Chapter 16: Truth

35.9K 487 31
                                    

Zoey's POV

I was absent for 3 days and I have to go back tomorrow for the Christmas Party. Ang balita nila Dani, medyo humuhupa naman na ang usapan sa school tungkol doon sa nangyari sa akin. Pinag-iisipan ko kung anong magiging desisyon ko sa offer ni kuya. Aalis nanaman ba ako? Tatakas nanaman ba ako?

Alas sais na ng gabi, kinuha ko ang phone ko at tinignan ang messages. May 5 missed calls si Rick, tatawagan ko na sana siya nang bigla itong tumawag uli. Pinag-isipan ko pa kung sasagutin ko dahil hindi naman kami sobrang close, baka may emergency?

"Hello Rick?", tanong ko.

"Hello po?", sagot ng isang hindi pamilyar na boses. "Hindi po ito si Rick ma'am, nandito po siya sa Milton's bar, nakainom. Pwede po ba kayong pumunta dito? Lasing na lasing na kasi siya eh. Kayo po ang tinawagan ko dahil kayo ang huling tinawagan niya.", tinignan ko uli ang orasan. Ang aga niya namang malasing.

"Ah, oo sige, salamat papunta na po ako.", sabi ko. Bakit hindi kaya mga tropa niya tinawagan niya?

Tinawagan ko agad si Reg, hindi pa kami nag-uusap ni Nathan simula nung incident. Tinawag ko si manong driver at nagpunta doon sa Bar. Siyempre pang mayamang bar 'to. Papasok na sana ako nang hinarang ako ng guard at hinihingan ako ng ID.

"Ma'am, bawal po ang minor dito.", sabi niya.

"Sir, hindi po ako nagsisinungaling, susunduin lang po namin yung kaklase kong nalasing.", sabi ko.

"Narinig ko na 'yan!", sagot niya habang pinapapasok ang iba.

"Sir, kung talagang strikto kayo sa pagpapapasok, bakit nakapasok 'yung kaibigan ko eh 17 pa lang siya?", tanong ko. Mga 15 minutes kaming nagdedebatehan doon hanggat sa lumabas 'yung bartender na tumawag sa akin at pinapasok kami.

"Naka-ilang bote po ba siya?", ngumiti 'yung bartender.

"Dalawang beer lang po ma'am. Kayo po ba si Carol? Yung girlfriend niya? Kanina pa po kasi siya nagmumura tungkol sa'yo. Hindi ko po alam kung anong pinag-awayan niyo ma'am pero mahal na mahal po kayo ng boyfriend niyo.", tumawa ako awkwardly.

"Nako, hindi po ako 'yung girlfriend niyan. Hindi ko nga po alam kung bakit niya ako tinatawagan.", humingi ng pasensya 'yung bartender. "Okay lang po, salamat po ulit sa concern. Pero, remind ko lang po sana na idouble check niyo 'yung mga pumapasok dito. Actually minor pa lang po 'yang kaibigan ko pero mukha na siyang 25 years old.", sabi ko at humingi siya uli ng pasensya. Lumapit ako kay Rick at marahan siyang tinapik sa balikat.

"Zoey, naasan na 'yung tarantado mong bestfriend?", nagulat ako sa sinabi niya. Anong nagawa ni Carol?

"Si Carol?", tanong ko. Tumango siya. "Bakit? Ano bang nangyari?"

"May nakita akong kasama niyang lalake sa mall, ang sweet nila! Kaya pala hindi ako masagot ni Carol! May iba na siya, minsan na nga lang ako magseseryoso eh, ginanito pa ako! Pareparehas kayong mga babae!", sabi niya na medyo naiiyak. Huminga ako ng malalim. Alam kong may reasonable explanation si Carol sa nakita ni Rick. She can't do that.

Pinakinggan ko lang 'yung mga sinasabi niya kay Carol hanggang dumating si Reg.

"Ito ba ang ganti niyo sa amin? Sa panloloko namin?!", sigaw ni Rick at nagtitinginan na ang mga tao. Anong pinagsasabi nito?

"Tama na Rick, tumahimik ka.", sabi ni Reg habang pinipilit niyang paglakarin si Rick.

"Ikaw Zoey, 'wag mong gagawin 'to kay Nathan kahit na pusta lang 'yon."

"Pusta? Anong pusta?", tanong ko.

"Wala lang 'yon Zoey! Huwag mong pansinin si Rick, lasing yan kaya kung anu-ano ang nasasabi. Ako na mag-uuwi sakanya.", sabi ni Reg at kinaladkad niya na si Rick palabas. Anong pusta?

Nakauwi na ako sa bahay at tinitigan ang mesa na may lamang mga regalo para sa mga kaibigan ko. Kay Dani, Carol, Ram, Nathan, Rick at Reg. Binigyan ko si Nathan ng watch, siguro panahon na para mag-usap kami ng maayos.

Pumasok ako sa school at hinanap si Nathan pero hindi ko siya makita. Nilapitan ako ng isa naming kaklase. "Zoey! Punta ka daw doon sa 1-F, sabi ni Nathan", sabi niya. May trauma na ata ako sa mga ganito.

"Kung may plano kayo sa akin 'wag niyo nang ituloy."

"Tanga, si Nathan nga nagpapasabi. Bahala ka. Tandaan mo 'tong mukhang 'to, kung may nangyari sayo, hanapin mo ako at ipa-expel.", sabi niya na pagalit. Humingi ako ng pasensya at pumunta doon sa classroom na sinabi niya. Nakita ko ang likod ni Nathan, totoo nga.

Naglakad pa ako papalapit sakanya at nakita kong may kasama siya, si Natasha. Tatawagin ko na sana siya nang biglang hinalikan ni Natasha si Nathan sa cheeks at niyakap. Hindi inalis ni Nathan ang pagkakayakap ni Natasha. Nag-hintay ako dahil baka isa nanaman 'to sa mga set-up para sirain kami pero hindi, hindi siya pumalag.

"Nathan?", tawag ko. Nagulat si Nathan at saka lang inalis ang pagkakayakap ni Natasha. Nag flashback sa akin 'yung mga sinabi ni Rick kagabi. Ngumiti si Natasha at hinawakan ang braso ni Nathan. Agad naman niya itong inalis.

"Zoey, listen, you got it wrong.", sinbukang ipaliwanag ni Nathan pero hindi niya magawa. Umalis ako tumakbo pero hinabol niya ako.

"Zoey!", tawag ni Nathan. Nahabol niya ako at pinigilang mag-lakad. "Sorry."

"Sorry?! Puro ka sorry. What are you sorry for?"

"I'm sorry for this whole Natasha thing. I never meant this to happen. Hindi ko alam na babalik siya.", sabi niya na nakatingin sa sahig. Anong ibig niyang sabihin? Dahil bumalik si Natasha, babalikan niya siya ulit?

"Ha? Ano? Dahil bumalik siya babalik ka din sakanya?", tanong ko. Hindi siya makapagsalita. Siguro totoo nga.

"Totoo nga siguro Nathan no?", tumingin siya sa akin na nakakunot ang noo. "Na pustahan lang 'yung atin? Lumaki mata niya at huminga ng malalim. "Basing from your face, its true."

"Sinong nagsabi sa'yo?"

"Importante ba kung sino?" Hindi siya makapagsalita at makatingin sa akin. "So it's true? I can't believe this.

"Zoey, oo totoo. Nag-umpisa 'to sa pusta dahil naiinis ako sa'yo noon sa kung paano mo ako i-trato. Pero dahil doon nagustuhan kita."

"Nagustuhan mo ako? Anong nagustuhan mo sa akin? Ni mukha ko nga hindi mo gusto eh. Don't tell me its my personality? I'm a brat and I am short-tempered!" Hindi siya makapagsalita.

"Basta, gusto kita.", sabi niya sa akin habang nakatingin sa mata ko. Para akong sinasaksak ng maraming beses at inuntog 'yung ulo ko. Suddenly, those eyes became the eyes of a liar. How can someone have those sincere eyes and still lie at the same time?

"No, all of these are mere accomplishments to you. But I'm sorry Mr. Nathan King Reyes, you failed.", umalis na ako bumalik sa classroom. Iniwan ko na lahat ng regalo ko at nagpaalam kila Dani at Carol.

Turns out, kapatid niya 'yung kasama niya na nakita ni Rick. Kinwento ko din sa kanila ang nangyari at galit na galit silang dalawa doon sa tatlo.

"Kami na ang bahala Zoey, take this time to rest. We'll just send you your gifts.", sabi nila at umalis na. It's finally Christmas break. I badly need a break from all of these. Badly. 

"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon