Zoey's POV
Binuksan ko ang radyo at nakinig kay Papa Jack. Dani influenced me to listen to the stories not for lesson's sake but for entertainment's sake. Tumawag kaya ako? Joke. Pinatay ko ang radyo at ginawa ko nalang uli itong assignment ko sa Math. I hate this with all my heart.
Habang nagmumuni muni ako, tumawag si Dani.
"Hello!", bati ni Dani ng pasigaw.
"Grabe, ano ba? Naka mic ka ba na tumatawag sa akin?! Ang lakas ng boses mo ah."
"May long weekend tayo!"Dani
"oh tapos?"
"Diba may house kayo sa Palawan?"
"Oo, bakit?"
"Bakasyon tayo?!"
"Che ang layo."
"Eh di mag eroplano!"
"Gaga, wala kaming airport sa bahay noh."
"Tange."
"Hindi madaling pumunta doon agad agad. Sa iba nalang."
"Sayang, may suggestion ka ba?"
"Pumunta nalang tayo sa modeling school na pinapatayo ni Daddy, ok ba?"
"Ha? That's not vacation ,that's work. Dito lang 'yon sa Quezon City. Ang boring!"
"Gusto ko kasing makita yun eh, sige ganito nalang! Pagkatapos nating pumunta doon, makiki sleep over kayo sa bahay for 2 days at gagamitin ko for the first time yung swimming pool? Ayos ba?" 'Di namin kasi ginagamit yung swimming pool.
"Sige na nga!"
"Pag-usapan na natin 'to bukas para pagdating niyo sa bahay ng Friday, iwan niyo nalang mga gamit niyo tapos samahan niyo ako sa school ha!"
"Ok! Pwede ko bang isama si Reg?"
"Oo na, alam ko namang kaya mo gustong mag bakasyon para magsama kayo. Basta please lessen your PDA, kayong dalawa ni Carol."
"Yes ma'am."
"Oo! Sabihin mo isama niya si Nathan at Nat, para mas masaya!"
"T-talaga?! Sure ka?! Ok lang?! Okay ka lang?"
"Trust me! Sige na, I have to go." Binaba niya na 'yung phone. Tama ba 'tong ginawa ko? Kailangan kong simulan na ang pagm-move on. Kailangan kong maghanda. Tumunog bigla ang cellphone ko.
"Uy!", sabi ni Ram.
"Oh Ram?"
"May overnight daw sa bahay niyo ah, bakit di mo ako ininvite? Nakalimutan mo na nga birthday ko tapos hindi mo pa ako iiinvite."
"Kailangan pa ba 'yon? Tange! Kahit naman di kita iinvite eh pupunta ka!"
"Iba parin yung sinabi mo."
"Arte, ok. Ahem, MR. RAM FERNANDEZ YOU ARE INVITED ! Happy?", tumawa siya.
"Yeah! Thanks. Sabi sa GC pati yung dalawa tinawag mo ah. Okay ka lang?"
"I want to overcome this." Hindi siya nagsalita pero huminga siya ng malalim. "Don't worry, I won't overdo it." Sabi ko sakanya na may assurance.
"Sige na." Ibiniba ko na ang telepono at natulog na.
Pagpasok ko sa school, nakasalubong ko si Nat nakatingin ng masama sa akin.
"Oh well,what are you up to?", tanong niya.
"What do you mean?"
"You just invited me on a sleepover, so ganun nalang 'yon? Close na tayo agad?"
"Ha! Ayaw mo nun? Kung hindi ka pupunta, sayang naman, nandoon si Nathan."
"What?! You invited him?"
"Why not? Why? Are you scared na baka magkatuluyan uli kami?" Napansin ko si Ram na lmapit sa amin nang sinabi ko 'yon.
"So that's your plan? Sa tingin mo sasama siya?", tanong ni Nat.
"I don't know, it's just a mere invitation. Kayo na bahala kung pupunta kayo."
"Kung ano man yang binabalak mo, I will not let that happen! Pupunta ako."
"Noted. Let's go Ram." Inis na inis 'yung mukha ni Nat. Umalis na kami sa harap niya.
" Ang angas ha!", bulong ni Ram."So, ano bang plano mo?"
"Before the sleepover, pupunta muna kami nila Dani sa modeling school na pinapatayo nila Daddy tapos pupunta na sa-"
"No, I mean why are you doing this? Bakit mo ba talaga sila ininvite? Bakit may mga ganon kang banat kay Nat?"Tumingin ako sa sahig.
"I want to see it with my two eyes."
"See what?"
"Na nagbago na si Nathan, seeing them together will let me assess if he is really telling the truth. Makakasama ko silang dalawa ng matagal."
"You're making stupid decisions again."
"Ram, plase support me okay?", umiling siya at umalis. Ano bang problema non?
Dumating na ang weekend at naghintayan kaming lahat sa harap ng school.
"Na, wala ka na bang kahihiyan? Bakit ganyan ang suot mo? Mamaya pa tayo mag s-swimming eh.", tanong ko nang nakita si Nat na naka shorts ng sobrang ikli.
"Mainit bakit ba. Mind your own business." Hindi na ako sumagot, nagsidatingan na rin ang iba, pati si Nathan na tahimik pa rin. 'Yung van nila Dani ang ginamit namin para iisang sasakyan nalang sa lahat. Gusto rin daw nila makita 'yong bagong school.
"Ang dami niyo namang business."
"Well eto, parang corporate social responsibility in a way including yung school natin actually."
"Madami bang models don?", tanong ni Reg. Binatukan siya ni Dani.
"Construction site palang yon! Bobo.", sabi ni Dani.
"Joke lang babe.", nagtawanan kami. Ang cute talaga nilang couple eh.
"Iisang sasakyan lang ba ang gagamitin? Ew, I prefer walking that riding in your car!", sabi ni Nat. TInignan namin siyang lahat.
"Then go walk! ", sabi ni Carol. Obviously, gusto niyang humiwalay ng sasakyan kasi hindi siya makaisa kay Nathan. Nainis siya at inunahan kaming pumasok sa van.
Sa kotse, puro si Nat nalang ang nagsasalita. Naka earphones nalang yung tatlo. Saglit lang ang byahe pero dahil sa traffic, medyo tumagal pa.
Nandito na kami sa destination namin, along University Belt siya. Hindi kalakihan 'yung building pero pwede narin. Sigurdo ako na mga models and aspiring models din ang mag-eenroll dito. Training center din daw ito ng mga beauty pageants. Baka artista pa nga eh.
"Wow!", sabi ni Reg at Rick. Inikot na namin ang buong buiding. Akala namin mukha palang siyang skeleton pero hindi ko inaakalang almost finish na siya. Pumunta kami dito kasi bumisita din daw si Dad.
"Dad, these are my friends." Pinakilala ko silang lahat.
"Good morning po.", bati nilang lahat.
"Good morning, you can take a look as much as you want. Get some masks. Medyo maalikabok pa sa ibang floors."
"Thank you po."
"You're welcome, maiwan ko na kayo. Ram, take care of my princess.", sabi ni Dad kay Ram. Hindi niya pa rin ako kinakausap simula noong slight argument namin. Ngumigniti sila doon sa sinabi ni Dad. Nakakahiya. Pero parati itong sinasabi ni Dad kay Ram.
Nathan's POV
"Ram. take care of my princess.", sabi ng Papa ni Zoey.
Sir, ako din po, aalagaan ko din po si Zoey. Hayy. Close talaga si Ram sa family ni Zoey eh. "Yun ang di ko kayang matapatan.
Inuunti-unti kong lapitan si Zoey dahil alam kong eto ang gusto niya. Kailangan kong i-build up ang trust niya sa akin. Kailangan kong dahan-dahanin, kapag naging aggressive ako kaagad baka isipin niyang selfish lang ako.
Seryoso ako kay Zoey, kung kailangan kong magdahan-dahan, gagawin ko.
BINABASA MO ANG
"I Love You Nerd Part 1"
Teen FictionHindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mismo ang mag-aangat sa akin para makita ng iba.