Nathan's POV
"Ano? Masaya ka na?", tanong ko kay Natasha.
"Oo, hindi magtatagal maaalala mo din 'yung feelings mo sa akin." Hindi ko alam kung paano umabot sa ganito na palagi na kaming magkasama ni Natasha. Lagi niya akong bina-blackmail para makuha niya ang gusto niya.
Hindi pa rin sumasagot si Zoey sa text, tawag, PM o kahit sa emails ko sakanya. Hindi rin makapagsalita sila Dani at Carol kung saan si Zoey ngayon. Wala siya sa bahay nila, nasaan kaya siya?
Lumipas ang mga araw at hindi ko namalayang pasko na. As usual, hindi ko nanaman kasama si mama at ako lang ulit. Inaaya ako nila Reg at Rick na maki noche buena sa kanila pero wala ako sa mood.
"Merry Christmas!", bati ni Natasha. May dala siyang cake at plastic na mukhang may ulam pagkapasok niya sa bahay.
"Bakit nandito ka?"
"Sa tingin mo ba hindi ko alam na wala ka nanamang kasama?"
"Umalis ka na, gusto kong mapag-isa.", sabi ko.
"Nathan, it's Christmas. Set aside whatever hatred you have for me and let's just celebrate it together okay?" Hindi ako nagsalita at dumeretso na siya ng kusina para mag-ayos. "I brought stir fried vegetables, Lechong Manok and Crispy Pata. Nagpa-deliver din ako ng pizza."
"Magpapa-party ka ba?"
"Do you think I don't know you? Nakabakasyon 'yung katulong niyo kaya you're left alone for 3 good days. Knowing you, magpapadeliver ka lang din o hindi ka na kakain. Ni kanin nga hindi mo kayang mag saing.", sabi niya. "Remember 3 years ago when you tried to make saing and nasunog lang?", tumawa siya. Yeah, I remember that. "You're so cute."
Natasha is not totally a bad person. She's caring and understanding but her ambitions and greed overshadowed these good qualities.
"Nagugustuhan mo na ba ako uli?", tanong ni Natasha.
"Please don't get your hopes up. I just want to eat." Hinanda na ni Natasha ang mga pagkain at nagkwentuhan lang kami. Pansamantala, nakalimutan ko kung anong nagawa niya, nakalimutan ko si Zoey, nakalimutan kong mabigat ang pakiramdam ko. Pinilit niyang mag-picture kami at alam kong ipopost niya nanaman ito sa social media accounts niya.
"Nathan, I love you.", sabi ni Nat.
"Nat, it's over. What do I have to do to make you understand that you and I cannot be together anymore?"
"Nathan kung nain-love ka nga dun sa pangit na 'yon, I mean si Zoey, hindi imposible na magustuhan mo ako uli."
"Alam mo kung anong kinakatakot ko? I understand what Zoey feels because the betrayal was the same when you left me. And now all I feel is disappointment and anger."
"Do you really hate me that much?"
"You know me more than my own mother. You know everything about me Natasha from my favorite T-shirt to the little things that make me upset. But for fame, you left me and didn't even say a word."
"I'm sorry."
"Yeah, I know. It's just that I need time Nat." Hindi siya nakapagsalita. "I think you should go." Nine pa lang ng gabi. Hindi na siya sumagot, kinuha niya na lang 'yung mga gamit niya at umalis na.
Kamusta na kaya si Zoey?
Naghanap ako ng bakas sa social media kung may balita na ba sakanya pero hindi siya nagp-post sa facebook. Parang kakagawa niya nga lang ito this year. Madaming articles ang naglalabasan tungkol sa Mercado Family, isa sa mga mayayamang pamilya sa Pilipinas. Pinanuod ko ang video nila at nakita ko uli si Gen.
Wow, ang laki ng pinagbago niya. Hindi ko na tinapos ang video, gusto ko lang makita kung ano nang itsura ni Gen. Medyo negative na siya sa utak ko dahil isa siya sa rason kung bakit umalis si Nat.
Walang bakas ni Zoey ang social media. Nilakasan ko ang loob ko at tinawagan si Ram.
"Kailangan kong makausap si Zoey. Nandyan ba siya?", tanong ko Nathan.
"Hindi ko kasama si Zoey." sabi niya.
"Please, kailangan ko siyang makausap."
"Hintayin mo nalang siya ang kumausap sa'yo. Ang masasabi ko lang, marami siyang ginagawa ngayon at hindi ka niya iniisip. Huwag mo muna siyang guluhin hanggang hindi pa siya handang kausapin ka. Please Nathan, just leave her alone for now." Ibinaba ni Ram ang telepono. Sinubukan ko ulit siyang tawagan pero hindi siya sumasagot.
Itutulog ko nalang sana nang may tumawag uli sa akin.
"Anak, I'm sorry hindi kita masasamahan sa Baguio para dun sa sponsorship sa fashion show. You have to go alone on my behalf. But I already asked Natasha to still accompany you since she will be on the show as well."
Hindi na ako nakasagot dahil binaba niya ulit eto. Hindi talaga nauubusan ang mundo ng paraan na pagsamahin kaming dalawa ni Natasha. Oh well, at least sa Baguio wala namang nakakakilala sa amin. Makikita ko na rin si Gen sa personal.
Nakatitig ako sa kisame, hindi makatulog. Kung ang iba kasama ang pamilya ngayon, ako parang normal na gabi lang. Magbabagong taon na, sana magkaroon ng pagbabago sa susunod na taon.
BINABASA MO ANG
"I Love You Nerd Part 1"
Teen FictionHindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mismo ang mag-aangat sa akin para makita ng iba.