Zoey's POV
"Paano mo ako nakilala sa ganito kung itsura?" tanong ko.
"Sus, syempre ikaw pa! Kilala ko na aura mo. I've seen your worst puberty stage until naging beautiful swan ka at ngayon back to ugy duckling ka nanaman." sabi niya na may halon tawa. "Sabi sakin ni Dad, 'di niya maintindihan kung bakit kailangan mo pan magsuot ng ganyan. Pero ako gets ko Zoey. "
"Salamat, bakit ka nga pala lumipat na dito?" tanong ko.
"Para daw bantayan kita." sabi niya. Natawa ako. "Hindi, joke lang. Pinauwi na akong US, ayoko na doon."
"Oo nga pala, ang sasama naman ng mga nang frame up sa'yo. Eh never ka ngang nakatimik ng drugs eh."
"Well, ganon dun eh. I was just in the wrong place and the wrong time. At mas gusto kong nandito na ako. One day, I would have to manage this school. "
"Kamusta pala modeling mo?"
"Nag-stop muna ako, focus muna sa pag-aaral siguro."
"Wow, responsible ha! Sige, kita tayo mamaya mauna na ako. Kailangan ko nang pumasok eh. Saan nga pala section mo?" tanong ko.
"Hindi ko pa alam eh, itatanung ko pa, pero gusto ko sana magkaklase tayo."
"Request mo kay Tito. " sabi ko at kumaway ako papalayo sakanya. Nginitian ko na siya at pumasok ako sa classroom. After 20 minutes, nag excuse si Tito Lito at may ipapakilala daw na bagong student. Si Ram kaya?!
"Good morning students, I want you to welcome my son Ram. Dito siya magpapatuloy ng pag-aaral at mag-graduate. Sana pakisamahan niyo siya, anak magsalita ka na." Natatawa ako kasi halata ang pagka-ilang ni Ram na kailangan pa siyang samahan na tatay niya sa classroom. Aasarin ko 'to mamaya.
"Hi, I'm Ram Fernandez. I hope I can cope up with all the lessons and to cooperate with you. I hope to make really good friends here. Thank you." Palakpakan na may kasamang hiyaw ang narinig ko sa klase. Parang wala akong natanggap na ganito ung bago ako ah? May kilig at ngiti akong nararamdaman mula sa mga katabi kong babae.
"Mr. Fernandez, where do you want to sit?" tapos tinuro niya 'yung upuan sa tabi ko. Nginitian ko nalang siya at nakita kong masama nanaman ang tingin nila sa akin.
"'Wag mo na sila pansinin Ram, ganyan lang talaga sila." sabi ko.
"Ako ba ang dapat 'wag pumansin o ikaw? Nakakunot nanaman 'yang noo mo." sabi niya sabay ngiti. Napatingin ako sa likod kung saan nakaupo si Nathan at ang mga kabigan niya.
Ayun, tulog ang tatlo! Nag basketball nanaman siguro 'tong mga 'to. Ni hindi nga nila alam na may bago silang kaklase. Para siyang bata matulog nakakairita.
Nathan's POV
Nag ring ang bell at mukhang dismissal na. Ang bilis ng oras kapag natutulog ka lang. Sana ganito lang lagi. Kakaunti na lang mga tao sa classroom. Hinanap ko si Zoey pero wala sila.
"Hoy gising mga tol!" sigaw ko.
"Ano ba pare, inaantok pa ako eh." sabi ni Rick. "Five minutes tol."
"Hoy ano yan!" sigaw ko nang may nakita akong lalakeng kinakalkal 'yung bag ni Zoey. Nagising sila bigla..
"Hoy! Sino ka? Bakit mo kinakalkal yung bag ni Zoey?!" sigaw ko at sinuntok ko siya. Bait k osiya sinuntok?
"Ram!" sigaw ni Zoey. "Bakit mo siya sinuntok Nathan?! Ano ka ba gangster ka ba?!"
" Tol gago! Bagong transfer yan dito sa school at anak ng president dito, tulog ka kasi ng tulog!" sigaw ni Dani.
"Pasensya ka na, kakagising ko kasi, nabigla ako .Hindi ko alam, kinakalkal niya kasi 'yung bag mo eh."
"Hindi niya 'yun kinakalkal, may pinapakuha ako sakanya! Ano ka bata na kung kakagising o inaantok moody? You dont have the right to punch anyone!" Galit na galit na sigaw ni Zoey. Mas galit pa siya ngayon kaysa nung inaasar ko siya. "What's the matter with you?!"
"Oo nga naman Nathan, bakit mo naman sinuntok si Ram?" tanong ni Carol.
"Sorry okay? Hindi ko alam." umiling lang si Zoey at tumingin ng masama sa akin. Lumabas sila at dinali si Ram sa clinic.
"Bakit ba ang protective ni Zoey dun sa Ram na yun eh kakakilala nga lang nila? Nakikipaglandian ba 'yun ang landi talaga niya!" sabi ko kila Reg.
"Gago! Magkababata sila at mag bestfriends, kanina ko lang nakilala si Ram pero ang pagkakakwento ni Dani sa akin, parating nililigtas ni Ram si Zoey sa mga nangaapi sakanya, kaya ngayon over protective naman siya kay Ram. Tsaka bakit ba ganyan ka magsalita, ano ka babaeng inagawan ng syota?!" pagalit na tanong ni Reg.
"Bro, bakit may sigaw?"
"Bro kasi mali talaga 'yung ginawa mo. Ano 'yan protective ka na talaga kay Zoey?" Natigilan ako, protective? " Akala ko ba pustahan lang 'to? Kung may gusto ka sakanya, seryosohin mo, hindi 'yung kung sino sinong sinusuntok mo. Ang sama tuloy ng tingin ni Dani sa akin. Bahala ka na diyan."
Umalis is Reg at bumalik sa tulog si Rick. Hindi ko siya gusto. Ayoko lang na masira plano ko.
BINABASA MO ANG
"I Love You Nerd Part 1"
Teen FictionHindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mismo ang mag-aangat sa akin para makita ng iba.