Zoey's POV
"Zoey. " malungkot na sabi ni Nathan. "Sorry talaga." Napakakulit.
"Okay na nga, ok na din sabi ni Ram. Uuwi na ako." Aalis na sana ako nang hinawakan niya 'yung kamay ko at niyakap ako. Parang may nakabara sa lungs ko, hindi ako makahinga ng maayos at ang bilis ng tibok ng puso ko.
"Zoey, dito ka lang. Huwag mo akong iiwan." Sumandal siya sa akin at naramdaman ko na parang mainit siya. Pinakiramdaman ko yung noo niya at mataas nga ang lagnat niya.
"Ang sakit kasi ng ulo ko, ang sama ng pakiramdam ko."
"Ano ba kasing nangyari? Tara sa clinic." Dinala ko siya at inalalayang maglakad.
"Pagod na pagod kasi ako sa pagbabasketball eh natyuan ako ng pawis."
"Ayan kasi. pero gago ka din talaga eh. May lakas ka pang suntukin si Ram."
"Mahal kasi kita eh." nagulat ako. How can he be so cheezy to the point na lahat ng cells ko sa katawan nag cringe. Mahal? Ganon ba kababaw ang pagmamahal?
Nathan's POV
"mahal kasi kita eh." Nag cringe buong pagkatao ko. Ano ba 'tong pinagsasasabi ko, may sakit talaga ako.
Ang bango niya, matangos pala ilong niya. Nahuli niya akong nakatitig sakanya. "Ano? Anong tinitingin tingin mo diyan? Pagkatapos nito, magpa check up ka na rin sa doctor kung ano-anong lumalabas sa bibig mo."
Posible kayang iba na tingin ko sakanya? Ha, hindi pwede. Epekto lang to ng sakit kong to. Nakasara pa naman yung clinic malapit na kasing mag 6 oclock.
"Tara, idadala kita sa ospital." sabi niya, umiling ako. "Sige, iuuwi nalang kita."
"Wag nalang, nakakahiya naman sayo." sabi ko.
"Sige na. Wala ka daw driver ngayon. " sabi ni Zoey. Hindi na ako nakapalag dahil nanghihina na ako.
"Paano mo nalaman?"
"Narinig ko lang, at naka out of town mama mo?"
"Oo, dapat magt-taxi lang ako." sinabi ko sakanya yung address ko. Hinatid niya ako sa kwarto ko. Awkward 'to. Sinubukan kong tawagin si manag pero naalala ko, umuwi na pala si manang ngayon. Eh di walang mag-aasikaso sakin?
"Wala si manang kaya walang tao dito sa bahay eh." sabi ko. "Pero for sure nagluto siya, kumain ka muna bago ka umalis."
"Ha? Paano na yan? Sinong mag-aalaga sayo?" tanong ni Zoey.
"Pwede bang ikaw nalang?" Binato niya ako ng unan.
"Neknek mo." sabi niya at lumabas ng kwarto. Matutulog na sana ako nang narinig kong bumukas ang pinto. Si Zoey na may bitbit na palanggana. "Alam mo, pinalaki ako ng magulang ko na pag may humihingi ng tulong, tulungan ko. Pero hindi appropriate 'yung nandito ako sa bahay ng isang lalake at dalawa lang kami. Tinawag ko si kuyang Driver sa labas at pinakain muna, I hope you don't mind." sabi niya habang pinunasan niya yung noo ko.
"Zoey, dito ka lang ha?" sabi ko.
"Nandito lang ako. " sabi niya. Pinakain ko lang siya ng konting soup at pinainom ng gamot. Nang nakatulong na siya, umalis na kami ni Kuya Driver.
"Ma'am, sa susunod po 'wag kayong papasok sa bahay ng iba na wala kang kasama lalo na kung lalake ha. Kung ako po ang tatay ninyo, hindi ko magugustuhan. Pinabantayan po kayo ng parents niyo sa akin. Salamat po na pinapasok niyo ako sa bahay para makita kayo." sabi ni Kuyang Driver.
"Naiintindihan ko po kuya, salamat po sa paalala. Malapit na palang mag 9 pm. Umuwi ako at natulog. Bakit ko ba to ginagawa para sakanya. Nakakahiya.
"Zoey, wake up! Im here!"Nagising ako sa boses ng isang lalake, kinuha ko agad ang salamin ko.
"Kuya!" tumakbo ako at niyakap siya.
"How's my little sister? And what are those huge glasses for? " tanong ni kuya Carlo.
"Oh, its for my scheme, but its real, see?"sabi ko habang pinapakita ko kung gano kakapal.
"What scheme?" Sinabi ko 'yung pagpapanggap ko at yung gusto kong mangyari at kung paano nag backfire.
"Really? I think that's insane and stupid."
"Whatever, so what's up? Got any boys to introduce to me? I want American or Filipino boys only.
"You know what, the mere fact that you call your future boyfriend a "boy" means you're to young to have a relationship. Take it easy. Hindi porket pinayagan ka, lulubos lubosin mo na. Remember, its better to preserve your heart from heartbreaks. Choose wisely. "
"Okay kuya, why are you here pala?"tanong ko.
"I will have to manage one of our hotels here in the Philippines sa may Quezon City at Baguio City, since maganda naman na 'yung takbo doon sa US. I already hired a perfect Operations Manager to handle the operations there. Ikaw? When will you be part of our business? You will graduate soon."
"Let's see kuya. " sabi ko pero sa totoo lang, wala naman akong interest sa business eh. Siguro nasa paglalaro pa utak ko. But I know that I would have to face that someday. Just, once step at a time.
Kung sakaling mapamana ito sakin, eh di lugi ayoko namang mangyari yun at masayang lahat ng mga pinaghirapan ng lolo, lola at mga tito at tita ko.
"Ok, I have to go. Bye little princess." sabi ni kuya Carlo sabay ginulo ang buhok ko.
"I'm not your little princess anymore. "sabi ko at dinilatan siya.
"Whatever."
I think all brothers bullied their sisters once in their life and well, we're no exception. Kapag tumatanda ka nalang talaga at nag mature, mababago 'yun.
BINABASA MO ANG
"I Love You Nerd Part 1"
Teen FictionHindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mismo ang mag-aangat sa akin para makita ng iba.