Chapter Eighteen

137 6 0
                                    

Hindi ko akalain na matutuloy pa ang honeymoon na 'yan. Gahd! Kinansela ito dati dahil may inayos pa si Terrence sa kumpanya namin at ngayon natapos niya na 'to mukhang tuloy na tuloy na talaga. Gusto ko sanang kumontra pa patungkol dito pero ayaw kong alisin ang saya sa kanya. Hindi ko kasi alam kung para saan pa 'to. Arrange marriage lang naman kami. We don't love each other.

And i know deep in my heart that i still love him. Dati talaga akala ko 'yun na, akala ko mahal niya na rin ako pero di pala sapat lahat kasi iba pa rin pala ang mahal niya. I'm doing my best para tuluyan na siyang makalimutan pero mahirap talaga.

"I understand you Blessie but nandoon naman kayo para mag-enjoy. Huwag mo na lang isipin yung... Yung making love---"

"Yeah, whatever but still parang hindi na naman kailangan?" Putol ko kay Giselle at pabagsak na nahiga sa kama.

Inimbitahan ko siya ngayon dito sa bahay at dahil nandito na rin naman daw siya. Siya na ang nag-impake sa mga gamit ko. Sa isang araw pa ang alis namin ni Terrence. Samantalang ako heto at namomroblema.

"Kailangan 'yon! Bagong kasal eh dapat nga after ng wedding niyo agad yan ginawa." Napairap ako at niyakap ng mahigpit ang unan. Kaamoy ni Terrence. Ang bango. Para akong naaadik.

"So, sinasabi mo saking pag kinasal kayo ni kuya Axe papayag kang mag-honeymoon kayo?" Agad kong nakita ang kanyang pamumula. Napailing na lang ako.

Hindi ko akalain na mauuna pa kong ikasal sakanya. Noon siya tong problemado pero nagkapalit yata lahat. Pinayagan siya ni kuya Axe na huwag muna silang ikasal. Mabuti nga at pumayag din sila Tita Yana. Sana talaga lahat.

"S-Syempre." Nanlaki ang mata ko at inobserbahan siyang mabuti.

"You already like him." Sagot ko at nakita ko sakanya ang pagkontra. No. You can't fool me Giselle Dela Mente. Kabisadong kabisado ko na ang babaeng 'to. Simula highschool pa lang.

"I don't know." Sabi niya na mukhang nalilito talaga sa nararamdaman.

"Wait. Bakit pala sakin na punta ang topic? Ikaw? Mahal mo na ba si kuya?" Dagdag pa niya at parang may nabulabog na naman na mga paru-paro saking tyan ng marinig ang huli niyang tanong. Gahd! Ano bang meron sa tyan ko? Ito yata yung sinasabi nilang butterflies in stomach. What's the meaning of that?

"Kilala mo naman kung sino pa rin." Sumimangot siya habang nagpatuloy na ulit sa paglalagay ng mga damit sa maleta.

"Kung cold dati si Ash mas naging cold pa siya ngayon. Babalik daw ulit siya dito." Para akong nabuhayan at napaupo ulit.

Pagkatapos naming gumraduate ng college, sabi ni Giselle agad tong umalis ng bansa at bumalik ng singapore.

"Kailan?" Tanong ko at di mapigilan ang excitement. Nanliit naman ang mata niya sakin. Nawala ang ngiti sakin at dahan-dahan muli na nahiga.

"Tandaan mo Blessie kasal ka na. Hindi na tayo highschool or college na pwedeng pwede na makipag hang-out sa boys." Napakagat ako sa ibabang labi ko at tumango.

"I know."

"Isa pa. Alam mo na naman siguro yung isyu ni Terrence at Ash? They hate each other now." Dagdag niya habang tuluyan ng sinara ang aking maleta.

"Thank you." Sabi ko at tinulungan siyang ibaba 'to sa kama.

"You're always welcome. Anyway, aalis na ko. Nasa labas na si Axe." Saad niya habang nakatingin sa kanyang phone. Tumayo na rin ako at sabay na kaming lumabas.

"Thanks again. Alam mo namang sobrang bored dito sa bahay pag maaga ang uwi ko galing office." Sabi ko at binuksan na ang gate. Naabutan namin si kuya Axe na nakasandal sa kanyang kotse. Ngumiti siya sakin at kumaway. Ngumiti ako pabalik.

"Okay lang. Hindi rin naman ako busy ngayon."

"Sige, ingat kayo."

Pinanuod ko ang sasakyan nila hanggang sa tuluyan na tong makalayo. Napahinga ako ng malalim at nilingon ang bahay. Ako na naman mag-isa. Ano kaya kung bumisita ako kila Azor? Tama!

Sinarado ko na ang gate at pumasok na ulit sa loob para makapag palit ng damit. Kung siguro noon si Azor ang napunta sa bahay namin tuwing Sabado para guluhin ang nananahimik kong buhay ngayon ako na ang napunta sakanila.

"Pasok ka Ma'am." Sabi ng katulong matapos ko mag doorbell ng isang beses.

"Nasaan po sila?"

"Baka nasa kusina po." Sagot niya na kinatango ko. Dire-diretso akong pumunta sa kusina at halos mapaatras ako sa gulat ng maabutan kung ano ang nangyayari dito. Agad akong napapikit. Gahd!

"Fvck!" Dinig kong mura ni Azor ng mapansin siguro ako.

"Don't worry kararating ko lang." Medyo nahihiya kong saad. Buset. Bakit kasi sa kusina ginagawa ang mga kababalaghan? Hindi ba uso magkwarto? Aish!

"You can open your eyes now."  Unti-unti kong minulat ang mata ko. Agad akong kumaway sakanyang asawa na medyo na mumula.

"Hi ate!" Bati ko at naupo sa high stool chair. Sumulyap ako kay Azor na napapailing. Kinuha ko ang mansanas sa table nila at dahan-dahan tong kinagatan habang patagong napangiti. Hindi ko akalain na makakaganti pala ako sakanya sa mga lumipas na ilang taon na pang-gugulo niya sakin.

"Hi. Anong gusto mong kainin?" Tanong niya at nagtungo sa ref.

"I'm fine with this apple." Sagot ko at muli tong kinagatan.

"Ano na naman bang sadya mo dito?" Sabi ni Azor habang napasandal sa upuan at humalukipkip. Pinagtaasan pa ko ng kilay. Aba! Parang linya ko yan noon ah?

"Wala, bored sa bahay." Saad ko at nagkibit balikat.

"How about your husband?"

"Nasa work pa."

"Dapat yata kausapin ko siya para di ka na nang gugulo dito." Sumimangot ako. Aray ha!

"Azor." Warning tone ni ate Daisy kaya napatingin ako sakanya. Ngumiti siya sakin. Napakagat ako sa ibabang labi ko.

"Don't mind him. Tara kay Aser?" Dagdag niya at na excite ako ng banggitin niya ang pangalan ng kanilang anak. Siya talaga pinunta ko dito.

"Tsk. Bakit kasi ayaw pang mag anak para di na ma-bored. Sabihin ko rin kaya kay Terren---" Bago niya pa matapos ang kanyang sasabihin binato ko siya ng buto ng mansanas. Head shot! HAHAHA.

"What the---"

Nagmamadali akong sumunod kay ate Daisy. Pfft. Buset na lalaki 'yon. Nag asawa lang naging masungit na. Sarap balibagin!

Until She Noticed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon