Tumambad sa kanila ang isang malawak na pamayanan. Ang bawat establishment at mga bahay ay gawa sa bato. Sa sobrang dami ng mga tao sa kalsada ay halos umikot ang mga mata ni Emm sa sobrang hilo."Totoo ngang may sibilisasyon dito sa ilalim." Di makapaniwalang bulong ni Alcoriza sa sarili.
Nagkalat ang mga wagon. Tulad ng normal na syudad, may mga nagtitinda rin ng gulay at prutas. May mga naglalakaran, may mga nakasakay pa sa karitela. Ang ibang musikero ay nasa tabi lamang at kanya-kanyang tugtog ng dala nilang instrumento na animo ay inaaliw pa ang mga taong nagdaraanan.
"Nasa mundo na ba ako ng fairytale?" Wala sarili ay nasambit na ng nakatulalang si Regine.
Di magkamayaw ang ingay sa paligid. Mga taong nagsasalita, nagkakantahan, pakiramdam tuloy ng tatlo ay nagiging totoo na ang mga senaryong sa Disney Movie lamang nila nakikita. Pero kung ikukumpara nila ito sa mga fantasy movies na napanood nila, mas kapani-paniwala ang isang to.
"A-anong lugar ito?" Tanong ni Alcoriza sabay libot ng tingin sa magulong paligid.
"Ito ang kabisera ng Agartha. Kilala sa tawag na Kalyan." Paliwanag pa sa kanila ng dalagang nakasuot ng salakot at agad pinabilis ulit ang pagpapatakbo sa karitela.
Umalingawngaw ang tunog ng pagbukas ng bakal na gate. Halos tumingala na si Alcoriza para tanawin ang dulo nito. Pagpasok ay ipinarada ng dalaga ang kabayo. Inayos nito ang salakot at dire-diretsong pumasok sa malawak na palasyo. Sumunod naman ang tatlo dahil curious na curious ang mga ito kung ano ang hitsura sa loob.
Di pa sila nakakahakbang ay halos sumigaw na ang tatlo dahil sa mga lumilipad na punyal.
"Hala! Umuwi na tayo!" Natatarantang sambit ni Regine.
"Hindi pa natin nahahanap si Roselle!" giit ni Alcoriza.
"Pucha! Hindi ata tayo welcome rito!!" Sigaw naman ng umiilag na si Emm. Kanina espada at nagliliparang sibat at pana, ngayon naman nagliliparang punyal. Mukhang rito na makikitil ang buhay nilang tatlo.
Napayuko na lamang sila para iwasan ang sunod sunod na tama ng punyal na sobrang talim.
Agad nasakap ng dalagang may salakot ang isang punyal at tinapon ito pabalik.
"Archdave, lumabas ka diyan. Hindi nakakatawa." Walang emosyong utos ng dalaga.
Mayamaya ay tumigil ang nagliliparang punyal at umalingawngaw ang sunod sunod na halakhak mula sa di kilalang lalaki na nagtatago sa madilim na parte ng palasyo.
"Hahaha! Pasensya na. Nakakatuwa lang gamitin eh. Hooo!" Lumabas mula sa madilim na lugar ang nagtatagong si Archdave na di matigil sa kakatawa.
Mayamaya ay tinapon ulit ng dalaga ang isa pang punyal na muntik nang tumama sa ulo ni Archdave pero tulad ng ginawa niya, nasalo rin ito ng binata. Halos mamangha ang tatlo dahil sa husay nitong humawak ng sandata. Magkasinghusay lamang ang dalawa.
"Asan ang hari?" Tanong ng dalaga na may suot na salakot.
"Nasa loob. Kanina ka pa hinihintay. At oww---may mga bisita pala ang Agartha." Ngumisi si Archdave at tiningnan sina Alcoriza. Hindi malaman ni Alcoriza kung nang-aasar ba ang bawat tingin at ngisi nito. Pero pakiramdam talaga niya'y iniinsulto sila ng lalaking kaharap nila ngayon.
"Tayo na sa loob." Aya pa nito atsaka pumasok na ng palasyo habang nilalaro sa kamay nya ang hawak na punyal.
Kakaiba rin ang suot nito. Yari sa balat ng hayop ang tela at ang boots nito ay may blade din sa gilid.
Pero isa lang ang alam ni Alcoriza, ang dalawang iyon ay tila normal tulad nila.
**
Pagdating sa loob ay hindi pa rin maitikom ni Emm ang sariling bibig dahil sa sobrang mangha sa nakikita. Sa sobrang lawak ng lugar hindi niya alam saan ba dadako ang paningin niya. Pero isa lang ang nakaagaw pansin sa tatlo kundi ang nag-iisang gintong upuan sa gitna ng templo. Ang trono kung saan nakaupo ang isang lalaking nakasuot ng magarang kasuotan. Sa pagkakaalam ni Alcoriza ay nakikita lang niya ang mga ganitong tao bilang hari ng palasyo. Teka nga muna, ito na ba ang hari ng Agartha? May hari pala ang Agartha?!
Ibinagsak ng dalaga ang patay at nilalangaw na usa sa tapat ng trono ng hari. Lumikha ito ng mahinang tunog ngunit sapat na para agawin ang atensyon ng haring abala sa pagkalikot ng nangangati nyang ilong.
"Eww." Mahinang sambit ni Regine sa sarili at napaiwas ng tingin.
"Lutuin para sa hapunan!"
Pumalakpak ang hari at dalawang alalay ang kumuha sa usa na idiniretso na agad sa kusina. Napangiwi naman ag tatlo sa nakita. Inilibot ng dalagang si Alcoriza ang paningin sa buong palayo.
Buong pader at mga pasilyo ay gawa sa bato na tila nasa sinaunang panahon na sila.
"Sino naman ang mga iyan?!" Talsik laway na tanong ng hari sa dalaga na tila di natinag sa pagkakatayo. Umalingawngaw ang sigawan nina Alcoriza, Emm at Regine sa buong palasyo dahil sa sobrang gulat.
"Mga nilalang mula sa ibabaw." Walang emosyong tugon ng dalaga at inayos ang suot nyang salakot.
"Ako si Alcoriza, ito si Emm at si Regine. Mula kami sa daigdig na nasa ibabaw."
"Alam kong mga nilalang kayo na nagmula sa daigdig na nasa ibabaw. Ang gusto ko lang malaman anong dahilan at narito kayo sa kaharian ko?!" Nanggagalaiti pang tanong ng nakakunot noong hari.
"Hinahanap namin ang kapatid ko. At di sinasadya nalaman namin ang lagusan sa---" Naudlot ang sinasabi ni Alcoriza nang sumigaw ang hari na halos mapatid na ang litid sa leeg.
"Ginamit ninyo ang lagusan?!" Muling bulyaw ng hari kaya nahintakutan ang tatlo.
"Paumanhin mahal na hari. Kusa itong lumitaw at hinigop kami papas---"
"Aaaaaarrrgghhhhrrrrr!!!"
Natigil sa pagsasalita si Regine nang magpakawala ang hari ng napakalakas na sigaw. Waring tunog ng isang halimaw. Sa sobrang lakas ng hangin na nanggaling sa bibig nito ay halos mailipad ang katawan nina Alcoriza.
"Pasensya na. Busog lang ako." Ani ng hari sabay himas sa mabilog nyang tiyan. Prente pa itong nakaupo sa trono at nilaro pa ang hawak na toothpick sa bibig nya. Napangiwi na lamang sila sa nakikita nila.
"Si S-Shrek ba yan?" Numumutlang tanong ng binatang si Emm habang nakatitig sa malahalimaw na hitsura ng hari.
Nakakatakot at tila tinalo pa nito ang hitsura ng mga estudyanteng nag-aaral sa Monster University.
"Palagay ko mas gwapo pa si Shrek kaysa dyan." Ngumiwi si Regine.
Mayamaya pa ay sumenyas ulit ang hari at sumugod ang tatlong kawal na nakasuot ng armor.
"Dakpin ang mga lapastangang ito!!"
Sa isang iglap ay hinablot ng kawal sina Alcoriza, Emm at Regine saka itinulak palayo sa hari.
Tatawagin pa sana ni Alcoriza ang dalagang may suot na salakot ngunit bigla itong yumuko at naglakad na palayo.
***
BINABASA MO ANG
Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSE
AdventureAgartha is a legendary city that is said to reside in the Earth's core. It is the existing inner earth kingdom, the undiscovered civilization underworld. Join Alcoriza, Emm and Regine as they explore the magical world of Agartha filled with mysterie...