Zoey's POV
Hindi man lang ako tinanong ni Nathan o kahit anong pagpaparamdam na gusto niya akong yayain sa Prom. For sure, sila na ni Natasha ang magkasama. Nagulo ako sa pag-iisip ko nang tumawag si Dad.
"Anak?", sabi niya.
"Yes Dad?"
"Diba sa Friday na yung Prom niyo?"
"Yes po, why Dad?"
"May sasabihin ako sayo after that Prom."
"Bakit hindi na ngayon Dad?"
"Para hindi mo na muna isipin.", sabi niya. Eh parang mas iisipin ko pa ngayon kasi curious ako. "Pagkatapos ko nalang ng Prom sasabihin sayo kung ano yon. Don't worry about it so much ok?"
"Okay Dad."
"I deposited an amount in your bank account, bumili ka ng gown mo."
"'Wag na Dad, I have money pa." Nagpumilit pa rin si Dad na gastusin ko 'yon at wala naman na akong magagawa kasi nandoon na.
Ni-nominate ako nila Dani as Prom Queen laban kay Natasha at tatlo pang nominees. Nakapaskil na sa magkabilaang walls ng campus 'yung picture ni Nat as Prom queen pero kinareer ko na rin at nagpa-announce naman ako sa school radio.
"Nice one Zoey, you are THE GEN MERCADO for a reason.", sabi ni Dani.
"Gusto ko ring matalo si Nat eh.", sabi ko
"Sige, ituloy mo lang 'yan. Alam mo ba? Nilalandi niya 'yung varsity players natin para makuha 'yung vote nila pero dahil kasama si Rick sa varsity naunahan ko nang ipasabi na ikaw ang ivote.", sabi ni Carol.
"Thanks!", sabi ko at niyakap si Carol. "Ano palang isusuot niyo sa Prom?", tanong ko. Pinakita nila ang picture ng mga gown nila. Shucks, may damit na silang lahat. Tinanong nila ako.
"Ikaw?"
"Ewan, 'di pa ako nakakabili eh.", sabi ko. Nagulat sila.
"Sige, Diba wala naman tayong pasok bukas? So tara?"
"Sige ba!"sabi ko. Palibahasa, naka ready na yung sakanila matagal na. Eh ako?
Maaga kaming pumunta sa mall para mamili ng damit at sapatos.
"Red?", tanong ni Dani.
"No.", sabi ko.
"Black?"
"No."
"Blue?"
"No!"
"Eh ano? "
"White!", sabi ko.
"White?", tanong ni Dani at Carol. Pinakita ko 'yung kinuha kong dress.
"Prom 'to girl hindi kasala, parang ikakasal ka lang ah.", pang-aasar ni Dani.
"Ano ba, ito nga ang gusto ko eh. Tsaka white, ano bang mali? Eto nga ang suot ng iba sa mga grammy at oscars awards eh."
"Eh kasi, prom 'yun ang boring kaya niyan. Dapat seductive. Red! ito ang bagay sayo!"
"Ayoko! Gusto ko white!"
"Bahala ka na nga!" At nanalo ako kaya etong white gown ang binili namin. Hindi naman siya mukhang pang-kasal.
"Ano palang gagawin Prom Queen?", tanong ko.
"Wala, sasayaw lang sila ni Prom King tapos may bragging rights."
"Ay, walang trip to Hong Kong mga ganon?", tumawa sila.
"Gaga, hindi ito beaty pageant, wag mo masyadong kareerin." HA?! Akala ko may major prize.
"Kasama ako sa mag o-organize ng prom sa Friday kaya kami rin ang mago-organize ng mga activity, program proper tsaka 'yung para sa Prom queen and King.", sabi ni Dani.
"Talaga? Balitaan mo kami ah!"
"Hindi pwede! Top secret to no, surprise!" Tapos kinindiatan ako ni Dani. Loka. Nagtatawanan kami nang nakita namin si Nathan at Natasha na magkasama.
"Hoy Natasha, sinong date mo?"
"Tinatanong pa ba 'yan?", tinuro niya si Nathan. "Pogi no?"
"As expected.", sabi ni Dani.
"Ikaw Zoey, sinong ka-date mo? For sure maraming nag-aya sa'yo."
"Wal-", pinigilan ko si Carol.
"Si Ram, si Ram ang ka-date ko."
"Oh, I see, well bagay kayong dalawa. Kita nalang tayo sa Prom Zoey, advance sorry na sa'yo kasi I'm certain that I'm going to win as Prom Queen."
"The only reason why you're certain that you're gonna win is because you cheated.", sabi ni Carol.
"Tignan nalang natin.", tumingin kami kay Dani.
"Chill guys, hanggang bukas pa ang laban sa votes. Bukas pa natin malalaman, there's no way she knows unless gumawa siya ng survey ng lahat ng bumoto." Umalis na sila ni Nathan.
"Akala ko ba ayaw mo na ka-date?", sabi ni Carol paglampas nila Nat.
"Na-pressure lang ako."
"Eh di kailangan mong pangatawanan 'yan ha Zoey. Hindi pwedeng nag-announce ka na may ka date ka tapos pagdating doon mag-isa ka."
"Oo na." Tatawagan ko na sana si Ram para alukin pero lumapit siya sa amin. "Oh, Ram tatawagan na sana kita."
"Bakit?"
"You wanna be my date?" Nabuga niya 'yung iniinom niyang tubig.
"For real?"
"Yeah, nagbago isip ko."
"Dahil sa inggit.", pinala ko si Dani sa legs at sumigaw siya sa sakit.
"Huy, bakit?", tanong ni Ram.
"Wala, makulit lang 'to si Dani ngayong araw."
"Anong suot mo pala para ako na babagay sa'yo." Umubo sila ng malakas. "I mean, isusuot ko para bagay tayo." Tumawa sila.
"Ang cheesy kahit pano mo sabihin Ram eh.", pangaasar ni Carol.
"Naka-white ako."
"Noted, magb-black ako."
"Wow, para na talaga kayong ikakasal niyan." Tumawa si Ram at namula. "Hoy Ram ikalma mo bakit ka namumula."
"Tangek, balik na tayo sa classroom ang iingay niyo.", bumalik kami sa classroom at naabutan namin na nagkakagulo sila.
"Anong nangyayari?", tanong namin sa classmate namin.
"Maagang nilabas nung apat na universities 'yung mga results ng entrance examinations." Sumigaw kaming tatlo at kanya-kanyang dampot ng cellphone para tignan sa listahan. Matapos ang ilang minuto.
"NAKAPASA TAYO!", pasigaw naming sabi. Nakapasa kaming tatlo sa apat na university. Ang tanong nalang, saan kami papasok.
"Saan kayo mag-aaral, doon ako.", sabi ni Carol.
"Tange, piliin mo kung saan mo talaga gusto."
"Wala, kahit ano naman basta Psychology." , sabi ni Carol. "Ikaw Dani?"
"Pag-iisipan ko pa kasi depende sa tuition fee eh. Lahat na kami nasa college at may upcoming operation si Dad so ayoko namang dagdag pa 'yung tuition fee sa iisipin nila."
"Eh mas mayaman kayo kaysa sa amin ah.", sabi ni Carol.
"Kahit na ano ka ba.", sabi ni Dani. "Ikaw Zoey?"
"I'll ask my Dad first.", sabi ko. Hindi kasi ako makapag-decide kasi baka may iba silang plan. Although nasabi ko naman na sakanila magbbusiness administration ako.
Masaya din kaming nag-celebrate sa classroom dahil lahat ay nakapasa sa kahit atleast isa sa apat na big schools at 'yung iba naman sa mga art schools na pinasukan nila. Hayy, kahit na maraming bully sa classroom na 'to, mami-miss ko pa rin sila.
College! Here we come!
BINABASA MO ANG
"I Love You Nerd Part 1"
Teen FictionHindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mismo ang mag-aangat sa akin para makita ng iba.