Chapter 15-Flashback Memories

376 27 0
                                    

***

Takbo ang ginawa ni Archdave sa pasilyo ng kaharian at palinga-linga pa ito na parang may hinahanap. Natigil lamang siya nang muntikan na niyang mabunggo ang dalawa sa tatlong musketeers na sina Neva at JhunaMae.

"Nagmamadali ka ata." Bati ng walang emosyong si JhunaMae habang kinikilatis ang mukha ng binata. Bukod kasi sa paggamit ng sandata niyang pana ay may kakayahan rin siyang bumasa ng kilos at galaw ng tao. At sa puntong ito, mukhang alam na ni JhunaMae na may hinahanap si Archdave.

"Si Hershey? Nakita nyo?"

Muling nagkatinginan ang dalawang dalaga at napatango.

"Nasa hardin. Mukhang malalim kang iniisip. Kung ako sayo ay hindi ko na muna siya guguluhin sa pagkakataong ito." Tinuro ni Neva ang direksyon kung saan nagtungo ang dalagang si Hershey. Pagkatapos noon ay nagpatuloy na ang dalawa sa paglalakad at iniwan ang natahimik na si Archdave.

Lagaslas ng tubig mula sa umaapaw na fountain ang tanging naririnig ni Hershey habang nakatulala sa malawak na paligid. Tahimik at walang kahit na anong ingay kundi ang tubig na bumabagsak sa konkretong pader. Nakakadagdag kalma ito para sa kanya. Paulit-ulit siyang napabuntong-hininga saka ipinikit ang mga mata


Sa katahimikan ng paligid ay nakarinig siya ng mahinang yabag at mga kaluskos mula sa dulong halamanan. Tinalasan niya ang pandinig.

"Sino yaaaan-----"

"Wait kalma lang! Kalma Hershey!" Mula sa malalagong bushes ay lumabas ang nagtatagong si Archdave. Halos mamutla ito sa kaba dahil saktong labas niya, nakatutok na sa mukha niya ang dulo ng espada ng dalaga. Konting galaw na lamang at masusugatan na siya.

"Oww-key? Uhmm wala ka naman sigurong balak patayin ako noh?" Napalunok si Archdave at napatingin sa seryosong mukha ni Hershey. Makailang minuto ay binawi rin niya ang espada at inilayo sa disgrasyadang mukha ng kaibigan.

"Anong ginagawa mo rito?" Pagtatanong ni Hershey sa kaibigan.

"Ayos ka na? Iniisip mo pa rin ba ang naging tugon ng hari sa iyo kanina?" Agad napaiwas ng tingin si Hershey saka napabuntong-hininga. Nabalot muli ng katahimikan ang lugar na kinaroroonan nila. Walang sinumang nagsalita.

"It's been a decade since I lost here underworld. Pero nakakatawang isipin na tatlong taon pa lang akong nawawala sa mundong ibabaw." Natatawang napailing ang dalaga at napatingin sa malayo. Napangisi naman si Archdave sa naging tugon ng dalaga.

"Eh ano rin kaya ako? Tiyak kung anong nararamdaman mo ngayon, nararamdaman ko rin. Hays, namimiss ko rin namang magpagala-gala sa mundong ibabaw. Yung tipong wala akong pakialam sa curfew ng village. Tatambay sa 7/11 tapos buong weekend aattend ng kung ano-anong---"

Hindi na pinatapos pa ni Hershey ang sasabihin ni Archdave dahil base sa mga pinagsasasabi nito, alam niyang namimiss lang ng binata ang nakaraang buhay niya sa mundong ibabaw.

"Bakit? May nasabi ba akong masama?" Tanong pabalik ng binata nang makitang iniharang ni Hershey sa mukha niya ang kanang kamay.

"Wala. Enough na nai-cite mo na lahat ng mga bagay na usually mong ginagawa dati. I bet you miss your oldies up there." Ngumisi nang mapangloko ang dalaga kaya napabuntong hininga ang kausap.

"Kung bibigyan ka nang pagkakataon na makabalik sa ibabaw, babalik ka ba?"  Tanong pa niya kaya Archdave bagay na ikinalaki ng mata ng binata. Hindi ito makapaniwalang naitanong ito sa kanya. Huminga muna ito nang malalim bago sumagot.

"Sa tingin ko, hindi na." Mapaklang sagot nito. Napanganga naman si Hershey.

"Ilang dekada na tayo rito. Kung tutuusin, parang iba na nga ang lahi natin kasi tulad nila, tulad ng mga naninirahan rito,  parang di na rin tayo tumatanda gaya ng iba. Three years na akong nawawala sa ibabaw. At pag bumalik pa ako, hindi na ako nakasisigurong kilala pa ako ng lahat. Marami nang nabago Hershey. Marami na."

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon