Chapter 29: Staycation

32.4K 406 21
                                    

Zoey's POV

Matapos ang halos kalahating araw na paglilibot sa modeling school, nagutom kami. Nilibre kami ng lunch ng mga lalake.

"Parang gusto kong mag pizza. Kayo?", sabi ko.

"Sige.", sabi nilang lahat maliban kay Nat.

"Yuck, pizza. I prefer pasta."

"Eh 'di mag order ka ng pasta doon. Dont' be such a brat.", sabi ni Carol. Hindi niya talaga maitago pagkairita niya sakanya. Nagtitinginan sila ng masama. "Konti nalang masasapak ko na 'yan.", bulong sa akin ni Carol.

"Chill.", sabi ko at tumawa. Tinabihan nalang ni Nat si Nathan. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Tara sa Shakeys Gen?, aya ni Ram.

"Hindi, sa Pizza hut.", sabi ni Nathan.

"Sa Shakeys nga eh.", sabi ni Ram.

 "Sa Pizza hut nalang.", sabi naman ni Nathan. Ang guLo naman ng dalawang to.

"Sa Yellow cab,", sabi ko. 

"Ok.", sabay-sabay nilang sabi.

"Tara girls.", sabi ko at syempre hindi kasama si Nat sa girls na 'yon. Sige lang Nat, i-feel mo lang ang loneliness. Nag order na kami ng pizza of course. Apat na boxes yung kinuha namin. Si Nat lang ang nag carbonara.

"Ito Gen oh, tikman mo may blue cheese.", sinubuan ako ni Ram. Normal lang 'to sa amin pero hindi sila sanay.

"Wow, sabi mo less PDA pero ano 'to?", sabi ni Dani.

"Baliw.", sabi ko. Nagulat ang lahat nang may inabot din sa akin si Nathan.

"Zoey, ito nalang oh mas masarap to.", sabi ni Nathan. Nagulat ako, eto ang unang beses na kinausap niya ako. Kinain ko 'yung binigay niya at nakita kong ngumiti siya. Sa tingin ko nagiging ok na kami ni Nathan. Pero, mahirap padin ibalik yung dati eh.

Kahit na Nat is clearly out of the picture, I can feel her presence. Lalo na kapag kasama niya si Nathan. Pero ok lang, gusto ko kasing ma feel niya na 'di siya belong. Naka isang box ako nang di ko namamalayan.

"Grabe Zoey, sa dami ba naman ng kinakain mo eh hindi ka parin tumataba?", sabi ni Dani.

"Ako pa.", sabi ko. Tawanan sila. Pagkatapos naming kumain nagyaya si Dani na mag shopping.

"Hey! I have to shop some swimming clothes. Mauna muna kayo, pupunta lang ako dun sa department store", sabi ni Dani. 

"No, sasama ako ikaw Carol sasama ka?", tanong ko.

"Sige, kulang din dala ko eh. Nat?"

"No thanks, I have better swimming clothes than that store!"

"Whatever, bakit pa ba kita tinanong.", sabi ni Carol.

"Sama kami, kami titingin kung kasya o bagay sainyo.", sabi ni Reg. Binatukan siya ni Dani.

"Pervert! Umayos ka nga!" Tawanan nalang kami.

"Sige, doon nalang muna kami sa karaoke. Sunod nalang kayo mamaya ha?", sabi ni Ram.

"Okay", sabi ko at naghiwalay na kami. Pumili na sila ng swim wear at ibang damit. Swimsuit . shorts, etcetera. Ako? Mag sh-shorts nalang ako tapos 'yung long shirt ko na yellow na may heart heart. 

Shorts lang ang binili ko para may mabili lang. Hindi ako sanay ng naka swimsuit eh. Tapos simpleng dress nadin, parang summer lang sa bahay eh. Sila Dani, nakabili narin ng dress at swimwear.

Pagkatapos namin, pumunta na kami sa karaoke rooms at hinanap sila Ram. Pumasok kami sa kung saan sila.

"Uy Gen! Kanta ka na oh!", sabi ni Ram.

"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon