CHAPTER 3: TRUE IDENTITY

51.2K 720 25
                                    

Nathan's POV  

"Ma, hanap ka sa school." sabi ko kay mama habang ikinakabit niya 'yung earing niya. 

"Bakit ano nanaman ang ginawa mo? Sino nanaman ang pinaiyak mo?" tanong niya.

"Ewan ko, ikaw ang hinahanap eh, baka may kasalanan ka." tumawa ako at binato niya ako ng unan. 

"C'mon, I can't do this yearly. Why do you have to make it so hard for me?" sabi niya na may disappointed look. Hindi niya ba talaga alam? 

"'Yung transferee, na misunderstood 'yung pagiging friendly ko." hindi na nagsalita si mama at huminga nalang ng malalim. 

"This is the last time Nathan. The next time you do this, I can't protect you anymore." sabay kaming pumasok sa school kinabukasan at dumeretso sa conference room para kausapin si Ms. Lea at si Nerd. 

Kinwento ni Ms. Lea 'yung nangyari kahapon na sobrang dehado ako sa storya. Eh bakit totoo namang masakit siya sa mata. Akala ko mga chicks lang tinatanggap sa school na 'to. Totally worth it. Alam naman nilang sasabihin ko kung ano 'yung nasa utak ko eh. Hindi na sila nasanay. 

"I'm sorry for how my son acted. I blame myself for not raising him right Ms. Zoey." Ha? Anong sinasabi niya? Ngumiti lang si Zoey at tumango. Wow, nasaan 'yung Zoey na todo glare sa akin kahapon?

"Ma-"

"Nathan, please apologize." 

"I'm just stating a fact."

"Nathan. Apologize." Eto 'yung first time na nakita ko si mama na ganoon ang tingin sa akin. May halong galit at lungkot. 

"I'm sorry for making fun of you." Hindi pa rin siya nagsalita at tumango lang. Natapos ang usapan namin at bumalik na si Ms Lea at Nerd sa classroom. 

"Nathan, I'm really disappointed. I hope that you really learned your lesson today." Hindi na ako pinakinggan ni mama sa explanation ko at umalis na siya. Heck. Let's skip class. Palabas na ako nang school nang nakita ko si Nerd kasama ng mga kaibigan niya. 

"Hoy! Ugly Duckling! " tawag ko sakanya. 

"Bakit Unggoy? Wala pang isang oras 'yung apology mo ha." sabi niya. Unggoy? Hindi niya ba kilala kung sino yung sinasabihan niyang unggoy?!

"Unggoy? How dare you call me a monkey ?! Dont you know me?!" tinginan niya lang ako na may disgusted face. Nakakabwiset. 

"I'm sorry,  I'm just a transferee student in this school, but of course I know you! You're the SCHOOL MONKEY! Ha! Am i right?" sagot niya sa akin. Aba lumalaban. Pinipigilan na siya ng mga kaibigan niya pero ayaw magpaawat. "You know what, I know this will happen. I know that your apology was just because of your mother. I don't expect a lot from a monkey like you. Get lost." 

 Monkey?! Anong reference niya para sabihan akong monkey? Hindi na ako nakapagsalita at umalis.

"Humanda ka sa 'kin nerdy girl." sabi ko. 

"Humanda your face!" sigaw niya. 

Zoey's POV

I can't believe I'm having those petty exchange of words and fights with him! 

"Huy hala! Bakit mo ginawa 'yun Zoey?! Babalikan ka talaga niya Zoey! " pagaalalang sabi ni Carol. 

"I don't care,  balikan niya ako, sige lang." sabi ko habang nilulukot ko ang papel na hawak ko. 

"Alam mo nakakatakot ka kapag galit, kawawa 'yung mga hinahawakan mo eh. Minurder mo na 'yan papel oh. Tsaka, buti nalang wala dito yung mga fan girls niya. Kung meron, I'm sorry pero hindi ako lalaban para sa'yo, mahal 'tong nails ko." sabi ni Dani. 

"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon