Chapter Twenty-Nine

121 5 0
                                    


Note: Yup! I edit this chapter. Sorry sa magulong utak.

*****

"You should rest." Agad na sabi ni Ash ng tuluyan na naming marating ang kanyang condo. Nilibot ko ang aking paningin dito. The style of his condo is modern. White painted wall and the big window is really beatiful dahil mula dito kita mo ang mga makikinang na ilaw ng syudad.

"But let's eat first." Dagdag niya pa. Pinatong niya ang mga gamit ko sa living room habang napako na yata ako dito sa kinatatayuan ko. The image of this scene is only seen in my dreams. I never though na makakaapak ako sa kanyang condo. 

Matapos makabawi sa lahat saka ko lang naisipan na sumunod sakanya sa kusina. Naabutan ko siyang naghahanda na doon. Naupo ako sa isa sa mga high stool chair at pinanuod siya. I remember Terrence. He always cook for me since hindi ako marunong. Sino bang lalaki ang tatagal sa tulad ko? Halos hindi marunong sa lahat. I guess siya lang.

"Terrence think that you choose me over him." Sabi niya habang sumulyap sakin. I bite my lower lip. I should thank him and say sorry too.

"I let you come with me because i'm expecting a good reason why you leave him there." Dagdag niya pa. Tumitig ako sakanya. I have a good reason but i don't know if i should tell him that.

"I-It's personal..." Nasagot ko na lang habang napayuko. I'm not yet sure kung totoo ba ang mga nalalaman ko kaya hindi ko muna siguro ito isasatinig.

Hindi na siya sumagot kaya naging mahirap para sakin ang gabing iyon dahil sa pagiging tahimik niya at parang may malalim na iniisip. Pumikit ako ng madiin habang niyakap ang katabing unan. Sa living room dapat ako natutulog but Ash disagree instead he let me sleep here in his room, in his bed. Siguro kung mas maaga pa tong nangyari kikiligin ako ng sobra at baka mag tatalon pa sa tuwa. Nakahiga lang naman ako sa kama ni Ash Dela Mente! But right now wala akong maramdaman. I'm just tired and sleepy.

"Blessie?" Halos mapaigtad ako ng marinig ang boses ni Ash kaya agad akong napaupo. Kumatok muna siya bago tuluyang buksan ang pinto. Pinakita niya sakin ang kanyang phone at kahit hindi na siya magsalita alam kong tawag yon mula kay Terrence. Lumapit siya sakin at inabot 'to.

Tinapat ko sa aking tainga ang phone at tanging pag hinga lang ang aking narinig. I have so many questions to him but i decide na kausapin muna sila Mommy. What if wala rin siyang alam? Ilang minuto pa ang lumipas at mukhang wala siyang balak mag salita.

[Wife.]

Agad kong naramdaman ang pagkalabog ng puso ko ng marinig ang kanyang boses. Bakit hindi ko 'to napansin una pa lang? Muli akong napahiga sa kama at niyakap ang unan.

"Magpapahinga na ko Terrence..."

Galit dapat siya sakin. I left him. That's why i don't understand kung bakit ganito pa rin kalambing ang kanyang boses. Ang kaninang saya ng puso ay napalitan agad ng kaba.

[Okay. Sleep well. I miss you.]

Pano kung totoo lahat ng 'baka' ko? I can't imagine my life after this.

"Good night."

Sagot ko ngunit hindi pa rin binababa ang telepono. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim na parang nahihirapan. Humigpit ang yakap ko sa unan.

"Terrence..."

Tawag ko at umaasang hindi niya muna ibababa.

[Hmmm?]

If he thinks that i choose Ash over him. Uuwi pa ba siya para sakin? Mas lalong lumala ang kaba sakin ng maisip ang ideyang iyon.

"A-Are you... Are you going home?"

Muli kong narinig ang pag hinga niya ng malalim. No.

[I'll try baby. I love you.]

Sagot niya at narinig ko na lang ang tunog ng phone na ibig sabihin ay naputol na ang linya. Anong ibig sabihin niyang susubukan niya? I don't want to over think but i can't help it. Pano kung napagod na talaga siya katulad ng sinabi niya sakin ng umagang iyon? Agad kong naramadaman ang pagkirot ng aking dibdib pero gustuhin ko mang manatili sa tabi niya mas nangingibaw sakin malaman ang katotohanan. Nakatulog na lang ako sa mga kakaisip sa bagay na iyon at nagising dahil sa sinag ng araw.

Agad na hinanap ng aking mata ang wall clock. It's already 8am. Mabilis akong napaupo na maalalang na sa condo pala ako ni Ash. Bumagsak ang tingin ko sa couch kung saan may pangbabaeng damit. Paniguradong binili 'to ni Ash.

Isang floral dress na mukhang tamang tama lang para sakin. Napataas ang kilay ko. Not bad. Kinuha ko 'to at piniling maligo bago tuluyang lumabas. Ayoko namang makita niya ako sa panget na itsura. Isa pa baka pagkatapos mag agahan ay tumuloy na ako sa mansyon para makausap sila Mommy.

Pagkabukas ko pa lang sa pinto ng kwarto ay agad ko ng naamoy ang mga pagkain. Mas naramdaman ko tuloy ang pagkagutom. Walang pag dadalawang isip na dumiretso ako sa kusina at halos mapatigil ako ng maabutan si Ash na hinahanda ang table but take note naka topless siya! Gahd! Kung hindi ako masanay sanay kay Terrence na laging naka topless, sakanya pa kaya? Bumaba ang tingin ko sakanyang abs. Shez! Gaga ka talaga Blessie! May asawa ka na!

"Good morning." Sabi niya dahilan para mapaangat ang tingin ko sakanyang mukha. Nakapaskil na dito ang nakakaloko niyang ngiti. Oh great! Pakiramdam ko alam niya ang tinitignan ko sakanyang katawan. Agad nag init ang aking pisngi. Nakakahiya! Napalunok na lang ako.

"G-Good morning..." Sagot ko at pilit na iniwas ang tingin. Lumapit na ko sa table at naupo. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Bwiset.

"Ihahatid na ba ulit kita sa mansyon niyo?" Tanong niya at naupo na rin sa harap ko.

"Kahit huwag na. Salamat na lang." Saad ko at sumimsim sa chocolate drink na ginawa niya para sakin.

"It's really fine with me. Wala naman akong ginagawa." Umangat ang tingin ko sakanya. Ngumiti siya sakin. That smile. Highschool pa lang ako lagi kong hinihintay ang pag ngiti niya sakin pero lagi akong bigo at puro malalamig na tingin lang ang sinusukli niya sakin.

"Bahala ka." Tanging sagot ko at di mapigilang isipin kung bakit good mood siya ngayon but one things for sure. Hindi ako ang dahilan non.

Until She Noticed [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon