Chapter 20: Busy

36.4K 476 24
                                    

Zoey's POV

Sinamahan kong hinatid si Ram sa bus station papuntang Manila. 

"Ingat ka don Ram, enjoy your vacation! See you sa New year!", sabi ko. Invited ang family nila Ram sa engagement party nila Kuya. 

"Bye Zoey, enjoy too!", sabi niya. Umalis na ako nang nakasakay siya sa bus. Nagpahatid ako sa SM Baguio para magliwaliw. Kumpara sa SM sa Manila, maliit lang talaga 'to. Eto na ang pinakamalaking mall dito sa Baguio ah. 

Pumunta ako sa department store mara maghanap ng mga regalo para sa pasko. Ang hirap kasi bilhan ang mga taong nasa kanila na ang lahat. Naghanap ako pero lahat naman ng nandoon, hindi nila kailangan. Wala pa akong pera para ipang tapat doon sa mga gamit nila. 

Nag ikot ikot pa ako pero wala talaga akong makita. Bumalik ako sa hotel na malungkot. Ang hirap naman neto. Pagkapasok ko sa hotel, may kakaiba akong vibe na naramdaman. Parang natataranta ang mga tao. 

"Reunion ba 'to? Ngayon lang 'to nangyari ah?", rinig kong usapan ng ilang mga empleyado. 

"Excuse me, what's happening?", tanong ko sa mga bellman. "Parang nagmamadali ang lahat, may important guest ba kayong dadating?" Napalunok 'yung bellman at hindi makapagsalita. 

"Huy pre?", tanong nung driver namin. 

"Sila madam po.", sabi niya. Madam? May hindi ba ako kilala? Madam?

"Sila mama?!", tanong ko.

"O-opo ma'am."

"Talaga ba?! Papunta na sila?!", tanong ko na may halong excitement. Tumango sila na may halong pag-aalala. "Nako, 'wag kayong masyadong matakot, mababait 'yung mga 'yon!", sabi ko. Ngumit sila ng pilit sa akin at pinuntahan ko si kuya sa office. Kakatakot na sana ako nang nakita kong parang nagm-meeting sila. Sinubukan kong makinig.

"We have to have an urgent action. Nilabas nila ang gold card nila through letting the most famous OPM band to endorse their hotel. 'Yung mga everyday activities prepared natin before Christmas for hotel guests and other tourists are not even noticed. Kung titingnan po natin sa social media, their postings gained twice reactions and comments than ours.", sabi nong isang boses. Parang may problema ata sila. Umalis muna ako at naghintay sa sofa malapit sa office ni kuya. Lumabas na ang mga ka-meeting niya at kumatok naman ako papasok. 

Nakapikit si kuya at minamasahe ang temples niya. "Oks ka lang kuya?"

"Oo, may konting problema lang."

"Oo, mukha nga eh, paglabas nila, nakakunot lahat ng noo. I wish I could help you." Biglang nagliwanag ang mukha ni kuya at ngumiti sa akin. 

"I know how you can help me.", sabi niya. Nagpatawag ulit ng meeting si kuya kasama ng Marketing Department at mga operations officer. 

"Good afternoon everyone, I know that all are working their hearts out to boost our marketing programs for this season. I can feel your dedication and love towards your job. Our competitors played it well but that doesn't mean we will not be doing anything.", panimula ni kuya. Nararamdaman ko ang worry sa mga mukha nila. Dahil doon sa endorser nung isang competitor namin, nahatak nila lahat ng mga inquiries for the Christmas Season activities. 

I just don't have any idea on how can I be useful. 

"You all know my sister, Gen Mercado. I want to suggest a proposal to you. Sa sobrang sanay kong nakikita 'tong kapatid ko, I almost forgot how popular this woman is. I know that compared to that band, Gen has a smaller fanbase but this will add up to the noise we are going to make. " Tinignan ko ang mga tao sa meeting at confused pa rin mga itsura nila. 

"Mosts hotel here in Baguio cater families especially during this season and since we have a reputation of having the best ambiance and service fit for families, I think we have to focus on this. All of you know that because the nature of our business, this will be the first time in 12 years that we will spend our Christmas together as a family. It all happened unexpectedly but I know my parents will agree to use this historic event for our family as an opportunity to raise our revenue, and in turn to raise the amount of your Service Charge Incentives." 

Wow. Brilliant. Is this my mini debut here in the Philippines? Ang plano, kakausapin ni kuya 'yong isang kakilala niyang nagt-trabaho sa Z network para i-boost 'yong articles tungkol sa akin at sa mga achievements ko sa Korea. I was featured in a magazine regarding my own efforts to make my own name in the industry. But since I'm almost half a year break, kailangan nilang iboost 'yon. That is the first step. 

Pangalawa, articles tungkol sa pamilya namin. Hindi bagong news o knowledge na ang pamilya namin ay hindi sabay sabay nag papasko. For the past 4 years kasama ko sila Mom or si Dad or Kuya but never the four of us together. Kailangan lang iboost ito ulit para mag viral. At pangatlo, short video about our family na may kasamang photoshoot. It's amazing how the internet and social media can benefit you as long as you use it the right way. 

Natapos ang meeting at naging busy sila ulit. Hindi ko na nakausap si kuya pero tinext niya ako na abangan ko sila Mom and Dad. Umupo ako sa lobby area at napansin kong nagmamadali nanaman sila at naka-ready na ang ilang staff at  managers sa may pintuan. Nagtago ako ng konti para masilip at makita ko kung anong nangyayari. 

May tumigil na sasakyan sa entrance at lumabas si Dad at sumunod si Mom. I never seen them with so much elegance, wow, eto 'yung nakikita ko sa mga movies. Totoo pala 'to? Parang nahiya ako bigla na anak nila ako. Rumampa si mom papasok with her high heels at sunglasses kahit wala namang araw. "Why are you not wearing the company tie?", tanong ni Mom dun sa Captain Waiter.

"I'm sorry ma'am, but it got stained a while ago so I had to improvise.", sabi nung Captain Waiter na umamo sa harap ni Mom. Wow, ganito ba talaga sila katakot sa owners? Ininspect isa isa ni mom ang itsura ng mga officers. 

"I know everyone is busy but that doesn't mean you don't take care of your physical appearance. Remember, you are frontliners, there are no excuse.", sabi ni Mom. Oh, this is her when she's working, kung mataray siya at hot tempered, lalo na pala sa work. 

"That's enough, kararating lang natin nagagalit ka nanaman. We are here to spend time with our children, not to work hon.", sabi ni Dad. Wow, that's even cooler. 

"You're right. Where's Carlo? Where's Zoey, I mean Gen?", tanong ni mom.

"Mommy!", sigaw ko. 

"Anak!", tuminis bigla ang boses ni mom nung makita niya ako. Nakita ko ang pagkagulat ng mga staff noong sumigaw na si mom. Nagulat siguro sila. "I miss you so much! How are you?"

"I'm great mom! Dad, I miss you!" Niyakap ko din si Dad. 

"Where's your brother?"

"He's in his office facing a major crisis."

"Yup, he called me about the problem. Nagmeeting daw kayo?" Ipinaliwanag ko kay Dad and Mom 'yung plano ni kuya at pina-plano na ito in detail. 

"Wow, you really sound so professional there. At last! Nagka-interest ka na rin sa business. I am so worried to leave it all to your Kuya. We need you to help him.", sabi ni Mom. Pumunta muna kami sa office ni Kuya para magbatian at magyakapan sila. 

May konting kwentuhan hanggat sa napag-usapan na namin ang paglilipat ko dito sa Baguio para mas malapit kay Kuya.

"Mom, Dad I know how concerned you are for me but I decided to stay in Manila. I only have a three to four months to go till I graduate High School. Let me finish it there, please?" Sumang-ayon nalang sila nang i-assure ko na okay lang ako at hindi na ako magtatago. 

"I told you, your name is powerful it could protect you.", sabi ni Dad. Hindi na ako nagsalita at itinuloy nalang namin ang kwentuhan. Mabilis lang ang planning at may schedule na agad kami. Naipost na din agad ang articles tungkol sa akin at tungkol sa pamilya ko. 

In a matter of 2 hours, trending at viral na kami sa mga social media sites. "We have to wait at least five days to announce your endorsement and to release the short video of our family.", sabi ni kuya. Bukas, may photoshoot kami at interview. It's going to be another tiring day!  

"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon