Zoey's POV
"Saan mo gustong mag-stay, sa bahay o sa hotel?", tanong sa akin ni Kuya Carlo.
"Hindi pa ba tayo fully booked?", tanong ko.
"There's a room for us don't worry." Pinili kong mag stay muna sa hotel para marami akong nakikita at pwede akong makapag-observe.
Kumpara sa una kong bisita dito, mas accommodating sa akin ang mga staff. Sinalubong ako ng Captain ng restaurant at ng Front Office Manager.
"Welcome ma'am Gen! Please enjoy your stay, nandito lang po ako sa restaurant if you need anything."
"Please prepare snacks for us Capt., one Iced Macchiato and one Americano. Thanks Capt.", dinala na sa room ang luggage ko at dumeretso kami sa veranda.
"Ang sarap ng simoy ng hangin dito kuya! Hindi ko na-enjoy 'to nung huli. Ang ganda!", sabi ko. Ang relaxing sa mata na puro green 'yung nakikita. "Ang daming tao."
"Oo, nagsimula nang magdagsaan mga guests natin. Fully booked na tayo starting today that's why I need to come para ma-monitor ko. Will you be okay by yourself? Pupuntahan ko lang si Rhia and then let's have dinner later?"
"Sure kuya, saan?"
"I'll pick you up, I want you to try other restaurants here in Baguio.", sabi ni kuya. Sobrang excited ako! Inilapag na sa amin ang dalawang cake at 'yung kape. Ang perfect!
"Ganito ba ang buhay mo everyday kuya?", tumawa siya. "I never realized this is your job, everyone respects you and everyone looks at you when you walk."
"Ikaw lang naman kasi ang walang interes na kilalanin 'tong business. Working in this industry is so fun, finally, you'll be able to see it.", excited na sabi ni kuya. Sa totoo lang, ayokong pumupunta sa mga hotels at restaurants namin kasi ang kukulit ng mga staff, tanong ng tanong. Mukhang na brief naman na silang lahat na ayokong ginugulo ako.
Ang dominant memory ko sa mga hotel, either nasa lobby ako nagc-cellphone or nasa loob ng hotel room nanonood ng TV. So for me, this is so boring. Ngayon ko lang nakita ang business na ito in a different light.
Natapos kaming mag snack at naghiwalay na kami ni kuya. Nakikita ko ang mga tingin ng mga empleyado sa akin na kinakabahan. Pumunta ako sa main lobby at tinignan ang napakalaki naming family picture. I miss them so much, I hope umuwi sila mom para sabay sabay kaming mag celebrate ng Pasko at Bagong Taon.
"Excuse me ma'am Gen?", tanong ng isang boses. Lumingo ako at nakita ang isang babaeng empleyadong nasa 40 to 45 years old na may hawak na notebook. "Sorry ma'am, lalakasan ko na po ang loob ko. Pwede ba akong magpa-autograph?", nagulat ako.
"Autograph po? Bakit po?", tanong ko. Namumula na siya.
"Idol po kasi kayo nung isa kong anak. Nakikita niya po 'yung mga ads ninyo noong nasa Korea pa po kayo.", sabi niya na nahihiya pa din. Kinuha ko ang notebook ko at pinirmahan 'yon.
"Ano pong pangalan ng anak niyo ma'am?"
"Keira po." Nagsulat ako ng short message para kay Keira. "Thank you so much ma'am, wala kasi akong regalo sakanya sa pasko ma'am, eto nalang po.", sabi niya na may hanggang tenga ang ngiti.
"Ano pong pangalan niyo ma'am?"
"Zenaida po, housekeeping department.", nagulat ako dahil sa tanda niyang 'yon nasa Housekeeping siya. "Alam ko ma'am medyo nagulat po kayo. Matagal na po akong nagt-trabaho sa hotel pero nag-stop po ako ng 15 years dahil sa anak ko. Nagpapasalamat po talaga ako sa kumpanyang 'to dahil binigyan po ako ng chance na ituloy 'yung dream job ko. Salamat po ma'am."
"You're welcome po ma'am."
"Sige ma'am, mauna na po ako. Mukhang nakakadistorbo po ako.", sabi niya.
"Hindi ma'am, okay lang po. Busy po ba kayo?"
"Hindi ma'am, pauwi na po ako kakatapos lang po ng shift ko."
"Pwede po ba akong magpa-tour sainyo?" Nagulat ang mukha niya pero excited. Sasagot na sana siya nang sumingit ang Captain Waiter ng Restaurant.
"Ma'am, ako nalang po ang magt-tour sainyo.", sabi niya. Hindi ako pumayag at ipinilit ko na si ma'am Zenaida ang mag-iikot sa akin. Sinumulan na namin sa lobby area. Sa lobby area, nandito ang front desk at restaurant. Puno ang restaurant ngayon dahil sa meryenda buffet.
"Alam mo ma'am, ibang iba 'yung mga tsismis sainyo dito sa totoong kayo po.", sabi niya.
"Ano po ba 'yung mga sinasabi sa akin?", tanong ko. Hindi siya makapagsalita.
"Nako ma'am, baka magalit po kayo.", sabi niya. "Tsimis lang naman po 'yun maam."
"Sige na ma'am, gusto ko lang malaman.", sabi ko. Huminga siya ng malalim at nagkwento.
"Sa isa't kalahating taon ko po dito sa hotel niyo, parents niyo lang po at si sir Carlo ang nakikita namin. Basta ang alam po namin nasa Korea kayo nag-aaral at sikat kayo doon. Pero sinasabi din nila na masungit daw kay at magagalitin, spoiled brat kumbaga dahil nga daw po bunso kayo." Gusto kong tumawa dahil may katotohanan naman talaga 'yung mga 'yon. "Noong sinabi ni sir Carlo na darating ka next week ma'am, nagpa meeting ang Operations Manager para ihanda ang hotel. Nag stock sila ng paborito mong corned beef, yogurt at kung anu-ano pa kung sakali mang gusto mong dito sa hotel mag-stay. Halos mahimatay lahat ma'am nung tumawag si si Carlo na ngayon ka na daw dadating.", sabi niya. "Kilala ka ng lahat ng nandito ma'am, bago po kasi kami pumasok kailangan naming dumaan sa profiling training at isa doon ang mga owners kasama na po 'yung mga tito, tita at mga pinsan ninyo."
Wow, para kaming mga hari at reyna dito. VIP, wow. Ganito pala. Hindi ako nakapagsalita dahil natatawa talaga ako. Naiisip ko tuloy na ang iniisip nilang ugali ko ay 'yung magdadabog kapag hindi scrambled egg yung ihinain sa akin kahit na 'yun ang order ko.
"Pero mabait po pala kayo ma'am. Halos maihi na po ako kanina lapitan lang po kayo eh."
"Huwag po kayong mahiya ma'am, itrato niyo lang po ako na parang si Kuya Carlo.", tumango siya. Inikot niyo ako sa basement area at nakita ko ang operations. Lahat nakatingin sa akin habang naglalakad ako. Wala akong narinig na, "Sino 'yon?". Profiling is indeed practiced here.
Natapos ang tour at pinauwi ko na si ma'am. Bumalik ako sa lobby para mag-observe pa nang may nakita akong pamilyar na mukha.
"Ram?"
BINABASA MO ANG
"I Love You Nerd Part 1"
Teen FictionHindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mismo ang mag-aangat sa akin para makita ng iba.