Chapter 35: Scars

28.3K 335 43
                                    

Natasha's POV

Masayang sumasayaw si Nathan at Zoey nang iannounce silang Prom King and Queen. Naiyak akong bumaba ng stage. Inalis ko ng sash na best dressed at lumabas ng hotel. Nanginginig ang katawan ko. 

"Miss saan tayo?",tanong ng taxi driver. Sinabi ko ang address ng bahay namin. "Okay ka lang maam?", tanong ng driver. 

"Mag-drive ka nalang kuya.", sabi ko pero sure akong narinig kong binulong niya na masungit ako. Nakarating ako sa bahay. 

Sabi nila masungit ako, makasarili, at kung anu-ano pang negative descriptions. Hindi nila ang alam ang storya, si Nathan lang ang nakakaalam ng storya ko. 

Malakas ang tawa ng mga pinsan ko at mga kaibigan nila habang nag-iinuman sila, ang saya nila. Tinawag ako ng pinsan ko para umupo sa tabi niya. Nasa bente pataas na sila at ako 10 years old. Kinuha ako ng Tita ko sa Manila para pag-aralin dahil hindi ako kayang pag-aralin nila mama sa Pangasinan. Gusto kong sumikat agad, gusto kong maging mayaman isang araw. 

Hindi sa akin pamilyar ang mga pinsan kong 'to kasi ngayon ko lang sila nakita. Nangingibabaw na masayang tawa ang naririnig ko habang hinahawakan nila ako sa katawan habang wala akong magawa. Naka-freeze ang katawan ko at alam kong iyak lang ako ng iyak. Lasing na lasing sila. Wala na akong pang-ibaba. 

Nakaupo ako sa gilid umiiyak at sila naman nakahiga sa papag. Naabutan ako ng tita ko na umiiyak pero hindi niya alam ang nangyari. Walang nakakaalam kung anong nangyari. Nakalimutan ng mga pinsan ko at mga kaibigan niya ang nangyari sa sobrang kalasingan, o baka nagpanggap lang sila sa sobang guilty? Mga walang hiya.

For a time I forgot this, sabi ng doctor ko, selective amnesia, a defense mechanism of my mind.. But it kept coming back to me when I got rejected from the agency after only a few months, nasira ang pangarap ko and I got depressed.

Sa tuwing makakarinig ako ng mga masasayang tawa, naaalala ko 'yung nangyari sa akin. Inatake ako sa isang school event, doon ako nakita ni Nathan. Doon niya ako unang dinala sa Psychiatrist niyang relative. Doon niya unang nalaman kung anong nangyari sa akin. I have a Bipolar Disorder.  

"Kailangang malaman 'to ng parents mo.", sabi ni Nathan. "You're a minor." 'Wag, si Tita nalang muna, malulungkot lang 'yong mga 'yon. Saka ko nalang sasabihin sakanila kapag nag-graduate na tayo.", sabi ko kay Nathan. 

"Whatever you say." Pero hindi ko sinabi kay Tita, 'yung katulong namin ang sumasama sa akin kapag magpapacheck-up ako. 

Pangalawang atake noong nasa bahay kami ni Zoey, nagtatawanan sila ng masaya nang sumikip bigla ang dibdib ko. Nakita ako agad ni Nathan at pinatahan ako sa kwarto. At pangatlo, kanina sa party. Nagtatawanan silang lahat at may episode nanaman ako. 

Laging nandiyan si Nathan para sa akin pero ngayon pati ba naman siya nasa iba na? Bakit ba nasayo ang lahat Zoey? 

Pumunta ako sa kwarto at inalis ang sapatos ko. Ano bang saysay ko pa? Baka mas masaya sila kung mawawala ako. Bakit ba ako ganito? Ginagawa ko naman ang lahat ah. 

Tinext ko si Nathan, "sorry". Pumunta ako sa CR at hinintay mapuno ang bathtub, pumunta ako doon at nahiga. Nararamdaman ko ang tubig na unti-unting umaakyat sa leeg ko. Pumikit ako at natulog. 

Nagising ako sa malakas na boses at pwersa sa katawan ko. "Natasha, gising!" Umubo ako at may lumabas na tubig sa bunganga ko. Niyakap ako ni Nathan. "What the hell are you trying to do?!" Umiiyak si Tita habang tinitignan ako. Binuhat ako ni Nathan sa kama habang hinahabol ko ang hininga ko. 

"What is happening? What the hell is happening?" Naiiyak si Nathan na hinahawi ang buhok ko. "Let's bring her to the hospital!"

Pumunta kami sa ospital at natulog ako, may tinurok silang parang pangpa-kalma sa akin. Naririnig kong ipinapaliwanag ni Nathan kay Tita ang sakit ko at umiiyak naman si Tita. "Why didn't you tell me Natasha." 

We all have scars hidden inside. It's hidden because if people see it, they will think you're weak. You have to show it to the right people. 

Nathan's POV

Natutulog si Natasha, dito muna siya sa Psychiatric Ward hanggat hindi pa siya cleared. I heard nagkaroon ng confrontation ang Tita niya at ang pinsan niya sa nangyari. Wala na ako sa lugar para manghimasok pa. 

Patapos naman na ang school year at minor requirements nalang ang kailangang ipasa. Kinausap ko ang school at nagbigay ng medical certificate. Nakiusap din ako na maging sikreto nalang muna eto. 

Nakita ko si Zoey, Dani at Carol na nag-uusap tungol sa college at doon sa akin sinabi ni Zoey na kailangan niyang umalis. Naiintindihan ko 'yon dahil alam kong kailangan ko ring tulungan si mama ngayon. 

Ngayong alam na ng Tita ni Natasha, kailangan kong nang ibigay sa mga relatives niya ang decisions but I still be there for her. 

Gaano man natin hindi kasundo ang isang tao, may mga hidden scars eto na kailangan nating intindihin. Nasa sayo 'yon kung paano mo it-treat 'yung scars na 'yon. 

"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon