Chapter Twenty-One

132 5 0
                                    

"Bakit kayo late? I mean super late." Bulong ni Giselle dahilan para mag-init ang aking pisngi.

"A-Ano kasi..."

"Blessie, bakit hindi mo tulungan si Terrence sa kumpanya niyo?" Napunta ang atensyon ko kay Tito Van. Sumimsim siya sa kanyang juice habang seryosong nakatingin sakin.

"It' okay Tito. She's doing great in her work kaya ko naman po ang company." Singit ni Terrence at naramdaman ko ang paghawak niya sa aking kamay mula sa ilalim ng table.

"That's why i choose this man to marry my daughter. He's really hardworking huh." Natatawang sabi ni Daddy.

"Of course. Like father like son." Saad din ni Tito David na napapangiti.

"Mabuti na lang talaga at nanjan si Terrence." Dagdag pa ni Tito Van. Napayuko na lang ako at pinaglaruan ang pagkain sa pinggan.

"Are you already tired?" Bulong sakin ni Terrence. Tanging iling lang ang sinagot ko.

"Anyway, saan ba ang honeymoon niyo?" Dinig kong tanong ni Mommy kaya napaangat ang tingin ko sakanya.

"To our province po." Nilingon ko si Terrence. Province?

"Sa Sabtang?" Sabi ni Giselle na mukhang na puntahan na rin 'to.

That place is not familiar to me. Marami na kong napuntahan na lugar but i never been there.

"I didn't know that place but please take care of my daughter." Saad ni Mommy at ngumiti sakin.

"Of course i will po." Sagot ni Terrence at naramdaman ko ang paghigpit ng paghawak niya sa aking kamay.

Nawala naman agad ang usapin tungkol doon ng magtanong na naman si Tito Van tungkol sa business. Niyaya naman ako ni Giselle na pumunta sa kanyang kwarto at sinubukan ko ring isama si Nabby ngunit tumanggi naman siya.

"Sabtang is a beautiful place. Don't worry mag-eenjoy ka doon." Sabi ni Giselle ng maglakad na kami paakyat sa kanyang kwarto.

"I don't know what should i feel." Iiling iling kong saad. Isa pa yung nangyari kanina sa bahay. Gahd! Alam kong pwedeng pwede pang maulit 'yon but i will make sure na hindi na talga. We can't do 'that'.

"Huh? Just enjoy your self there."

Huminga ako ng malalim at naupo sa kanyang kama habang niyakap ang isa sa mga unan niya doon.

"I give him a chance." Nakita ko ang pagtataka sakanyang mukha.

"Who?"

"Of course, my husband." Bigla namang sumilay ang ngiti sakanya.

"Buti naman. Kuya Terrence really loves you. I can see it." Sabi niya habang napakagat ako sa aking ibabang labi.

"Do you think hindi yon unfair? Alam niya kung sino pa rin ang mahal ko." Huminga siya ng malalim at dumapa habang binuksan ang kanyang laptop.

"It's unfair obviously. Just try to discover your feelings towards my brother malay mo siya pala talaga mahal mo." Agad naman akong hindi sumang-ayon doon. Imposible.

"Just come to think of it siya ang laging nanjan para sayo. Lalo na noong nalaman mo ang tungkol kay Ash." Sagot niya at umayos na ng upo. Tumingin ako sa laptop. Nag play pala siya ng movie doon.

Until She Noticed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon