Zoey's POV
"Guys! Lumapit kayo sa stage, I will award the COUPLE OF THE NIGHT, THE BEST DRESSED FOR MEN AND WOMEN AND OF COURSE THE PROM KING AND QUEEN!", sigaw ng MC.
Ayan na, heto na ang inaabangan ng lahat.
"Magsama po ang mga magkakapartner at yung mga walang kapartner, doon po muna sa gilid." Pumunta kami sa malapit sa stage, naka angkla ang kamay ko sa braso ni Ram.
"The Couple of the night goes to- Ken and Aria!" Sila ang pinaka-nakakakilig na couple sa buong school. They deserve it, perfect match naman 'tong dalawa eh.
"The Best dressed for men is Mr. Kit Antonio!" Si Kit siya 'yung pinaka maporma sa aming seniors kaya hindi na nakakapagtaka..
"And our best dressed for women is Ms. Natasha!" As expected, effort din naman talaga siya. Pero masyadong ma-effort para lang sa isang ceritficate at sash.
"And now, I will first call the top 2 candidates for our Prom Queen and top 2 candidates for our Prom King." Lumunok ako at hinawakan ng mahigpit si Ram. "For Prom King, please step on stage Mr. Ram and Mr. Nathan and our top 2 candidates for Prom Queen are Ms. Natasha and Ms. Gen!" Palakpakan sila at tulala akong umakyat sa stage. Inirapan ako ni Nat, magpasalamat siya sa akin kung hindi ko siya inayusan mukha siyang bruha ngayon.
"Now, our spotlight will tell us the result. Sir, please dim the lights." So meaning, sabay nilang irereveal kung sinong PROM KING and QUEEN. Nakahanda na 'yung spotlight na pailaw ilaw na sa aming apat. Tapos sigawan naman 'yung mga other seniors.
"And our Prom Queen and King are..." Biglang umilaw 'yung kinatatayuan ko at nagtiliin ang audience. ang liwanag, wala akong makita.
"No! Hindi to pwede! You cheated!" sigaw ni Natasha. Ako na ba 'yung prom queen?! Naramdaman ko nalang na may tumulak sa likod ko at malalaglag na sana ako nang may humawak sa magkabilang braso ko.
"Ok ka lang?", tanong ni Nathan.
"Muntik na 'yun ah.", sabi ni Ram. Nakita ko ang isang spotlight nakatutok sa pwesto ni Nathan. Umalis si Natasha sa stage at nagpaalam na rin sa akin si Ram.
"Ok guys! The drama is over! Now let's start the program for our Prom King and Queen." Huh? Program? May ganun? Akala ko uupo lang kami dito? Nginingitian ako ni Dani, pakana niya ba 'to. Inirapan ko siya.
"For our first consequence-" Consequence?" Magdu-duet kayo sa isang song, kailangang titigan ah." Tumili uli ang audience, hindi ako makatingin kay Nathan.
Pwede bang tumalon nalang ako sa stage at kunwari walang nangyari? Nag-play bigla ang music. Sometimes Love Just ain't Enough. Kinanta namin ni Nathan eto nung nagkaraoke kami minsan. Naka evil smile si Dani at Carol. Wow, very bully friends.
Ngumiti si Nathan. Ako una.
"I don't want to lose you
but I don't want to use you
just to have somebody by my side. I don't want to hate you,
I don't want to take you
but I don't want to be the one to cry."Para kay Ram 'tong mga salitang 'to. Imbis na nakatingin ako kay Nathan, 'yung part ng song na 'to talaga eh para kay Ram.
"But there's a danger in loving somebody too much,
and it's sad when you know it's your heart you can't trust.
There's a reason why people don't stay where they are.
Baby, sometimes, love just aint enough."Kinanta na naming dalawa ang mga lines na 'to na magkatitig.
Natapos ang kanta na dalawa kaming naluluha. After so many unsaid words, here we are again, facing each other with more unspoken words. Natapos ang kanta at dumeretso sa slow dance na kami ang magl-lead, this is the final dance for tonight. Napuno ang dance floor ng mga partners na magkasayaw.
Niyakap niya ako, feeling ko ang tagal.
"Zoey, I know you're tired of hearing this but I want to say sorry."
"It's okay, I forgive you." Nagulat siya.
"Really?!"
"Yes, I don't know what you and Natasha are keeping but I trust you."
"Does that mean that we-"
"No, Nathan. It's not that simple, you and I started on the wrong foot. You knew me when I was this scared little girl but now everything's different. I like you but you have to know me for who I am and not for what I pretended to be. Let's take things easy. For now, I forgive you and I trust you."
"Okay, that's good enough.", sabi niya. Itinuloy namin ang pagsasayaw hanggat sa matapos ang kanta at natapos ang prom.
"Yie, ano? Kayo na uli?", tanong ni Dani. Nakapalibot sa amin ang tropa.
"Hindi, gaga.", sabi ko. "We're okay now."
"Meaning?"
"Meaning, we can hang out together regularly without awkwardness or hesitation.", sabi ko.
"Yes!", pagdidiwang nung apat na mag-jowa. Sila kasi ang naipit sa away namin ni Nathan. Hindi sila magkikita kapag isa sa amin ang sinusumpong. Ngayon, pwede na silang magkasama na kasama kaming dalawa ni Nathan.
"Buti naman.", sabi ni Ram. Natahimik ang lahat. "Hey, don't be like that, I'm happy for you.", sabi ni Ram.
Hinatid ako ni Ram sa bahay pagkatapos ng prom. "Are you planning to be together soon?" Huminga ako ng malalim.
"I don't know, I think I want to take it slow. I want to focus on more important things right now Ram. And college is coming up, marami pa akong kailangang isipin.", sabi ko.
"Just be careful.", sabi ni Ram. Nakarating na ako sa bahay.
"Text me when you get home.", sabi ko.
"I will." Pumasok na ako sa bahay, nagbihis at naghilamos. Humiga ako sa kama. Thank you Lord things are getting better. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko 'yung nangyari kay Natasha, ano kayang nangyari?
BINABASA MO ANG
"I Love You Nerd Part 1"
Teen FictionHindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mismo ang mag-aangat sa akin para makita ng iba.