Zoey's POV
Masaya naman kahit papano kahit na andoon si Nat. Medyo tahimik nga siya eh pero masungit pa rin. Matagal silang nawala ni Nathan habang nags-swimming kami. Saan kaya sila nagpunta?
"Oh bro, saan ka galing?", tanong ni Reg. Nakapagpalit na si Nathan.
"Nag-shower na, si Natasha natutulog."
"Ha? Nandito ba siya para matulog?"
"Sumama lang pakiramdam niya.", sabi ni Nathan. Medyo seryoso siya, nag-iba mood niya kumpara noong umalis sila ni Natasha. Ano kayang nangyari? Isang oras pa ang nakalipas at umahon na rin kaming lahat. Nagpaluto ako ng dinner para sa amin.
Umakyat si Nathan sa mga kwarto para tawagin si Natasha. Sabay silang bumaba, medyo mugto ang mata ni Nat.
"Anong nangyari sa'yo? Mukhang lamig na lamig ka ah, naka longsleeves ka pa.", sabi ni Dani. Itinago ni Nat ang kanang braso niya sa likod at umirap kay Dani.
"Mind your own business." Of course hindi pa rin mawawala kasungitan niya. Kumain na kami ng dinner at nagkwentuhan pa pero tahimik si Nathan at Natasha, pero mukhang ako lang ang nakakapansin.
"Truth or Dare!", pag-aaya ni Carol sabay kuha ng plastic bottle na nasa table. Nagreklamo ang mga lalaki dahil sa corny daw eto. Pero siyempre, wala silang nagawa kundi sumama. Sumama din si Natasha at Nathan.
Unang tumapat kay Reg ang bote. "Truth or Dare?", sabay-sabay naming tanong.
"Dare!", sabi niya.
"Sumayaw ka ng pinakanakakatawang sayaw na kaya mo.", sabi ni Rick.
"Hoy gago."
"Sasayaw na 'yan!", pang-aasar namin. Sumayaw siya na baywang lang ang ginagawa. Tumawa kaming lahat. Sunod na tumapat kay Carol ang bote.
"Truth!", sabi niya.
"Bakit mo nagustuhan si Rick?", tanong ni Dani.
"Kasi kamukha niya si Lee Seunggi!", sagot ni Carol. Nalungkot si Rick sa sinabi Carol. "At tsaka mabait siya.", dagdag niya.Nag-apir sila at itinuloy namin ang Truth or Dare. Tumapat naman kay Natasha.
"Truth.", sabi niya.
"Why do you like Nathan so much?", tanong ni Carol.
"Because he's the only one left.", sabi niya. Hinihintay pa namin kung may explanation siya pero inikot niya na agad ang bote. Sunod na tumama kay Nathan.
"Truth", sabi niya.
"Ano ba 'yan ang boring niyo naman mag dare naman kayo! Next dapat dare na ah.", sabi ni Reg.
"Bakit hindi mo pa rin nilalayuan si Natasha?", hinampas ko si Dani sa tanong niya. "I mean, you always say you don't like her but we can't see the effort." Mga 30 seconds ang hinintay namin para sa sagot niya.
"Lahat ng bagay na ginagawa natin may rason, minsan ikaw nalang ang natitira para sa ibang tao."
"Eh paano 'yung ibang taong naaapektuhan?", tanong uli ni Dani na may halong pagtataray. Hindi sumagot si Nathan.
"Hon, isang tanong lang.", kinuha agad ni Reg ang bote at inikot. Tinignan ako ni Nathan na may lungkot sa mata. Anong tinatago mo Nathan kaya ka nandyan. Para siyang nakulong.
Naglaro pa kami ng kung anu-anong laro hanggat sa lahat ay napagod at natulog na. Humihilik na sila Carol at Dani na magkayakap pero hindi pa rin ako makatulog. Lumabas ako ng kwarto para magpahangin sa veranda.
