Chapter 24: Back to School

35.9K 535 65
                                    

Zoey's POV

"Are you ready?" Humingi ako ng favor kay Ram na samahan ako sa pagbabalik ko sa school. "Just act normal."

Nasa labas na kami ng gate at lalabas nalang kami para simulan ang araw na 'to. Nanlalamig kamay ko. Hinawakan ni Ram yung kamay ko at ni-rub. 

"You can do this, nandito lang ako." Tumango ako at lumabas na kami. "By the way, Zoey or Gen?", tanong niya.

"It doesn't matter."

"Gen?!", sabi nung isang boses. Nagbubulungan silang nakatingin sa amin. 

"OMG! Si Gen at si Ram, sila na ba?!", sabi nung isang boses.

"Wow! Ang ganda ni Gen!"

"Diba 4th year highschool din si Gen? Baka mag t-transfer siya dito?"

"Sayang pare, may BF na siya ligawan ko sana."

"Tange, di kayo magka-level bro."

Naglakad na kami papuntang classroom na parang normal lang ang lahat. Pumasok kami sa classroom at gulat na gulat silang lahat. Dumeretso ako sa dati kong upuan, wala pa si Dani at Carol. 

"Gen, this is so unbelievable!", sabi ni Nat. "I forgive you for shutting me out. Friends?" ngumiti lang uli ako sakanya. 

"Zoey?!", tawag ni Dani. 

"Dani! Carol!", tumayo ako at tumkabo papunta sakanila para yakapin sila. "OMG Na miss ko kayo!" Nagulat sila. 

"Ha? Anong Zoey?", tanong ni Natasha. 

"Figure it out.", sabi ni Dani." Ang ganda ganda mo!"

"Pare-parehas tayong maganda!" Nagyakapan ulit kami. Nag ring ang bell at pumunta na kami sa labas para mag flag ceremony. 

Pinagititinginan pa rin ako ng mga tao. 

"Siya 'yung panget non?"

"Oo daw, 'yung Zoey siya rin 'yon."

"Wow, biggest plot twist."

Natapos ang flag ceremony at bumalik kami sa classroom. Wala pa si Nathan. 

"Good morning class, how was your vacation?", tanong ni Ms. Sanchez. Sumagot kami in unison. "That's great. I know by now you already know that Ms. Zoey or Ms. Gen Mercado is here with us." Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa classroom. Nakayuko ang mga kaklase ko. " I am not asking you to make it up to her or do unnecessary things for her to forgive you, but at least apologize."

"Why would we apologize if she tricked us all?", tanong ni Natasha. Tumingin siya sa akin ng masama. "She doesn't deserve it. She's full of herself."

"Ms. Natasha, may I remind you that among all of the students in this school you did the worst thing to her." Hindi siya nakapagsalita. Pinabawi ko kay Tito 'yung suspension and instead of suspension, school work nalang ang gagawin ni Natasha. Pumasok si Nathan na nakatingin sa akin.

"Zoey?" 

"Mr. Reyes, sit down. Mamaya na kayo mag reunion." Umupo si Nathan habang nakatingin sa akin. Hindi ako lumingon. Ayoko. Sa buong oras ng klase nararamdaman ko ang mata ni Nathan na nasa akin, napa uncomfortable. 

Tumunog na ang bell para sa lunch. Nagmadali akong nag-ayos pero mas mabilis si Nathan. "Zoey, let's talk." Parang wala siyang pakialam na hindi na si Zoey ang kaharap niya. "Please?"

"Wala tayong pag-uusapan." 

"Nathan, back off.", sabi ni Dani. "Huwag mo munang pilitin si Zoey."

"I waited for weeks just to see you and talk to you. I know you have a reason why you pretended to be someone else." Nagsilabasan na ang mga kaklase ko maliban kila Dani, Carol, Reg, Rick, Ram, Nathan at Natasha. 

"I don't have to explain myself to you or to anyone."

"You tricked us. Did you enjoy my foolishness when I met you Zoey? You're such a fake.", sabi ni Natasha. Tinignan siya ng masama ng lahat. "Oh bakit ako pa ang masama? Ako ba ang nanloko? Galit ka kay Nathan kasi niloko ka niya eh ikaw niloko mo kaming lahat."

Hindi ako nagsalita. What is the point of all of these? So what kung nag-usap kami?

"What do you want Nathan?" 

"Forgive me."

"That would take a while. I don't feel any hatred towards you anymore but there's pain in my heart. I will treat you normally, hanggang dun lang ako."

"Let's get back together."

"Gago.", sabi ni Ram. "Are you not listening? Hindi mo ba iintindihin ang sitwasyon?" 

"'Wag kang mangialam dito Ram.", sabi ni Nathan. 

"Don't talk to him like that Nathan. Sa lahat ng tao sa classroom na 'to siya ang may pinakakarapatang mangialam sa buhay ko. So please, if you really love me like you claim. Leave me alone."  Hindi na siya nakapagsalita at umalis na lang ng classroom. Sinundan siya ni Reg at Rick. 

"I regret that I supported you. You're a brat.", sabi niya. "What if people knew what kind of a faker you are?"

"Are you threatening me?", tanong ko sakanya. "If you are, it's not working."

"Do you know how wondrous the internet works, one rumor can become a fact."

"Oh really? What if we disclose how you bullied THE Gen Mercado. Good luck sa career mo." Hindi siya makapagsalita."That's why I told you I don't make friends easily. Kung ginalit mo ako, baka mag tantrums ako." 

"If you think you won Gen, you didn't." 

"Whatever you say, It's not a competition. Hindi tayo magka-level.", sabi ko at lumabas na rin siya. Tumahimik ang classroom at itinuloy ko ang pag-aayos ng gamit ko. "Tara kain? Gutom na ako." 

"Wow, that's so cool. Nakakatapang pala ang hangin ng Baguio.", sabi ni Carol. 

"Gaga. Okay lang ba kayo na hindi niyo kasama mag lunch mga jowa niyo?", tanong ko kila Dani.

"Duh, malalaki na 'yung mga 'yon, kaya na nila sarili nila.", tumawa kami at dumeretso na sa Cafeteria. Pumunta kami sa hindi mataong lugar at nagkwentuhan. Kinwento ko 'yung pagikita namin ni Natasha pati na 'yung nangyari sa CR. 

"I'm so happy that you can be yourself again Gen. I hope that this will already give you peace.", sabi ko. 

I hope so too. But will this really bring me to the peace I long? 


"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon