Nathan's POV
Hinila niya ako papuntang sinehan. " Ganon ka ba ka excited manood ng sine?" tanong ko.
"Matagal na kasi akong hindi nakakanood, hindi ako makapunta sa mga public places na ganito kasi dinudumog ak-" natigilan siya. "I mean dinudumog ng maraming tao ang malls, ayoko sa mataong lugar."
"Swerte natin, konti lang tao ngayon. Oh, pumili ka na ng gusto mong panoorin." Paktay. Ang choices ay Nightmare on elm street, Twilight, Shrek at Real Steel. Gusto ko sanang manood ng Reel Steel pero alam kong ayaw niya. Huwag naman sanang Nightmare on elm street ang piliin niya o kaya Twilight.
"Yuck! I hate Twilight!" Yes! "Nightmare on Elm Street nalang!" nanlaki mata ko sa sinabi niya.
"Ah, eh, Zoey ayaw mo ba nung Shrek? Baka matakot ka sa Nightmare?" tanong ko.
"Hindi no, I love horror films. Baka ikaw natatakot." sabi niya habang tumatawa.
"'Di ako takot, baka lang kapag natakot ka yakapin mo ako." tinignan niya uli ako na may halong pandidiri. Halos nakapikit nalang ako habang nanonood, nararamdaman kong tumatawa siya. Shit!
"Ah!"sigaw ko habang pinapatay ni Freddy 'yung isang babae. Napatingin sakin 'yung mga tao at tumatawa si Zoey. Putek gusto ko nang lumabas. Nagulat ako nang hinawakan ni Zoey yung kamay ko, parang may nakabarang kanin sa lalamunan ko.
"Takot ka pala eh. Pabo. " Anong pabo? Tinatawag niya akong turkey?
"Ha? Pabo?" Tumatawa siya. Inalis niya agad ang pagkakahawak sa kamay ko at hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Tinitignan ko siya na parang ang saya saya niya. Hindi ko napagilang mapatawa.
"Takot ka pala sa horror films. Duwag. Nahawakan ko lang 'yong kamay mo para kangnakakita ng multo. Hindi ko sinsadya pero nanginginig ka ng sobra." tumawa uli siya at ngumiti nalang ako.
Reg's POV
"Dani!" napigilan kong pumunta sa CR si Dani.
"Hello Dani, pwede ba akong manligaw?" tanong ko.
"Agad agad, at bakit mo naman naisipang papayagan kitang manligaw sa akin?" sagot niya.
"Kasi gwapo ako?" sabi ko at umiling siya "Bakit hindi ba ako guwapo?" tanong ko. Mukhang naiihi na talaga siya.
"Gwapo naman-" sabi ko. "Oh tignan mo! Gwapo talaga ako sa paningin mo diba? Sige na, ligawan na kita."
"Don't you dare."
"Bakit ba sumungit ka? Impluwensiya 'yan ni Zoey noh? Basta, manliligaw ako sa ayaw at sa gusto mo!"
"Bahala ka, naiihi na ako!" sabi niya at tumakbo papasok ng CR. Sa wakas, naka-amin na ako! Hindi ito pusta. Gusto ko talaga si Dani noong 1st year high school pa. Kaso hindi ako makaligaw sakanya kasi masyado siyang matalino at baka ayaw niya ako. Ginamit ko 'yong paglapit ni Nathan kay Zoey para ligawan naman si Dani. Eto na ang big opening ko para mapalapit sakanya.
Ngumiti akong naglakad pabalik ng classroom nang may nakasalubong akong bagong mukha. Transferee nanaman?
"Aray!" napalingon ako nang nakadapa na si Zoey sa floor at tinulungan naman siya agad nung lalakeng bagong mukha. "Ram?"
"Zoey!" Magkakilala sila?
"Uy! Sino to ha?" tanong ni Dani. " Hi I'm Dani, Zoey's friend." Aba, nagpakilala pa, hindi pwede 'to baka pormahan pa.
"At ako naman si Reg." nagulat si Dani at Zoey nang nagpakilala ako. "One of the campus crush, at close friend ni Dani, super close friend."
"Narcissist na tao lang ang ipapakilala ang sarili niyang campus crush, anong nakain mo Reg?"
"And this is?" tanong ko
"Ram, my bestfriend." sabi ni Zoey. Familiar 'tong Ram na 'to ah.
"Ah, okay. Gano katagal? tanong ko.
"Imbestigador ka ba? Paparazzi? Bakit ba ganyan 'yang mga tanong mo? Since birth bestfriends na kami niyan." sabi ni Zoey. Paktay ka boi Nathan.
"Bestfriends lang?" tanong ko.
"Excuse me ha, sorry pero sino ka ulit?" tanong ni Ram. Boi angas.
"Ram, pare, bestfriend ni Nathan." tinignan niya ako na may halong confusion. "Magkikita pa tayo pre. Tara na Dani." Hinila ko si Dani papuntang classroom.
"Ano ba! Bakit mo ba ako hinihila?!"
"Wala lang, para dramatic." sabi ko. Inirapan niya ako at bumalik sa upuan niya.
Interesting. Kailangang malaman ni Nathan 'to.
BINABASA MO ANG
"I Love You Nerd Part 1"
Teen FictionHindi ang itsura, yaman o popularidad ang batayan ng kasiyahan. Nagpanggap akong iba para hanapin ang katahimikan, pero hindi ko alam na 'yon pa mismo ang mag-aangat sa akin para makita ng iba.