"Hoy Monkey!" sigaw ko. " You have 5 minutes, spit it out." ngumiti siya sa akin with his puppy eyes. Why is he acting like this?!
"Zoey, you came." sabi niya. Zoey? Tinawag niya ako sa first name ko?
"Oh bakit? Anong problema mo?" tanong ko.
"Bakit ba ang siga mo, gangster ka ba? Pwede ba tayong magusap?"
"Duh, ano sa tingin mo ang ginagawa natin ngayon?"
"Gusto mo bang mag usap dito?"
"Tange ka ba? Gusto mo dito sa tabi ng Girls CR? Manyak ka talaga." sabi ko sakanya.
"Oh, sorry na. Maglakad lakad nalang tayo." Naiirita ako sa tono ng boses niya na parang maalaga, nakakadiri. Naglakad lakad na kami hanggang makarating kami sa school oval.
"Sorry talaga noon ah, may narealize kasi ako."
"Na ano?"
"Na hindi lang pala si Natasha ang pwede kong magustuhan." sabi niya. Sino yon? "Siya 'yung first love ko. Kaso iniwan niya ako for her modeling career in Korea and for some certain reasons na rin."
"Baka iniwan ka niya kasi pangit ugali mo." tumawa ako pero parang hindi siya natutuwa sa joke ko. "Uhm, tulad ng?"
"Gusto niya kasing gayahin si Gen Mercado,' yung anak ng owner ng school na 'to kasi nung una palang crush ko na si Gen." napaubo ako sa sarili kong laway nang sinabi ni 'yon. Firstly, talaga palang sikat ako hehe. And Second, how?
"Crush ko na si Gen "
"Crush ko na si Gen "
"Crush ko na si Gen "
"Crush ko na si Gen "
"Crush ko na si Gen "
"Ah, si Gen 'yung teen model diba?" tanong ko kunwari inosente.
"Oo, crush ko nga si Gen, pero mahal ko si Natasha. Mahal na mahal, pero iniwan niya ako, kaya siguro naging playboy ako." Gusto kong sapakin 'to. Excuse me, your constant need to break people's heart is not justifiable just because you get hurt. That's plain evil. Tsaka ang bata bata pa nito mahal na. Kung nalaman niya lang siguro love story ni mom and dad feeling ko mapapahiya 'to. Gusto kong sabihin sakanya 'to pero mukha siyang naiiyak na.
"Uhm, sorry ah ang OA ko ata, pero naka get over na ako kay Nat, dahil sayo." Dahil sa akin? All we did was fight.
"Sa akin?! Bakit sa akin?!"
"Ewan ko kasi ganun din kami nagsimula ni Nat. Asaran then hindi ko na kayang mahiwalay sakanya."
"So sa tingin mo ganun din 'yung nararamdaman mo sakin?" tanong ko sakanya.
"Oo." sagot ni Nathan.
"Magkaiba kami ni Natasha, maganda siya pangit ako." sabi ko sakanya. Parang nag-iba timpla ng mukha niya, parang bigla siya nawalan ng sasabihin. "Oh ano? Wala kang masabi? Hindi ba kasama sa script mo 'yan?
"Ano bang kailangan kong gawin para maniwala ka?"
"They say, action speaks louder than words."
"Okay. If you say so. " I smiled and he smiled. "I never noticed your smile, you look like someone I know.
"Let's go out this weekend and let me show you who Nathan really is."
"And why will I do that?" tanong ko.
"Because, this is our chance to tie those misunderstandings I realized that I really want to make it up to my mom because of the the stress I caused. So I want her to see that I'm really sorry for my mistakes. And the first step is making it up to you. Please? One day?"
May point siya. Wala naman kaming gagawing masama or anything. I can take care of myself.
"Okay. I will text you the address. Pick me up at 10 am." sabi ko at iniwan siya sa may oval. Let's see kung anong kwento nito.
Nathan's POV
Pumayag siya! Napakagaling ko talagang umarte. Gusto niya pang magpasundo ha. Sige, kung 'yan ang gusto mo. Sinundo ko na siya sa binigay niya sa aking address. Nag doorbell ako at lumabas yung katulong nila.
"Sir? Sino po ang hinahanap niyo?" tanong ng katulong.
"Ah, si Zoey po, andyan po ba siya?"
" Kayo po ba si sir Nathan? Opo, pumasok po muna kayo."
"Sige salamat po." Pinapasok ako at nakita ko ang swimming pool nila, pero wala pang tubig. Sa sala naman, hindi pa masyado naikabit ang mga dekorasyon at wala pa masyadong gamit. Oo nga pala, bago lang pala siya dito baka kakalipat lang nila.
"Hi Nathan." bati ni Zoey. "Aga mo ah."Usual na itsura, hindi man lang siya nag-ayos ng kaunti para sa akin. Dibale, isang araw lang naman 'to. Sexy din naman pala 'to. Pwede na 'pag nakatalikod.
"Hello Zoey, ready ka na?" tanong ko.
"Oo, ready na ako. Saan ba tayo pupunta?"
"Sa mall, ayos lang ba sa'yo?" tumango siya at sumakay na kami ng kotse ko papunta sa Mall. Pinagmamasdan ko siya, ngayon ko lang siya nakita ng malapitan. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita pero mukhang may kahawig siya.
"Alam mo parang may kamukha kang model." sabi ko. Lumaki mata niya at parang nag-panic.
"Ha? Sino? Paano?" tanong niya.
"Korean model siya eh" sabi ko, para siyang gulat na gulat. "Bakit ba gulat ka? Ganon ka ba hindi makapaniwalan na may kahawig kang maganda?" nagbago timpla ng mukha niya at inirapan ako.
"Okay lang, gusto pa rin kita." tumingin uli siya sa akin na may inis. Tumawa ako at pinisil pisngi niya agad niyang pinalo kamay ko.
"Don't touch me." sabi niya. Feisty. "Sino nga 'yung kamukha ko?"
"'Yung nasa TV, nakalimutan ko na 'yung pangalan, 'yung nasa My princess, pero slight lang." yung noo lang actually ang hawig gusto ko lang asarin siya. "Namumula ka ba? Kinilig ka ba dun?" umiling siya at naglakad ng mabilis.
"Anong gagawin natin dito?" tanong niya.
"Ikaw ano bang gusto mong gawin? This place is the most comfortable place here in Manila dahil may aircon, you can shop, you can play games, watch movies or whatever you want to do." Ngumiti siya ng evil smile. "What? What are you planning?".
"Let's go." Hinawakan niya ang wrist ko at hinila niya ako habang tumatakbo.
BINABASA MO ANG
"I Love You Nerd Part 1"
Teen FictionHindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mismo ang mag-aangat sa akin para makita ng iba.