Chapter One

369 11 1
                                    


"Giselle!" Tawag ko dito dahilan para mapalingon siya sakin.Tumakbo ako palapit sakanya habang nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Pupunta ka kay Ash?" Tanong ko ng tuluyan ng makalapit. Tumango naman siya kaya napangiti ako.

"Samahan na kita!"

"Akala ko ba last na yung kahap---"

"Forget it! I changed my mind! Halika na." Putol ko sa kanyang sasabihin at hinila na siya.

"Sa Gym tayo." Saad niya ng lumiko ako kaya napabalik ako.

"Okay!" Sagot ko at pumuntan sa direksyon ng gym habang tinignan niya ako ng puno ng pagtataka.

"Ang weird mo." Pilit ko siyang nginitian.

"Hehehe."

Nakita ko ang pag-iling niya pero nalipat na ang atensyon ko sa Gym dahil sa sobrang ingay nito. Halos puno na rin kaya pahirapan pa bago kami tuluyang nakapasok.

"Terrence!" Dinig kong sigaw ni Giselle sa likod ko pero nasa court ang tingin ko at hinahanap dito si Ash.

Pinigilan kong mapangiti ng tuluyan na siyang makita.Tumatagaktak ang pawis niya habang nakahawak ang kanyang kamay sa magkabila niyang bewang at masamang nakatingin dito sa direksyon namin.Ang init talaga ng ulo sakin ng lalaking 'to at hindi ko alam kung bakit! Hmp!

"Umupo na tayo Blessie." Tawag sakin ni Giselle kaya napalingon ako sakanya pero agad ko ring napansin ang katabi niyang si Terrence. Pinagtaasan ko siya ng kilay pero nag-iwas lang siya ng tingin. Aba! Hindi yata ako binati?

"Terrence! Papicture!" Sabi noong mga babae sa gilid niya at nakita ko ang pag-ngiti niya sa mga 'to habang napairap na lang ako.

"Tara na Giselle." Sabi ko at talagang dumaan doon sa harap ng mga nagpapapicture kay Terrence.

"Ang bastos naman!"

Dinig kong sabi nung isa kaya nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Bwiset! Alam na kasing daanan doon pa mag-pipicture!

"Sorry ate nagmamadali kasi kami." Sabi ni Giselle at sapilitan akong hinila palayo doon.

"Bakit ka naman nagsorry? Parang ako pa may kasalanan?" Inis kong sabi sakanya at padabog na naupo.

"Hindi ka kasi nag-excuse. Talagang kasalanan mo." Gulat ko siyang nilingon.

"What the---Ang landi kasi niyang pinsan mo!" Inis kong saad.Kumunot ang noo niya.

"Bakit naman tayo napunta kay kuya Terrence?"

"Kung hindi lang kasi---"

"What are you doing here?" Natigilan ako at tumingala sa taong nasa harap namin.

Hindi ko alam kung ako ba ang tinatanong niya oh si Giselle pero bakit niya naman ako tatanungin diba? Ang sungit sungit niya nga sakin eh. Huwag assuming Blessie!

Until She Noticed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon