Chapter 23: Composure

35.2K 478 29
                                    

Zoey's POV

"Merry Christmas!", bati namin sa isa't isa. Maraming tao ngayon sa hotel at may pa fireworks pa at liveband. Sobrang saya ng pasko dito! Sabayan pa ng malamig na hangin.  Sana ganito every year.

Lumipas pa ang mga araw at nalalapit na ang engagement party nila kuya. 

"I'm finally going to be married soon Gen but I'm so nervous!", sabi ni ate Rhia. 

"Chill ate, one step at a time. Just get your beauty sleep, tomorrow is the big day! And then a few months from now, totoong ikakasal ka na talaga!" Niyakap ko siya at bigla siyang naiyak. "Why are you crying ate? Do you regret your decision to say yes?", tanong ko at tumawa siya.

"Baliw hindi, I'm just so happy that I will soon be a part of your family."

"Ate, the first day we met you we all welcomed you in our family." Niyakap ko uli siya. "Oh, matulog ka na!" Umalis na ako ng kwarto nila at bumalik sa kwarto ko. 

Nagising ako kinabukasan sa tawag ni Mom, dali-dali akong naligo at nag breakfast. Pagkatapos non ay inayusan na ako. Sa banquet hall din ng hotel ang venue ng fashion show/engagement party. Mauuna ang fashion show tsaka ang engagement party. 

Nagmamadali na ang lahat at nakikita kong nagpa-panic si Ate Rhia. 

"Wow Zoey, you're so beautiful.", sabi ni ate Rhia. 

"Relax ate, it's going to be perfect."

"Kinakabahan ako, nanonood sila Tita."

"It's okay, ikaw pa ba mahihiya sa kanila ate?" niyakap niya ako. Dumeretso na ako pila namin at naghintay ng cue para sa turn ko. Lumabas ako suot ang magenta colored na outfit. Nagpalakpakan ang mga tao. 

Napakasaya ko nang rumarampa ako. Parang bumalik lahat ng confidence ko sa katawan ko na nawala noong bumalik ako sa Pilipinas. Parang sumasabog 'yung dibdib ko. Lahat sila nakangiti sa akin. 

Natapos ang fashion show at nag speech si ate Rhia. 

"Thank you all for coming. This is day is a very important day for me since this is the first time that I will be officially releasing my first collection and also, the announcement of my engagement with Carlo Mercado."

May dalawang klaseng celebrity sa Pilipinas. Una, mga artista, singers at entertainers. Pangalawa, ang mga taong may kakaibang buhay na tinitingala ng lahat. Nasa second category kami at mapapabilang na rin si ate Rhia doon.   

Strictly na dapat may invitation ang lahat ng guests sa show and party na 'to. Iginala ko ang tingin ko sa audience at nakita ko nga si Natasha at Nathan na magkasama. 

"Nandito sila.", sabi ko. Narinig ako ni Ram at tiningnan ang banda kung saan ako nakatingin. 

"Okay ka lang?" Tumango ako. Nagbubulungan sila sa tenga at nagngingitian. "Huwag mo na tingnan. Natapos ang program at socialization time na, nagiikot ikot na ang mga tao. Kasama ko si Ram nang biglang may tumapik sa balikat ko. 

"Ms. Gen?" Lumingon ako at si Natasha ang tumawag sa akin. "I hope you still remember me. We were in a commercial together." 

"Oh no, I'm sorry I don't. Sino ka uli?", tanong ko kunwari. 

"I'm Natasha, you can call me Nat. How are you? I heard you came back to the Philippines mid year?"

"Yes, I did. I rested for a bit.", sabi ko. Ayoko nang kausapin 'tong bruhang 'to. Hinawakan ko si Ram sa wrist at sumenyas na alisin ako sa harap nila. 

"Magkakilala kayo?", tanong ni Nathan na kanina pa nakatitig sa akin. Hindi ako nagsalita at iniiwas ko ang tingin ko sakanya. 

"Oo, as you all know, our school is partly owned by the Mercados. Kababata ko si Gen.", sabi ni Ram.

"Ang dami mo namang kababata. Magkakilala din ba sila ni Zoey?"

"Ram, let's go.", bulong ko kay Ram.

"Wait.", pinigilan ni Nathan si Ram "Nasaan si Zoey?", tanong ni Nathan.

"Nathan, this is not the right place.", sabi ni Ram. Inalis ni Nat ang pagkakahawak ni Nathan kay Ram. 

"I'm sorry Ms. Gen, my boyfriend is not feeling well."

"Boyfriend?", tanong ko.

"Yes, this is Nathan.", inabot ni Nathan ang kamay niya at nagkamayan kami. Nakatingin lang siya sa akin na parang inaaral 'yung mukha ko. 

"You look like her.", sabi niya ng mahina pero narinig ko. Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko pero inalis ko din agad 'yon.

"You look great together.",sabi ko at ngumiti. "I'm sorry, but I have to talk to someone. Please enjoy the party."

Naghanap ako ng makakausap para lang makaiwas ako sa kanila at nagtagumpay naman ako. "Gen, next step is to face them with confidence.", sabi ni Ram sa akin habang kumukuha ng drinks. 

"Ha?", tanong ko. 

"I saw how nervous you are awhile ago when you met them. Consider this as a practice when you get back to school." 

"Yes Principal." Pinisil niya ang pisngi ko. Nagpaalam akong pumunta sa CR para mag retouch. Nagulat ako nang nakita ko si Natasha doon. 

"Gen!" I'm so glad I ran into you. Ngumiti lang ako at nilabas ang lipstick ko. "Wow, pati make-up mo high brand. Idol talaga kita Gen." Ngumiti lang ako. "Can I be your friend?" Tumingin ako sakanya at ngumiti. 

"I choose my friends carefully.", sabi ko. "See you around." Umalis na ako sa CR at hindi ko siya hinayaang makapagsalita. Lumabas ako pero hinabol niya ako. 

"Gen, do we have any problems?", tanong niya. Humarap ako sakanya. 

"No, I don't think so. I'm just not the type of person who make friends easily. I'm sure you know about my temper Ms. Nat." Naglakad ako na feeling ko ang laki ng accomplishment ko. Ikalma mo Zoey, kaya mo 'to. 





"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon