Chapter Thirty-Four

133 6 0
                                    

Kasabay ng pag-alis ko ang pag release ng magazine kung saan ako ang front page. Gusto ko sanang tumutol dito pero nakakahiya naman kay Madame Celen at kay Davyn. Hindi ko akalain na poproblemahin ko pa ang bagay na ito. Hindi na naman na sundan pa ang photoshot na iyon kaya nakapag focus ako sa project ko kay Davyn.

Naging busy din si Giselle sakanyang wedding preparations kaya medyo naging mahirap sakin ang trabaho dahil nawalan ako ng isang katulong.

"I think you need some rest. Namumutla ka oh." Sabi ni Celine na isa sa mga ka-trabaho ko. Ang totoo niyan kanina pa ako nakakaramdam ng hilo. Pinipigilan ko lang dahil kailangan ko ng matapos 'to pero ngayon ay hindi ko na yata kaya.

"Ako na ang tatapos niyan. Magpahinga ka na lang." Dagdag niya pa habang napasandal na lang ako sa back rest. Gusto ko sanang tumanggi pa pero masyadong nakakaakit ang kanyang offer.

Nag-paraya na lang ako at mas piniling umuwi para makakuha ng tulog. Ang plano ko sana ay babalik doon pag nakakuha na ng tamang pahinga pero nabigla ako dahil sa haba ng naging tulog ko. Mukhang masyado nga yata akong subsob sa trabaho.

[Nakakuha na po ako ng mas maagang flight Ma'am. Bukas na po.]

Sagot ng secretary ni Dad ng utusan ko tong mag hanap ng panibagong ticket. Yung mas maaga.

"What time?"

[8am po.]

"Okay. Thank you."

Napasandal na lang ako sa back rest ng couch. Sinubukan ko na ring magtanong sa tauhan ni Tito David kung may balita ba sila kay Terrence. Nalaman kong naka check in siya sa isa sa mga hotel sa Japan pero kahit na ganon ay mas pinili kong ako mismo ang makakita kung ayos ba talaga siya doon.

Muling tumunog ang cellphone ko kaya mabilis kong tinignan kung sino 'to. Si Dad. Mukhang alam ko na kung bakit siya napatawag. Sa lumipas na araw alam kong ramdam nila ang paglayo ko.

[Blessie.]

Hindi agad ako sumagot at hinintay pa ang kanyang idadagdag. I think they're trying to understand me and i'm thankful with that.

[I heard pupunta kang Japan.]

"Yes po. Susundan ko po si Terrence."

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim habang napapikit ako ng madiin. I miss him and of course my Mom. Hindi na kasi ako nabisita sa mansyon.

[That's good. Mag usap na kayong dalawa doon.]

Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita.

"Opo."

Ilang minutong namayani samin ang katahimikan matapos non. Parang may gusto siyang sabihin ngunit nag dadalawang isip.

"Dad, i need to hang up na po. Mag iimpake pa ko."

[O-Okay and sabi pala ng Mommy mo bumisita ka naman dito minsan.]

Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"I will po."

Napahinga na lang ako ng malalim ng tuluyan ng maibaba. Kahit hindi niya sabihin. I know they miss me too. Noon napagdesisyonan kong bumalik lang doon pag nahanap ko na ang tunay kong ama pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita sakanya. Sa laki ng mundo hindi ko alam kung saan ko siya sisimulang ipahanap.

Katulad ng sinabi ko kay Daddy nag simula na kong ayusin ang mga gamit ko. Isipin na muli kong makikita si Terrence ay halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. What if he still hate me? No. Galit talaga siya dahil kung hindi matagal na siyang umuwi dito.

Isang maleta lang ang napuno ko ng damit at para sakin ay tama na iyon. Matapos mag impake ay napag desisyonan kong sa labas na lang kumain katulad ng madalas kong gawin. May gusto akong kainin pero hindi ko alam kung ano. Gahd! Para akong nag ca-crave sa isang bagay na hindi ko ma-define.

Sasakay na sana ako sa kotse ko pero na tigilan ng may mapansin sa labas ng bahay. Mas lumapit pa ako sa gate at nanlaki ang mata ng makumpirma kung sino 'to.

"A-Ash?" Binuksan ko ang gate upang mas makita pa siya. Nakasandal siya sa kanyang kotse at parang kanina pa ako hinihintay.

"What are you doing here?" Dagdag ko pa. Pinanuod ko naman siyang may kinuha sa loob ng kanyang kotse.

"I brought you some foods." Sagot niya at pinakita sakin ang supot na kinuha sa loob ng sasakyan. Napangiti ako at mas naramdaman pa lalo ang gutom.

"Sa fastfood chain sana ako kakain..." Mahina kong saad habang naglalakad kami papasok ng bahay.

"I know." Napalingon ako sakanya. Seryoso ang mukha niya at diretso lang ang tingin. Huh? Pano niya naman nalaman?

"I see you many times sa mga fastfood chain." Napataas ang kilay ko. Sinusundan niya ko?

"Stalker." Biro ko at naupo na sa isa sa mga highstool chair ng makarating na kami ng kusina.

"What? Nakikita lang kita."

"Many times? Parang imposible." Iiling iling kong saad.

"Tss." Napangiti na lang ako dahil doon. Bakit kasi ayaw pang aminin na sinusundan ako?

Nilapag niya na ang tupperware sa harap ko. Hindi na naman ako nag duda na masarap ang pagkain dahil minsan na rin akong nakatikim ng luto niya. Ilang minutong katahimikan ang namagitan samin at pinapanuod niya lang akong kumain. Napainom ako sa tubig ko at umayos ng upo.

"S-So, bakit mo ko sinusundan?" Curious kong tanong habang nanliit ang mata sakanya. Pinagsiklop naman niya ang kanyang kamay.

"You're going to Japan?" Pag-iiba niya sa usapan. Dahan-dahan akong tumango.

"Bakit hindi mo na lang hintayin na umuwi siya?" Dagdag niya pa habang bumagsak ang tingin ko sa pagkain.

"I just wanna see if he's really okay there."

"He's okay right? Sabi ng mga tauhan ni Tito David. There's nothing to worry about." Tumango ako but still...

"I want to see him Ash."

"Pero iniwan ka niya..." Umangat ang tingin ko sa lalaking kaharap. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang iparating.

"Kasalanan ko kung bakit siya umalis." Sagot ko habang nakatitig sakanyang mata.

"Then, tell me the reason kung bakit ayaw niya magkaroon kayo ng koneksyon?"

"Because he hate me! Ako lahat may kasalanan. I admit it." Tumulo ang luha mula sa aking mata na mabilis kong pinunasan. Hindi ko alam kung bakit masyado akong emosyonal. I know myself. Hindi agad ako umiiyak sa mga ganitong bagay.

"So you already love him..."

"Yes."

Until She Noticed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon