"Anong balak niyo this coming summer mga dude?" Tanong ni Pacifer ng magsama-sama kami sa mansyon nila Hendrick. Bored akong nakasandal sa couch habang pinapatugtog ang aking gitara."Road trip kaya?" Biglang singit ni ate Lian at naupo sa tabi ko. Siniko niya ko kaya napalingon ako sakanya.
"What do you think?"
Nagkibit balikat lang ako at iniwas na ang tingin sakanya. Balak ko sanang pag-aralan na ang kumpanya namin para sa dadating na summer.
"Let's go to Batangas! Maraming magandang beach doon." Sabi ni Bella na mukhang nagustuhan ng lahat. Hmmm... Pwede rin.
"Girls? Marami rin?" Saad ni Jamiel kaya napalingon ako sakanya bago siya batuhin ng nadampot na unan.
"Noong first year college ako mga projects pa lang iniisip ko. Mag-aral ka muna bago babae!" Sagot ko habang napapailing.
"Are you serious Terrence? Eh Grade 7 pa nga lang pinalilibutan ka na ng mga babae." Natatawang sabi ni Laurel. Ngumisi ako sakanya.
"Sila ang nalapit sakin tsk."
"Anong babae ang naririnig ko?" Dating ni Matthew na may kagat kagat na tinapay.
"Sabi ni kuya Terrence nag-aaral daw siyang mabuti at hindi pa iniisip ang mga babae." Sumbong ni Jamiel. What? Hindi naman iyon ang sinabi ko. Seriously?
"Eh isa lang naman babae sa buhay niyan." Sinamaan ko ng tingin si Matthew. Wala sa magpipinsan namin ang may alam na gusto ko si Blessie. Itong dalawang kapatid ko lang and yeah sa hindi pa mapagkakatiwalaan ko nasabi.
"Who?" Curious na tanong ni ate Lian at tinignan ako.
"Blessie?" Sagot ni Matthew at parang iniisip pa kung tama 'to. Fuck.
"Huh? Yung nililigawan ni Ash?" Napaiwas ako ng tingin kay Laurel. Damn it. Bakita ba na open ang topic na 'to?
Tumayo na ko at binitbit ang gitara ko habang nag-lakad na palabas ng mansyon. Ito ang mga bagay na iniiwasan kong pag-usapan. Tss.
"I think you should stop that Terrence. Nililigawan na siya ni Ash." Dinig kong sabi ni Bella kaya napatigil ako sa paglalakad. Pumikit ako ng madiin at mahigpit na humawak sa gitara.
"I like her since highschool. Ako ang nauna sakanya."
Fvck. I sound so pathetic. Hindi na ko naghintay pa ng isasagot nila at lumabas na ng mansyon.
"Where are you going Terrence?" Tanong sakin ni Mommy ng dumaan ako sa garden. Napatingin sakin lahat sila Tita at Tito.
"Come here son." Dagdag pa ni Daddy kaya wala akong nagawa kung hindi ang lumapit sakanila.
"I heard you want to marry the one and only daugther of Mr. Warren Legazpi?" Sabi ni Tita Celma ng tuluyan na kong makalapit. Mukhang tungkol doon ang pinag-uusapan nila ngayon.
BINABASA MO ANG
Until She Noticed [Completed]
Ficción GeneralBlessie Yvett Legazpi can get everyone's attention without trying, friends? Family? She's the only daughter kaya wala ng duda doon pero minsan meron tayong mga taong hindi napapansin dahil sa sobra-sobrang atensyon na nakukuha natin. But we didn't k...