya at tuluyan ng tumayo bago ako halikan sa noo. Napapikit na lang ako. I think he really deserve a chance.

I can see myself to him. Ash never notice me. I always want his attention na hindi ko naman nakuha.

Terrence hug me dahilan para mapasandal ako sakanyang dibdib. I can feel his heartbeat. Sobrang bilis. Nararamdaman ko rin ang bilis ng pintig ng puso ko. We're the same. Unti-unti ko siyang niyakap pabalik. This feeling is really different.

Until She Noticed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon