Zoey's POV
Graduation Day. Moment of Truth. Nagkita kita kami sa classroom bago magsimula ang graduation. Nauna kami nila Dani at Carol doon. Umiiyak kaming nagyakapan.
"Hindi ba pwedeng next week ka na umalis?", tanong ni Carol habang umiiyak.
"Hindi eh.", sabi ko rin habang sumisinghot.
"Grabe naman sila.", iyak ni Dani.
"'Yung mga make-up niyo.", sabi ni Ram. Dumating na siya kasama si Reg, Rick at Nathan. "Mami-miss ka namin Zoey."
Hindi lumalapit si Nathan sa akin. "Huy.", sabi ko. Tinulak nila si Nathan papunta sa akin pero hindi siya humaharap.
"Huy, baka hindi na tayo magkita mamaya after ceremony sa daming magpapa-picture sa'yo." Humarap siya at yumakap sa akin. "Hindi pa ako mamamatay. Susubukan kong umuwi dito kapag kaya."
Nag- group hug kami at nag group picture. Sana hindi pa ito ang huli. Kung okay si Natasha, sana kasama namin siya ngayon.
"Tara na!" Pumunta na kami sa auditorium para sa graduation ceremony. Nakakapangilabot ang paligid, heto na, papalapit na kami sa real world. Mami-miss ko talaga 'tong mga 'to. Naiiyak nanaman ako nang kinanta namin ang graduation song.
Hindi man laging masaya ang naging experience ko, masasabi kong eto na ang pinakamasayang taon sa buong buhay ko. It's full of healing and growth, not just for me but for the people I care about.
"Zoey Genesis Mercado." tinawag ang pangalan ko at umakyat na ako sa stage. Inabot ang diploma at ngumiti. Nagpalakpakan silang lahat.
Natapos ang graduation ceremony at usual picture taking nanaman sa mga kaklase. Isa isa ko silang hinanap at nagindividual photo.
"Zoey, get ready, we have to go.", sabi ni Dad. Paalis na sana ako nang hinila ako ni Nathan.
"Zoey, mabilis lang 'to."
"Ano 'yon bakit?"
"Promise me you'll come back?", sabi ni Nathan. Natawa ako, pero seryoso siya. "Promise me."
"Okay, I promise you."
"When you get back I promise I will be someone you deserve.", sabi niya at ngumiti.
"Nathan, a lot of things might happen, I don't want you to tie yourself to me."
"But I want to. Ikaw?" Tumango ako. "I will wait."
"Okay, I will come back." Niyakap niya uli ako at umalis na.
I'm hesitant because of what Mom said, I don't want to make promises but it would be nice if someday if everything is okay and if we're already at the right age, we can get to know each other more. Someday, when we already fully understand what love is, I hope we will meet again.
Someday.
BINABASA MO ANG
"I Love You Nerd Part 1"
Teen FictionHindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mismo ang mag-aangat sa akin para makita ng iba.