"Hindi ka makatulog?", lumingon ako at nakita ko si Nathan na lumabas din ng veranda at may hawak na tubig. Umiling ako. "Tubig?"
"No thanks.", sabi ko. Pinagmasadan namin ang buwan ng tahimik. "Zoey.", tumingin ako sakanya. "About awhile ago, I just want to say that what I said was all true, about Natasha."
"Yeah, so?"
"I will not pursue you anymore if you still don't want to, but I want to assure you that nothing will happen between Natasha and I. I'm just there for her for old time's sake. I'm the only one left for her." Alam kong ayokong makahingi ng mga explanation na ganito kasi hindi niya naman kailangang mag-explain kasi hindi naman kami. Pero, may peace akon naramdaman nang sinabi niya 'yon. "I will wait until you're ready to talk to me."
"Thank you Nathan." Pumasok na siya ng bahay. Masyado pang maaga para bumalik sa dati. Baka kailangan pa namin ng oras sa isa't isa. Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Natasha pero alam kong baka nga kailangan niya si Nathan.
Mabilis natapos ang long weekend at Lunes nanaman.
."Huy, Gen! Nabasa mo na ba yung nasa bulletin board?", tanong ni Dani.
"Ano 'yun? Magugunaw na ang mundo kaya kayo nagwawala?"
"Ah.", sabi ko lang. Mukhang nadis-appoint sila sa reaction ko.
"Tapos may contest pa ng prom queen and king! Nagsisimula na nga 'yung votation eh!"
"Oh tapos?", tanong ko.
"Ano ba? Hindi ka ba excited?"
"Mukha ba akong excited?",tanong ko.
"Try mo nalang i-enjoy 'yun! Sigurado ako maraming mag-aaya sayo no!"
"Kailangan bang mag attend?Kailangan bang may ka-date?" tanong ko.
"Hindi naman.", sabi ni Dani' "Pero mas masaya kung meron, hindi naman kailangang boyfriend mo eh."
"Yes!", sabi ko.
"Huwag mong sabihing ayaw mong may makadate?"
"Ayoko nga."
"Hoy! Alam mo bang maraming gustong may makadate diyan? Tapos ikaw ayaw mo?"
"Hindi no, alam mo naman siguro 'yung stage ko ngayon diba?"
"Sabagay, sige girl tinatawag na kami ng mga BF namin.", sabi niya na may halong emphasis.
"Sige ipamukha niyo po!", nagtawanan sila.
"Hindi naman, nandyan na si Ram oh." Parating na nga si Ram.. Nagpaalam na ang dalawa.
"Uy, may ka date ka na ba sa Prom?"
"Sa tingin mo?"
"Ewan ko, baka inaya ka na ni Nathan eh."
"Ram, alam mo namang pro Natasha siya these days. 'Di ko alam kung anong sikreto nong dalawang 'yon eh.
"So, ibig sabihin ba, pwede ka?"
"Hindi rin.", sabi ko.
"Ha?Bakit?"
"Gusto ko lag pumunta mag-isa.", sabi ko.
"Sige, sasamahan nalang kita mag-isa.", sabi niya at tumabi siya sa akin. Na-realize kong parang parehas lang din, hindi nga lang "date" ang tawag ko sakanya, kundi "companion".
Maingay ang school dahil sa prom. Excited ang mga seniors dahil eto na ang huling taon. Huling kendeng sa High School Life, pagkatapos maghihiwalay na at susundin ang kanya-kanyang mga pangarap.
Kabi-kabilang mga entrance examination results ang lumabas. Lalabas na sa amin next week ang results ng top universities dito sa Pilipinas. Nag exam kaming lahat nila Dani at Carol sa mga schools na'to, sana kahit isa makapasa kami!
BINABASA MO ANG
"I Love You Nerd Part 1"
Teen FictionHindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mismo ang mag-aangat sa akin para makita ng iba.