Chapter 10 : Bahala na

41K 694 62
                                    

Ram's POV

"Zoey! " sigaw ko nang makita siya sa may labas ng classroom. "Parang may hinahanap ka ah?" tanong ko.

"Ah, wala." sabi niya.

"Hinahanap niya si Nathan! " sigaw ni Dani.

"Bakit ka ba sumisigaw? Tsaka hindi ko siya hinahanap ." sabi ni Zoey.

"Nathan? 'Yon ba yung sumuntok sa akin kahapon? " tanong ko. Tumango si Zoey. "Don't tell me, kayo nang dalawa? "sabi ko ng pabiro. Pero sa totoo lang sana hindi ko tinanong 'yon at nakita na parang nailang si Zoey.

Sa totoo lang, I like Zoey since we were kids. Ayokong sabihin sakanya kasi alam kong masisisira lang ang friendship namin at baka layuan niya lang ako. P-proprotekatahan ko nalang siya at mamahalin kahit sa malayo.

"Nako, pasimple ka pa eh palagi nga kayong magkasama eh."sabi ni Dani.

"Anong laging magkasama? Nabibilang ko sa daliri ko kung ilang beses ko lang siya nakasama."

"Hoy bespren, anong hindi ko alam? " tanong ko.

"Oy wala."sabi niya pero kilala ko 'to. Hindi 'to makatingin sa akin pag may tinatago. "Kahapon lang, hinatid ko siya sa bahay nila kasi may sakit siya."

"At?!" tanong ni Dani.

"Pinakain tsaka pinainom ng gamot, 'yun lang, nandoon yung driver namin the whole time!" Hindi ako makapagsalita.

"Alam mo ba Ram, nagkakagustuhan na sila noon pa. Binubully ni Nathan si Zoey noon pero ngayon, aba! parang konti nalang sila na!" pangaasar ni Dani. Tinignan ko si Zoey at medyo nangingiti.

"Oo na, sige na, may konti. Pero ayokong i-push 'yon. Hindi muna."sabi ni Zoey. Okay, mukhang crush lang naman. I have to get over this.

"You better watch out! Baka may balak yan." sabi ko nalang pero naiinis na ako. Balita ko playboy 'yon, baka niloloko niya lang si Zoey?

"Wala naman siguro, tara na nga. Malelate pa tayo eh." pag-aaya ni Zoey. Pumasok na kami sa classroom at wala si Nathan. Nakita ko ang disappointed look ni Zoey nang hindi niya makita si Nathan.

"Wala siya."sabi ko. Napatingin sakin si Zoey. "Hinahanap mo siya diba?" seryoso kong sabi sakanya.

"Hindi ah." sabi niya at tumawa "Bakit malungkot ka? Anong problema mo?" tanong niya sa akin. "Nagseselos ka ba?" Pabiro niyang tanong sabay tawa. Naubo ako ng tinanong niya sa akin.

"Hindi naman, pero alam ko kasi kung gaano ka kabilis mainlove kahit na feeling mo malakas kang tao." sabi ko.

"Hoyy, naging crush din naman kita nung minsang nag bakasyon kami sainyo. Feeling ko na inlove pa nga yata ako sa'yo eh pero may GF ka non, si Angel." sabi niya na may ngiti. "Pero sabi mo nga, di mo talaga siya gusto kasi may mahal kang iba. Sino pala 'yon, oo nga noh! Hanggang ngayon hindi ko pa alam."

"'Wag mo na alamin, wala na akong feelings don."

"Ang bilis ha."

"Mas mabilis kang mainlove. Just be careful. Don't fall in love easily. " sabi ko. "Pero, paano kung wala akong girlfriend noon Zoey, will you confess?"

"Of course not! I'm not going to ruin our friendship just because of some petty feelings. Ours is greater than any romantic relationship in this world." sabi niya sabay akbay sa akin. "Pero siyempre magt-tantrums pa din ako kapag may girlfriend kang hindi pasok sa standards ko. Like yung Patricia na 'yon? 'Wag mo nang babalikan 'yun ha, baho ng hininga." Binatukan ko siya.

Nagsimula na ang klase nang may pumasok sa classroom.

"Mr. Reyes, why are you late?" tanong ni Ms. Sanchez.

"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon