Chapter 14 : Suffer

36.2K 484 21
                                    

Zoey's POV

Mabilis na natapos ang dalawang araw at pauwi na kami mula sa field trip. Nakakapagod. Paulit-ulit na bumabalik sa akin 'yung mga nangyari sa strawberry field. Hindi na namin pinag-usapan ulit ni Nathan 'yon, medyo hindi siya nangulit sa akin mula noong time na 'yon. 

Bumalik kami sa klase at bali-balitang may new student nanaman. Ano ba 'tong section namin tanggapan ng transferees? 

"Class! May bago kayong kaklase, Ms. Falcon?", pumasok siya sa classroom with that awful smirk of hers. Awful because I hate her guts the moment I saw her. It's obvious that she's a brat, I know it because I'm one. 

"Oh, my, god." bulong ni Dani at hinampas ako. "Girl, si Natasha!" Girl I know. Tinignan ko si Nathan pero wala siyang paki-alam. Hindi siya nakatingin.

"Hello, Im Natasha, ex of Nathan Reyes." sabi niya at hiyawan ang buong klase. "Soon to change.", dagdag ni Natasha tapos humagikgik. What the hell? Hindi parin nakatingin si Nathan pero alam kong bwisit na siya. Tinignan niya sa Natasha habang umiiling. I guess he already knows or he already expects this to happen.

Nakita ni Nathan na tinitignan ko siya at ngumiti na lang ako. Thankfully, ngumiti din siya pabalik. Napaka-luwag naman ng school na 'to, tumatanggap ng transferee sa kalagitnaan ng school year. I have to talk to to Tito about this. 

Nathan's POV

I knew this day would come and I've been preparing for this. Nilalapitan niya ako, nakakainis. Bakit niya pa kailangang bumalik?

"Hey, you're not talking.", sabi niya at ipinatong niya 'yung kamay niya sa kamay ko. Inalis ko agad 'yon. "Kung hindi mo ako papansinin, gagawa ako ng eksena dito.", sabi niya.

"Eh di gumawa ka." bulong ko. Hindi ko na siya pinansin nang biglang nagsalita siya.

"Ano ba Nathan, nakakakiliti.", sabay hampas sa akin. 

"Ano yan Ms. Falcon?!", pagsita ng teacher namin.

"Sir sorry, si Nathan po kinikiliti ako.", nag pout siya at ngumiti. Pinatigil siya ng teacher at bumalik sa klase. Hindi lumilingon si Zoey. Nilabas ko 'yung phone niya at tinext siya na gawa gawa lang ni Natasha 'yon at nagreply naman niya na alam niya. 

Hindi ko makausap si Zoey dahil laging nakaharang si Natasha. Napakatindi ng babaeng 'to. Oo nga pala, siya 'yung tipo na hindi titigil hanggat hindi niya nakukuha gusto niya. 

Sumunod na araw, pagpasok ko hinila ako ni Reg at Rick dahil hinahanap daw kami sa admin. Bakit kaya? Nakasalubong namin si Carol, Dani at Ram, pinapahanap din daw sila. "Si Zoey?", tanong ko. 

"Pinapunta daw siya sa open court may kukuning documents sa HKP office.", sabi ni Dani.

Pumasok kami sa admin office at nagtaka ang mga admin staff kung bakit daw kami nandoon, wala naman daw nagpatawag sa amin. Bigla akong kinabahan at naalala si Zoey, nakatanggap ako ng text na nasa court si Zoey at binubully. Tumakbo ako at agad at sumunod sila sa akin.

Naabutan namin si Zoey na nasa gitna ng court at binabato ng kung ano-ano. To the rescue kaming lahat para puntahan si Zoey saka lang tumigil 'yung mga nambabato sa kanila. Sinugod ko 'yung isang lalaking namamato sakanya at hinawakan sa kwelyo.  

"Sinong nag-utos nito?!" tanong ko.

"Ha?! Ikaw ang nagutos nito sabi ni Natasha!", sabi nung isang babae. "Bitawan mo boyfriend ko.", sabi naman nung isang babae.

"Wala akong inuutos!", sigaw ko. Pumasok si Natasha sa court at tumakbo ako papunta sakanya. 

"Kung may nangyaring masama kay Zoey, malalagot ka sakin Nat." 

"Relax, that's just flour, eggs and tomatoes." sabi niya ng mahinhin. "I'm just marking my territory." 

"What happened to you?" tanong ko. "Hindi ka naman ganyan?" nagbago timpla ng mukha niya at lumuha siya. 

"Hindi daw ako enough. Hindi daw ako maganda. Hindi daw ako magaling.", umiiyak na sabi ni Natasha. Naalala ko 'yung mga pag-iyak niya sa akin noong nire-reject siya ng mga companies na inaaplyan niya. 

"Anong sinasabi mo?", tanong ko. 

"I came back because I realized that those things are not worth it.", tinignan niya ako. "Hindi mo na ba talaga ako mahal?", tanong niya. Hindi ako makapagsalita. I still care for her, but not like before.

"Nathan!", sigaw ni Dani. Lumingon ako at nakita si Zoey na buhat ni Ram. Umiiyak siya at nakayakap kay Ram. 

"Zoey! ", naiiyak na ako. Bakit wala ako sa tabi niya? Ipinunta namin siya sa clinic para malinisan. 

"Dalhin na natin siya sa ospital!", sabi ko. 

"Wala siyang sugat. In shock lang siya, dalhin lang natin siya sa clinic para malinisan.", sabi ni Ram ng mahinahon pero nakikita kong nanginig siya. 

"Ako na ang bubuhat sakanya.", tumingin sa akin si Ram. 

"Ayusin mo muna 'yang buhay mo para walang nadadamay na inosente.", sabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Ipinasok niya na sa clinic at hinayaan sila Dani at Carol na ayusan siya.

May dalang PE uniform si Dani at 'yon muna ang ibinigay kay Zoey. Nakatulala lang si Zoey habang sinusuklayan ni Carol. Hindi ako makapasok sa clinic sa sobrang hiya ko sakanya. Dahil sa mga unsettled feuds ko, nadamay pa siya. 

"I'm going to report this to the Director.", sabi ni Ram. 

"Go ahead. Do me a favor."

"Hindi mo ba ako pipigilan? It's Natasha we're talking about."

"No, she deserve that.", sabi ko. Lumabas na sila Zoey sa clinic at mukhang walang nangyari. Pero hindi pa rin siya nagsasalita. 

"Zoey, I'm sorry.", ngumiti lang siya at naglakad. 

"Ram, I want to go home.", sabi ni Zoey. Para akong sinuntok sa puso nung sinabi niya 'yon. Hindi ba ako dapat ang tinatawag niya? Galit ba siya sa akin? Hindi na ako umangal at tinitigan nalang si Zoey at Ram na umalis. 

"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon