"Aw!"
"Hala, sorry!" Saad ko habang napatingin sa kanyang paa.
Sa tingin ko'y may sugat na 'yon dahil kanina ko pa siya naaapakan. Sorry naman. Wala talaga akong talent sa pag sasayaw.
"Nagsisisi ka na bang partner mo ko?" Natatawa kong sabi. He bite his lower lip and smile. Unti-unti namang nawala ang ngiti ko.
Pinaikot niya ako at hinapit palapit sakanya.
"Of course not." Bulong niya sa aking tainga.
"Okay. This is the time na magpapalit na ng partner." Dinig kong sabi ng choreo.
Agad akong nataranta. It means mapupunta ako kay Ash? Naramdaman ko ang pag higpit ng hawak sakin ni Terrence.
"1, 2, 3, turn!"
Napakagat ako sa ibabang labi ko ng umikot na. Una akong napunta kay Hendrick.
"Please, huwag mo kong apakan." Napatawa naman ako. Marahil kanina pa nila naririnig ang pag daing ni Terrence.
"I can't promise that." Sagot ko habang tutok na tutok siya sa paa namin.
"1, 2, 3, turn!"
"Ops. Be careful." Sabi ni Matteo at nasa paa rin namin ang atensyon.
Gahd! Nakakahiya. Ako lang yata ang laging nagkakamali dito. I feel sorry for Terrence.
"Hi, what's your name beautiful lady?" Sabi ng lalaking sunod kong nakasayaw. Pamilyar ang mukha niya. Madalas ko rin siyang makita na kasama nila Ash.
"I'm Blessie."
"Nice to meet you. I'm Pacifer." Sagot niya at kumindat pa bago ako paikutin sa susunod na makakasayaw. Pacifer? Right! Pacifer Charles Dela Mente kapatid ni ate Laurel.
"Shit!"
"Oh my..." Napatigil ako ng maapakan ko ang paa ni Matteo. Tumawa naman siya kaya tinignan ko siya ng hindi maintindihan.
Kinuha niya ang kamay ko at pinagpatuloy ang pagsasayaw.
"Mukhang pareho tayo na nalipad ang isip." Sabi niya at napailing na lang.
"Sorry." Sagot ko bago tuluyang lumipat sa susunod na kasayaw at parang gusto ko namang bumalik kay Matteo ng makita kung sino 'to. It was Ash.
Napayuko na lang ako at bumagsak ang tingin sa paa namin. Nag iingat na hindi mag kamali. Walang pag uusap na naganap hanggang sa umikot na ulit. Lumutang na naman ang isip ko at hindi na naintindihan ang pinagsasabi ng mga nakasunod na nakasayaw. Iyon ang kinatatakutan kong mangyari. Ang hindi niya na ako pansinin pag umamin ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
"Finally." Sabi ni Terrence ng makabalik na ako sakanya. Pilit akong ngumiti habang napayuko. Pumikit ako at naramdaman ang pag tulo ng luha. That was my first rejection. Ang sakit pala talaga.
"Everyone! That's enough. Pagpatuloy na lang natin 'to bukas."
Huminga ako ng malalim. Meron pang bukas? Parang hindi ko na yata kayang umattend.
"Are you alright?" Tanong ni Terrence ng lumayo na ko. Masyado na pala kaming malapit sa isa't isa.
"Yup." Sagot ko at iniwas na ang tingin sakanya bago lumapit sa aking mga gamit.
BINABASA MO ANG
Until She Noticed [Completed]
General FictionBlessie Yvett Legazpi can get everyone's attention without trying, friends? Family? She's the only daughter kaya wala ng duda doon pero minsan meron tayong mga taong hindi napapansin dahil sa sobra-sobrang atensyon na nakukuha natin. But we didn't k...