Rick's POV
Sinuntok ni Nathan 'yung bagong student. Teka parang nagiging seryoso na ata 'tong mokong na to ah. Bumalik uli ako sa pagkatulog nang pumasok sa classroom si Reg at Dani.
"Kausapin mo 'yang kaibigan mo ah."sabi ni Dani kay Reg. "Nakaka bastos na siya." Mukhang nagdedevelop na din 'tong dalawnag 'to ah. Parati silang magkasabay umuwi din. Kunwari tulog pa din ako.
"Sorry Dani. Okay lang ba si Zoey?" tanong ni Nathan kay Dani.
"Bakit ka ba ganyan? Bakit laging gusto mong manakit ha?" pagalit na tanong ni Dani. "We don't understand your behavior." huminga ng malalim si Dani. "At ikaw, 'wag mo akong ihahatid, galit ako sainyo." sabi ni Dani kay Reg.
"Dani wait lang-" sumunod si Reg kay Dani palabas ng classroom.
"Tol, seryoso ka na ata dyan sa pag suntok mo kay Ram ah at affected ka."
"Ah hindi ah, kasama lang 'yon sa palabas ko."
"'Wag ka nang magkaila. Iba ang ngiti mo pag kasama mo siya these days noh. " sabi ko.
"Kasama lang talaga yun sa palabas ko. Kung ngumingiti man ako, masaya ako kasi successful 'yung plano ko. Nasira lang dahil sa Ram na 'yan. " sagot ni Nathan.
"Alam mo. ok lang naman na mainlove ka kay Zoey, agree ako kay Reg. Mabait siya, she's not like those any other girls. Hindi nga lang kagandahan pero aanhin mo 'yan kapag tumanda ka na diba? Malay mo late bloomer lang siya?"
"Tange, alam mo naman pare na si Natasha parin eh."
"Tol, isang taon na, iniwan ka na niya at masaya na siya. "
"Hihintayin ko pa rin siya, pangako ko 'yon sakanya." May lungkot sa mata ni Nathan sa tuwing pinaguusapan namin si Natasha. Si Natasha Falcon, first love ni Nathan. Iniwan siya kaya naging playboy daw. Pero alam kong hindi justifiable actions niya, hindi lang namin alam kung paano gisingin sa katotohanan to.
Pero, sa tingin ko hanggng ngayon umaasa padin si Nathan na tututpadin ni Nat yung pangako niya na babalik siya. Hindi naman talaga minahal ni Nat si Nathan at inamin niya na yun sakin eh kasi kababata ko si Natasha. Ginamit niya lang si Nathan para makapasok sa agency dahil sa connections ng pamilya ni Nathan. Mataas pangarap ni Natasha, 'yun ang pagkakakilala ko sakanya.
Hindi ko pwedeng sabihin 'to kay Nathan baka mabaliw. Hintayin nalang nating maka move on siya.
Lumabas si Nathan para hanapin si Zoey at mag sorry.
"Okay ka na ba?" tanong ni Zoey kay Ram. Mukhang nakasalisihan sila. "Oh asan na 'yung basagulero mong kaibigan?"
"Patawarin mo na 'yon, alam mo namang childish 'yon."
"Sa dami ng ginawa niya sa akin, hindi 'to basta basta." sabi niya sa akin. Mukhang galit talaga siya.
"Okay lang ako, hindi ito ang unang suntok na natanggap ko Zoey. Wag kang mang-alala."
"Sige nga, kung malaman ni Tito 'yan anong gagawin mo. Para kang 5 year old sa mga mata ng magulang mo. Naalala mo nung kinder tayo, tinusok kita ng lapis sa kamay halos masira friendship ng mga magulang natin?!
"O.A. si mama lang naman ang hysterical."
"Exactly." Tumawa si Zoey at sinuntok ng mahina si Ram. Ganito nga talaga sila ka close.
"Sige, mauna na ako Zoey. Akyat lang ako sa office ni Dad. See you tomorrow, regards kila Tita."
"Sure, ingat ka." Nag ayos na din ako ng mga gamit ko para maghanda pauwi. "Rick, may tanong lang ako."
"Ano 'yon?" sagot ko.
"What's the deal with your friend? Why is he acting this way? Normal ba siya?" ngumiti ako. "Bakit? May nakaka-amuse ba?"
"Alam mo, ang bata kapag nakikitang may naglalaro ng mga laruan niya, naiinis siya, nagt-tantrums siya. Gusto niya sakanya lang. Nage-gets mo ba?" tanong ko.
"Do I look like a toy?"
"That's not my point. Sa ilang taon kong kakilala si Nathan, isa lang ang alam kong hindi magbabago sakanya. Gusto niya sakanya lang kapag may gusto siya. He's possessive you know." natigilan si Zoey. "Hinahanap ka niya para mag-apologize, oh, ayan na pala siya bye."
"Zoey, I'm sorry. That was very foolish of me. Please forgive me."
"Ako ba sinuntok mo?" tanong ni Zoey.
"Mags-sorry ako sakanya bukas, please tell me you forgive me." ilang segundong hindi nagsalita si Zoey.
"I like to understand you and your reasons behind your actions, but it irritates me that you do anything you want to do and it always affect me negatively. I will forgive you but please try to stay away. I'm tired of you making me feel angry."
Ops, tama na ang pag eavesdrop. Sibat na.
BINABASA MO ANG
"I Love You Nerd Part 1"
Teen FictionHindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mismo ang mag-aangat sa akin para makita ng iba.