Chapter 27: Encounters

33.5K 432 42
                                    

Zoey's POV

Natapos ko na ang commercial ng drink at successful naman dahil tumaas daw ang sales. 

"Paano mo nababalance ang career and studies mo? Not all celebrities can do that?", tanong nung isang staff nung nagdi-dinner na kami. 

"Hindi naman po ako masyadong busy, mas focus po kasi ako sa studies ko. Tumatanggap lang po ako ng projects tuwing weekends. Hindi rin po ako papayagan ng parents ko na mag full time."

"How about kung nag college ka na?"

"They actually gave me the choice kung anong gusto kong gawin. I chose to study and help my brother manage our businesses." 

"Wow, sayang naman kung hindi mo 'to itutuloy, may future ka talaga mag artista eh." Ngumiti lang ako. Half hearted ako sa totoo lang, I love modeling and doing these kinds of things but I know that this is temporary. I have to be wise. 

I'm doing fine in school and my life is generally peaceful aside from Natasha's constant competitive side. Gusto niya akong talunin sa mga exams pero hindi siya nananalo. Gusto niya din akong talunin sa brand of clothes at mga gamit na meron ako. Hindi ba siya napapagod? 

"Tara na sa grounds Zoey, PE na.", tawag ni Dani. Lumabas na kami ng classroom at pumunta sa sports grounds kasama ng mga kaklase ko. Kalaban ng group namin sila Natasha. 

Nagsimula ang laro whistle ng referee. Nag serve na ako at nakuha ng kalabang team pero nakuha din namin ang pasa nila. Naghintay lang ako ng tamang oras para i-spike at nagtagumpay ako. One point! Nagtuloy tuloy ang laro hanggang sa kami na ang nanalo, 18-24.

Turn na ng men at kailangan naman naming manood. Nilabas ko ang cellphone ko at naglaro ng games. Hindi ko namalayang natapos na sila. 

"Uy! Kami nanalo!", sabi ni Ram sabay gulo ng buhok ko.

"Congrats. ", sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. 

""Yun lang?"

"Shh, huwag kang maingay naglalaro ako."

"Hayy, bahala ka na nga." Umalis siya at umupo sa kabilang bench. 

"Uy, tampo?" nilapitan ko si Ram.

"Wala ka bang naaalala?", tanong ni Ram. May nakalimutan ba ako? OMYGOSH.

"Happy Birthday.", sabi ko sakanya at niyakap. "Sorry, nakalimutan ko. Hindi nag appear sa facebook notifications ko."

"Akala ko ba magkaibigan tayo tapos birthday ko nakalimutan mo?", sabi niya na nagtatampo. Nagsorry ako at nag-promise na ililibre nalang siya. Pinatawag na kami sa 1st quadrangle, may announcement daw.

"For the annual graduating students event, we've decided to collaborate with Ms. Rhia to conduct a fashion show and auction for a cause. We will be inviting key people to participate. All proceeds will go to Heaven Orphanage." Nagpalakpakan kami. "Your batch student council representatives will facilitate the communication and planning of this with Ms. Rhia. Thank you."

Nasaan na si ate Rhia? Hinanap ko siya at nandoon siya sa may labas ng isang classroom kausap 'yong 4th year representative namin, kasama niya si Kuya Carlo. Napaka clingy. 

"Uy, eh di marami ka nang kakampi dito?", biro ni Ram.

"Hindi ko kailangan ng kakampi", sabi ko at ngumiti. Tumakbo ako papunta sakanila at niyakap sila. Hinayaan ko ang pagp-plano sa mga officers pero kinuha agad nila akong model. 

"See you later, sabay na tayo umuwi.", sabi ni kuya. Oh I see, so they will stay the night. Hindi talaga sila mahilig mag inform ng mga gagawin nila.

"By the way start recruiting models, I'll let you handle it then let's assign a date for the final screening.", sabi ni ate Rhia. 

"Okay po, no problem." Una kong inaya mga kaibigan ko pero si Dani lang at si Ram ang pumayag. Corny daw sabi nila Reg at Rick. 

"Ako? Hindi mo ako tatanungin?", tanong ni Nathan. "De joke lang, corny." Mga bwisit.

"Ahem.", sabi ni Natasha. The nerve. "This is for the school, whatever grudge you have for me should not be the basis of your decision.", ang daming sinabi. 

"Yeah, whatever, you can join.", ngumiti siya pero walang Thank You. Maraming preparation ang nangyari. Kabi-kabilang rehearsals at visual planning. Nag invite din ng mga local singers and bands para sa after party. 

Lumipas ang mga araw, hindi na namin namalayan na event na pala! Marami kaming na invite na personalities , may ilang artista din ang dumating na friend at nabihisan na ni Ate Rhia. May mga friends din si Mom na dumalo para sa auction.

It was successful, all in all naka collect kami ng around half million, for all the clothes and shoes. 

"Kamusta kuko mo sa paa?", tanong ko kay Dani.

"Walangya Zoey, patay na.", sabi ni Dani sabay tawa. "Buti pa si Carol paupo-upo lang doon oh, bakit mo nga ba ako napilit?"

"Hindi kita pinilit, nag volunteer ka.", pinaalala ko sakanya.

"Oo nga pala, sabi ko nga pala gusto ko 'tong masubukan kahit once in my life.", sabi niya. 

"Pwede ka nang magpalit sa mas mababang heels, may extra pair ako."

"Hindi pa pwedeng flats?"

"Hindi bagay sa suot mo." Nagpalit si Dani ng mas mababang heels. Nagsimula na ang after party at halos mga estudyante nalang ang natira. 

"Uy, Gen kanta ka!", sabi nong isang officer ng student council. Hindi na ako nakapagsalita dahil tinulak na nila ako sa stage. Anong kakantahin ko? 

"Ako na bahala sa piece, kinanta mo 'to sa isa mong morning show guesting." Isa lang naman ang morning show kung saan ako nag-guest, First cut is the deepest? Nagsimula ang kanta at First cut is the deepest nga.

"I would have given you all of my heart,
But there's someone who's torn it apart
And she's taken just all that I have
But if you want I'll try to love again
Baby, I'll try to love again, but I know."

Nakatingin ako kay Nathan at nakatitig naman siya sa akin. 

"I still want you by my side
Just to help me dry the tears that I've cried
And I'm sure gonna give you a try
If you want I'll try to love again, 
Baby, I'll try to love again, but I know." 

Tumayo siya sa kinauupuan niya at lumapit sa stage.


The first cut is the deepest
Baby I know
The first cut is the deepest
When it comes to bein' lucky, he's cursed
When it comes to lovin' me, he's worst. 

Tinapos ko 'yung kanta ng paluha pero sinubukan kong hindi ipakita. Umalis ako kaagad sa runway na ginawang stage. Hinabol ko ang hininga ko. 

"Zoey.", lumingon ako sa kung saan nanggagaling ang boses.

"Ram?"

"Why do you need to torture yourself like this?" Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Hindi ko na napigilang umiyak. 


"I Love You Nerd Part 1"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon