Chapter 36: Give Up

27.4K 343 33
                                    

Zoey's POV

Ilang araw nang hindi pumapasok si Natasha. Wala rin siyang postings sa social media niya. Isang linggo nalang at graduation na namin, hanggang ngayon hindi pa rin siya nagpapakita. Ganoon ba siya kagalit na hindi siya nanalo as prom queen?

Napansin kong aligaga si Nathan at laging nagmamadaling umalis ng school. Hindi kaya si Natasha pinupuntahan niya? Sinundan ko siya isang araw at nakita kong pumunta siya sa ospital. 

Nagtago ako at nakita kong kasama niya si Natasha. Nandito siya? Mukhang pa-discharge na siya. Anong nangyari? Mukhang mahina at tulala si Natasha. 

"Let's get you home.", sabi ni Nathan. Tumango si Natasha. I can't believe how pathetic I am that I look so suspicious right now hiding like this. Hindi ako nagpakita hanggang sa naka-alis sila ng ospital. Ano kayang nangyari? 

Sumunod na araw, nagkita kami ni Nathan, hindi ko na kayang itago ang curiousity ko. 

"Nathan, I have to tell you this, I followed you yesterday." Nagulat siya. 

"Don't you trust me?"

"No, it's not that, you know how curious I am and I just want to know what's going on." Kinwento sa akin ni Nathan kung anong nangyari kay Natasha noong prom night at kung ano 'yung sakit niya. 

"Oh my gosh, I didn't know its serious."

"Yes, that's why I'm walking tiptoes around her. I know that she doesnt like me talking about you or seeing us together, so I will have to say sorry in advanced. Kapag nakabalik siya I have to stay away from you."

"Everytime?"

"No, only when she's around. She built some sort of comfort around me and I will have to slowly help her build her trust around her relatives kasi hindi pwedeng ako ang nandiyan para sakanya." 

"I understand." 

Hindi ko alam na may pinagdadaanan si Natasha na ganon. We all have hidden scars, scars that only a few can see and you're blessed enough if you bear it. 

"Kaya pala siya iritable kapag masaya 'yung iba o naiinis kapag masaya kami at tumatawa. Hindi ko naiintindihan pero ganoon pala."

"Oo, I realized how complete our minds are. Naaawa ako kay Natasha ngayon, she really needs support from people." Hindi sa akin sinabi ni Nathan ang trauma ni Natasha na nag-lead sakanya to get sick pero hindi ko na kailangang malaman 'yon to understand her pain. 

"You have to act like you don't know anything.", sabi ni Nathan. I agreed. Naaawa rin ako kay Natasha, but I know she can do this. 

Umuwi ako na masaya dahil palapit na kami sa pagtatapos. Nagulo ako sa pag-iisip nang may tumawag sa akin, si Natasha. 

"Nat?"

"Zoey?", tawag niya na naiiyak. "Are you busy?"

"No, why? Are you okay?", tanong ko lumakas pa ang pag-iyak niya. 

"Can you come here? I need someone to talk to." Pinapunta niya ako sa school, magdidilim na. "Don't call Nathan, I stressed him too much." 

"Sige." Nagbihis uli ako at pumunta sa school. Pinaiwan ko si kuya Driver sa may parking lot at pumunta sa rooftop ng school dahil nandoon daw siya. Kinakabahan ako, kailangang malaman ni Nathan 'to. Tinext ko siya kung nasaan ako pati na si Ram na malapit lang dito. Baka kung anong gawin ni Natasha sa sarili niya. 

Umakyat ako na nakita siyang nakaupo sa sahig at nakafetal position, umiiyak. 

"Natasha?"

"Why can't I be you?", inangat niya ang ulo niya at may dugo sa mukha niya. Tumingin ako sa paligid at nakita kong may dugo sa pader kung saan siya nakasandal. Inuntog niya sarili niya? Bakit nila siya pinalabas sa ospital?! Hindi pa siya okay?!

"Nat, calm down." Nakita ko ring may dugo sa wrist niya at may hawak siyang blade. 

"I tried so hard to be liked by people. I tried so hard to become like you but everyone rejected me.", sabi niya na umiiyak. Mugto ang mata niya at pale ang lips niya maririnig mo sa boses niya kung gaano siya kalungkot. Parang sumuko na siya 

Tumayo siya at humarap sa open space. Don't tell me she's planning to jump. 

"Ang lamig ng hangin dito.", sabi ni Natasha. Lumapit ako sakanya. "Stay right there."

"Bakit mo ako tinawag dito?"

"To show you how much you ruined me.", sabi niya. Napaiyak na rin ako sa takot na baka tumalon nga siya."

"I'm sorry if I made you feel that way. I didn't do anything.", iyak ko at unti-unting lumapit sakanya. Hawak niya pa rin ang blade. 

"'Yun na nga eh, wala ka ngang ginagawa pero ikaw pa rin ang nilalapitan ng lahat ng gusto ko sa buhay. Pati si Nathan."

"Nathan loves you Natasha."

"I know, but as a friend.", sabi niya. "I want you to see this. I'm sorry." Aakyat pa sana siya nang nakuha ko ang timing ko. Hinila ko siya sa baywang at natumba kaming dalawa na nakapatong siya sa akin. 

Naramdaman kong parang may bumaon sa tagiliran ko. Umiiyak at nagpupumiglas si Natasha pero hindi ko siya binitawan. Dumating si Nathan at Ram at itinayo si Natasha. Niyakap ni Nathan si Natasha. 

"Bakit may dugo?", tanong ni Nathan. Hindi ako makapagsalita at nakahiga pa rin ako. 

"Zoey?", tawag ni Ram. "Zoey, you're bleeding!" Hinawakan ni Ram ang tagiliran ko.

"Zoey!", tawag ni Nathan. Naramdaman kong binuhat ako ni Ram at ipinunta sa ospital. Naisaksak sa akin ang blade na hawak ni Natasha pero hindi naman sobrang bumaon. Nabigla lang ako sa dami ng dugo kaya nahimatay ako. 

Nagising ako na nakapaligid sa akin sila Mom and Dad "Okay ka lang ba anak?", kalmadong tanong ni Mom. Tinignan ko si Ram at ngumiti siya sa akin, mukhang naipaliwanag na sila kung anong nangyari. 

"Si Natasha?"

"Binalik siya sa Psychiatric Ward kasama niya na parents niya doon.", sabi ni Ram. Buti naman. 

"Don't do that again Zoey, buti nalang tinawagan mo si Nathan at Ram." Oo buti nga. 

"She's hurt mom, she's depressed, I'm so sad for her."

"I know baby, we are too."

Hindi natin alam ang mga itinatago ng isa't isa, pero kailangan nating maging mabuti sa kanila kahit gaano man sila kasama sa atin. 

"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon