Chapter Thirty-One

135 5 0
                                    


I want to find my true father but i don't know how. Wala namang nabanggit si Tito David patungkol sa kanya so i guess he's still alive.

"Finally." Umangat ang tingin ko sa nagsalita at nanlaki ang mata ko ng makilala kung sino ang ka-meeting ko ngayon.

"Davyn." Hindi ko makapaniwalang banggit sakanyang pangalan. Ngumiti siya at naupo na.

"I don't know that you're my client. Mas pinaaga ko pa sana ang pagkikitang 'to." Saad ko sa hindi parin makapaniwalang boses.

"It's okay. I understand. Honeymoon 'yun, e." Sabi niya habang kumindat pa. Seriously? Sinabi talaga ng company ko ang dahilan kung bakit hindi ko siya ma-memeet ng araw na iyon? Gahd!

"Anyway, nandito yung mga sample designs ko." Pag-iiba ko sa usapan at pinakita 'to sakanya. Nakita ko ang pag-ngisi niya bago 'to tanggapin. Napainom naman ako sa aking tubig.

Mabilis niya lang pinasadahan ang mga iyon at binalik na muli sakin 'to.

"I want classic french style." Napatango naman ako. Medyo bago sakin 'to dahil ang madalas kong i-design ay modern.

"This is my first house that's why i want it perfect." Muli akong tumango and at the same time humanga. In this young age nakapag patayo na agad siya ng bahay. Hindi ko pa nakikita ang land but i guess malaki 'to.

"Don't worry i will do my best. Kailan ko ba pwedeng makita yung bahay?"

"Are you free today?" Bigla naman akong napaisip. After ng meeting na 'to balak ko na sanang simulan ang paghahanap sa tunay kong ama pero dahil mas mahalaga 'to marahil sa ibang araw na lang.

"Yes. Wala naman akong gagawin."

"Nice. Gusto ko na kasi agad tong matapos." Saad niya at sumimsim sa kanyang juice. Nailang naman ako bigla sa pagbabago ng tingin niya sakin.

"Anyway, interested ka pa rin ba sa offer ko noon sayo?" Agad ko namang na gets ang ibig niyang sabihin. Hindi ko akalain na aalukin niya pa rin ako patungkol sa pag momodel. Alam kong isa siya sa mga sikat na photographer at marami ng model kaya bakit ako?

"Ilang taon na ang lumipas Mr. Yuzon. Gusto mo pa rin akong model?" Natatawa kong sabi habang tumaas ang kanyang kilay.

"Stop being formal and don't get me wrong you look more beautiful now."  Naramdaman ko agad ang pag init ng pisngi ko at tinago na lang 'to sa pamamagitan ng pag tawa.

"Pag iisipan ko."

"I hope na pag isipan mo na talaga this time. Yan din ang sagot mo sakin noon." Sagot niya at tumayo na.

"Let's go?" Dadag pa niya kaya tumango ako at sumunod na rin sakanya.

Bukod sa pagiging interior designer never talagang pumasok sa isip ko ang mag model kaya nga noong highschool ako ay binaliwala ko lang ang offer sakin ni Davyn. Tumingin ako sa labas ng kotse at pinagmasdan ang magandang tanawin. What if subukan ko?

"Dito ko talaga napiling itayo ang bahay. Quite and peaceful." Sabi ni Davyn ng makababa na kami ng kanyang kotse. Agad akong sumang-ayon. Mukhang bago pa lang ang village na ito. Malalayo rin ang pagitan ng bawat bahay.

Hindi na naman ako nagulat ng makita ang kanyang bahay. It's really big huh. I wonder kung siya lang ba titira sa bahay na 'to.

Pumasok na kami sa loob at tinignan ang bawat palapag, kwarto, kusina at living room. Nag suggest ako sa kanya ng mga naisip kong style at sumang-ayon lang siya sa lahat ng 'to.

"Uhm... Wala ka bang gustong idadagdag or baguhin?" Tanong ko ng bumalik kami sa living room. Wala man lang kasi siyang ka-opinyon opinyon sa mga suggestions ko.

"Wala. I want all your ideas." Ngumiti ako at tumango. Usually sa mga client na kumukuha sakin ay maraming suggestions kaya hindi ako sana'y na sumasang-ayon lang siya sa lahat ng ideya ko.

"We should put three chandelier here. Malaki tong living room i guess tama na ang tatlo." Saad ko at muling tumingin sakanya para sa isasagot niya. Naabutan kong nakatitig lang siya sakin. Napalunok naman ako.

"Mr. Yuzon?" Tawag ko dito para naman siyang natauhan. Nalipad pa yata ang isip.

"Ahh... Yes. I like it." Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumango bago isulat sa papel ang mga detalye.

"Babalik na lang ulit ako dito with my team. Maybe next week?" Sabi ko habang naglalakad na kami palabas.

"Okay. This is the key. I trust you Blessie and about my offer..." Humigpit ang hawak ko sa aking mga gamit ng marinig na naman iyong offer niya.

"Don't worry. Pag iisipan ko talaga." Putol ko sakanya. Ngumiti naman siya at napatawa na lang ako ng makita ang kanyang camera na nilabas niya sa kotse niya.

"I really like your smile." Saad niya matapos ako kuhanan ng ilang shots. Napailing na lang ako.

"I know you want me to agree to your offer but i really need to go now." Natatawa kong sabi.

"Of course. Ihahatid na kita."

Hindi na ako kumontra pa sa alok niya dahil hindi ko rin naman alam ang lugar na ito. Sa building na ng company namin ako nag pahatid. Kailangan kong makausap ang team ko.

Sa lumipas na mga linggo mas nag focus ako sa trabaho pero hindi pa rin maiwasan na mapaiyak tuwing gabi dahil sa pag-iisa. Kailanman hindi ko naramdaman ang pakiramdam na iyon. That feeling is new to me. May kulang. Pinili ko ring lumayo muna kila Mommy at sinimulang hanapin ang tunay kong ama pero sa mga lumipas na araw walang pag usad na nagaganap.

"Ikakasal na ko Blessie." Napatigil ako at tumingin kay Giselle. Nakangiti siya habang pinakita sakin ang sing sing. Nanlaki ang mata ko.

"Oh my. N-Nag propose na siya?" Gulat kong sabi. Tumango naman siya. Hindi ko naman mapigilan na yakapin siya. I'm happy for her!

"Do you love him? Finally?" Pang aasar ko. Umirap naman siya.

Yes, i admit it medyo marami na rin akong na missed sa nangyayari sa buhay niya dahil sa pagiging busy ko pero hindi ko palalagpasin ang kanyang kasal.

"I just realized everything. He's the man of my dreams." Mas lalong lumawak ang ngiti ko. I never see her happy like this.

"Anyway, may contact ka na ba kay kuya Terrence?" Unti-unting naglaho ang ngiti sakin ng marinig ang pangalan ng kanyang kapatid.

Ang alam ko lang ay na sa Japan siya. Huli naming pag-uusap ay noong nasa condo ako ni Ash matapos non ay wala na. Umiling ako kay Giselle.

Until She Noticed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon