Unang araw, una at mukhang huling taon ko din sa school na 'to. Philippine Legacy Academy, and surprise part- part owner ang aking tatay last year lang. Again, another reason to not make myself known. Strict instructions na walang special treatment.
"Are those really necessary?" tanong ni Daddy nang kinakabit ko ang mga kolorete sa mukha habang minamaneho niya ang sasakyan. "The glasses, I understand, but the fake braces and that thing on your face? I don't understand."
"Sabi 'don sa mga nababasa ko na magazines and novels, ganito daw para hindi mapansin."
"Paanong hindi ka mapapansin eh ang weird ng itsura mo?" tanong ni Daddy.
"Dad, just let me be. Let's consider this as an experiment. Ayoko na talagang magkaroon ng mga unnecessary people sa buhay ko." Tumango nalang si Daddy at hindi na nakapag salita. "I'll be fine. " The trauma of finding out that your friends are your friends because you're pretty and popular was the worst thing that ever happened in my life. Biglang lahat ng tawanan at sikretong sinabi niyo sa isa't isa, naging isang malaking joke. I know I don't have the best personality, I know I'm a brat and I'm not the easiest person to deal with, but you're an evil person to use the card "friend" for your own benefit.
"Will you really be okay?""I'm fine. Don't worry." bumaba na ako sa sasakyan at hinintay siyang makaalis. Sa totoo lang, nanlalamig ako sa kaba kung ano bang klaseng buhay ang mararanasan ko dito.
Pagkapasok ko sa gate, mga noong nakakunot agad ang nakita ko at may malakas akong feeling na niloko ako nung mga nabasa kong novels and magazines.
"Who's that? Ew.""Mukhang transferee. What the heck, pano 'yan nakapasok dito?"
"Wow Chicks! Paglaki manok!" sabi nung isang lalaki sabay tawa kasama ng mga kasama niya.
"Manok na abnormal. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan sa school na 'to ah."
Inirapan ko sila at tinignan mula ulo hanggang paa. Yuck. Hindi man lang pinunasan ang black shoes. Pathetic. Mukhang hindi eto ang inaasahan kong outcome ng "perfect ensemble" na ito.
Nakalagpas na ako sa mga tao at hinanap nalang ang section ko. Sa laki ng school na 'to, hindi pala sapat ang verbal direction.
"Nasaan na ba 'yon?" Kinakabahang binibilisan ko na ang lakad dahil malapit nang mag 7:30 am. Ayoko maging late sa first day ko.
"Hi! Hindi mo ba mahanap pangalan mo? Gusto mo tulungan na kita?" tanong ng isang babaeng nakauniform at naka ponytail.
"Oh, yes please thank you. Zoey Mercado nga pala, transferee." ngumiti siya ng matamis. What a very sweet and friendly girl.
"I'm Dani Alonzo." inakbayan niya ako."Oh! Section 4-H, magkaklase pala tayo eh!" sabik niyang sabi at hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.
"Ganun ba, buti naman, wala pa akong kakilala dito eh." sabi ko. Why do I sound so shy and kind. It's unlike me.
"Don't worry, I got you! Teka lang, hintayin ko lang si Carol, ipapakilala ko siya sayo mamaya."
"Dani!" sigaw ng isang babaeng naka pigtails naman. Wow, everyone is really good looking here. Making this face really puts me in the spotlight.
"Oh hello! Late ka nanaman! Eto pala si Zoey, Zoey meet Dani, Dani meet Zoey." Nagtawanan nalang kami, ang kulit din ni Dani eh.
Nag ring na ang bell at bumaba na kami sa school grounds para sa Flag Ceremony at daily announcement. Pagkatpos, luminya pabalik ng classroom.
BINABASA MO ANG
"I Love You Nerd Part 1"
Teen FictionHindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mismo ang mag-aangat sa akin para makita ng iba.