Chapter One- Dejavu

1.2K 67 3
                                    


***

"Maniniwala ba kayong sa ilalim ng lupa na tinutungtungan natin, may isang sibilisasyon na namumuhay?"

Tanong ng babaeng professor na may mataba na pangangatawan. Agad napaisip ang mga estudyante sa tanong ng guro. Mayamaya ay nagtaas ng kamay ang Salutatorian ng klase na si Beverly.

"No mam. Dahil kung totoo yun, malamang patay na rin sila dahil sa atmosphere na dala ng plates." Dire-diretsong paliwanag ng dalaga.

Nagpalakpakan naman ang lahat. Taas-noong umupo si Beverly at ngumisi kay Alcoriza.

"Very good Ms. Tacardon. Now let's hear the side of Ms. Pixie Dust." Naging sentro ng atensyon si Alcoriza na syang tumatakbong Valedictorian ng klase nila.

Alinlangang tumayo ang dalaga saka inilibot muna ang tingin sa buong klase na naghihintay ng sagot niya. Humugot siya ng hangin at buong lakas na nagsalita.

"Naniniwala ako." Tuwid na sagot ng dalaga kaya napa-whoa ang lahat sa pagkamangha.

"How do you say so?" Taas kilay na sabat ni Beverly. Ang professor naman nila ay naghihintay ng sagot niya.

"............"

Napanganga si Alcoriza dahil di nya alam kung paano magsisimula. Unang una hindi nya naman talaga alam kung totoo nga ba tong sinasabing civilization sa ilalim ng lupa. Pangalawa, nasagot lamang niya iyon para kontrahin ang sagot ni Beverly. Ngayon naman, hindi niya mahagilap ang mga tamang paliwanag sa underground civilization na tinatawag. Ilang minutong nagkaroon ng awkward atmosphere sa loob ng classroom habang hinihintay ang paliwanag nya.

Napakislot ang lahat nang mag-ring na ang bell. Hindi na niya na-defend man lang ang sagot nya.

"Okay. I think we should continue our discussion tomorrow."

Napatingin lahat siya sa mga estudyanteng nagsisitayuan na. Kaya isinukbit na rin niya ang bag niya.

"Phew. Save by the bell." Sambit niya sa sarili.

Nagpakawala si Alcoriza ng malalim na buntong hininga dahil sa wakas naligtas siya sa napakahirap na tanong na iyon. C'mon, aware siya sa topic na yun. Ang problema lang hindi enough ang evidence niya para mag-insert ng confidence sa pagpaliwanag sa harap ng klase ng mga ganoong bagay.

Sino bang maniniwala na may buhay sa ilalim ng lupang tinutungtungan nila? Sa pagkakaaalam ng lahat mga minerals lang ang naroroon. O samahan pa ng ilang laman-lupa na pinaniniwalaan ng Lolo niya noong nabubuhay pa.

"You lose." Pangungutya ni Beverly kay Alcoriza at mataray na nilagpasan ang dalaga palabas ng room. Napailing-iling si Alcoriza. Masyado kasi nitong sineseryoso ang iringan nila bilang top 1 at top 2 ng klase.

Umalingawngaw ang tunog ng locker nang isarado ito ni Alcoriza. Walang kaemo-emosyong naglakad palayo ang dalaga bitbit ang libro at bag.

Walking distance lang naman ang bagong bahay nila kaya tinatakbo lang niya ito. Mula nang magkaroon ng bagong trabaho ang parents niya nakahanap sila rito sa subdivision ng available na bahay. Lumipat na raw kasi ang naninirahan rito sabi ng iilan.

"Hi, Mr. Leopard!"

Bati niya sa matandang lalaki na nagtitrim ng bushes katapat lang ng bagong bahay nila ngayon. Samakatwid, kapitbahay lang nila ang matanda.

Pero imbes na batiin siya ay natataranta nitong itinuro ang bahay na nilipatan nila kamakailan lang.

"Umalis na kayo sa bahay na
yan. Mapapahamak kayo." Napakunot ang noo ng dalaga.

Umalis?

Mapapahamak?

Isinawalang bahala ni Alcoriza ang sinabi nito. Sa halip na katakutan ay di na lang niya pinansin ang matanda. Siguradong nagiging ulyanin lang ito kaya kung ano-ano na lamang ang sinasabi.

Pagpasok pa lamang ni Alcoriza sa bahay ay narinig na niya ang boses ng parents niya.

"Ayos na ayos tong nabili nating
bahay. Mukhang hindi naman second hand kasi kompleto ang appliances."

lbinaba niya ang dalang libro at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Bigla tuloy natuyo ang lalamunan niya matapos marinig ang sinabi ni Mr. Leopard sa kanya kanina.

Nilibot niya ang paningin sa kabuuan ng bahay. Maayos at tahimik naman ang lahat. Malinis rin. Ang tanging di pa lang nya nabibisita sa parte ng bahay nato ay ang basement at attic. Masyadong madilim at wala siyang panahon para harapin ang nararamdamang takot.

Kung ganun anong ibig sabihin ni Mr. Leopard na delikado? Wala naman sigurong napatay rito? O na-massacre o kaya naman ay mga kaluluwang hindi matahimik sa gabi? Napangiwi na lamang si Alcoriza sa mga naiisip niya.

"Alcoriza anak, magmeryenda ka na sweetie." Malambing na aya ng ina ng dalaga pero umiling iling ito at umakyat na ng kwarto.

Napabuntong hininga siya nang makita ang magulo niyang kwarto. Kalilipat pa lang niya rito nung isang araw, at alam nyang maayos itong nakasalansan sa cabinet.

"Bwisit talaga yun kahit kelan."

Siguradong ginulo na naman ito ng mga kapatid niya. Isa isa niyang pinagpupulot ang nagkalat na CD's, mga libro at notebook sa sahig nang mapatingin siya sa ilalim ng kama niya.

Sa di malamang dahilan ay kinilabutan siya. Madilim sa ilalim nito pero may pwersang naghahatak na sumuot siya sa ilalim nito kahit wala siyang maaninaw na liwanag man lang. Naipilig na lamang niya ang ulo sa sobrang hallucination na nararanasan. Umatras siya mula roon saka napatingin sa kabuuan ng bago niyang kwarto.

"Dejavu..." Mahinang sambit ng dalaga at nagpatuloy sa paglinis.

"Naniniwala akong may sibilisasyon na namumuhay sa ilalim ng lupa. At ang lugar na yun ay tinatawag na....Agartha."

Pagkatapos isalaysay ni Alcoriza ang sagot niya ay namayani ang katahimikan sa buong classroom. Napangiti siya dahil doon. Alam niyang napahanga niya ang mga kaklase sa inireport niya ngayong araw.

Aba malamang. Buong gabi ata siyang di natulog matapos lang ang report niyang ito. Pinag-isipan niya lahat ng details at kumuha siya ng iba't ibang references. So deserve niya talaga ang isang malakas na palakpakan.

Nanatiling tahimik ang lahat. Mayamaya ay napuno na ito ng tawanan. Bagsak ang balikat na inilibot nya ang tingin sa buong klase at wala siyang ibang makitang reaction kundi ang pagtawa. They are all like laughing monsters in her eyes.

"Hahaha! Seriously?" Mapang-asar na sambit ni Beverly.

"Can you give me some proof Pixie Dust?"

Seryosong tanong ng professor niya kahit nagtatawanan pa rin ang iba. Nabaling ang atensyon niya sa guro niyang seryoso lang na nakikinig.

"Isang astronaut ang nakakita ng isang butas o lagusan sa Northpole. Sinasabi na dito maaaring dumaan ang mga tinatawag na tao ng Agartha." Hindi man sigurado sa pinagsasasabi niya ay alam niyang may part doon na totoo. Hell, nabasa lang niya iyon sa isang lumang article na hinalungkat pa niya kung saan.

"She's insane. Pano mabubuhay ang tao sa ilalim ng lupa? That's bullshit." Sabat ng isa niyang kaklase at nakisawsaw na rin ang iba.

Sinamaan na lang niya ng tingin ang lahat ng kaklase nya including Beverly na wagas kung makatawa sa sulok na parang nang-aasar pa.

"Class, makakalabas na kayo." Utos ng professor kaya kanya-kanyang tayuan na ang lahat. Bumalik na rin siya sa inuupuan niya para kunin ang gamit at nang makalabas na rin.

"Alcoriza Pixie Dust?" Tawag pa nito sa dalaga na papalabas na rin sana ng room.

Lumingon naman siya.

"Maiwan ka muna."

Napangiwi si Alcoriza sa sinabi ng guro.

Mukhang mapapahamak siya dahil sa mga kasinungalingang pinagsasabi niya sa unahan.

***

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon